Kris Aquino to replace Cristy Fermin in "The Buzz"

"It's a surprise. Yun na lang ang sasabihin ko. Abangan nalang nila. Okey, hintayin na lang ninyo. Baka marami pang pagbabago," teasesKris Aquino on her reported return to The Buzz.



Sumagot na si Kris Aquino sa isyu na bukas na si Ai Ai delasAlas sa pakikipagbati sa asawa ni Kris na si James Yap. Matatandaan kasing lastSunday, October 19, sa The Buzz—kung saan naging guest co-host si Ai Ai—ay ipinahayag ng komedyana na handa na siyang makipagbati kay James.Naisulat na rin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang hiwalay naoff-cam interview naman namin kay Ai Ai tungkol dito.

Sa interview ng Entertainment Live kay Kris Aquinona ipinalabas kahapon, October 25, halata namang hirap magbigay ng reaksyon angTV host-actress tungkol sa isyu.

Ayon kay Kris, "Ang hirap-hirap talagang mag-comment saganyan kasi baka kami naman ng asawa ko ang mag-away. It's really... as much as Iappreciate, how much Ai Ai did for me when I needed a friend, sana maunawaandin ako talaga na yung feelings ng asawa ko is...I really have to take intoconsideration. So, I pray for that, but at the end of the day, it's really upto James."

Nagsimula kasi ang tampuhan nina James at Ai Ai nangkampihan ni Ai Ai si Kris noong panahong nasa gitna ng kontrobersiya angrelasyon ng mag-asawa.

AFTER AI AI'S VATICAN VISIT. Sa isang hiwalay nainterview ay nakunan din ng pahayag ng Entertainment Live si Ai-Ai.

Ayon sa komedyana, "Kaya lang naman ako nagganun kasikaibigan ko si Kris. Siyempre ‘pag kaibigan mo, di ba kakampihan mo? Naturallang yun. Kasi noong after nang mag-Vatican nga ako, di ba?Nag-cleansing-cleansing ako doon. Kaya sabi ko, kung sino ang may sama ng loobsa akin o may sama ako ng loob, babatiin ko na."

Ayon pa kay Ai Ai, anuman ang maging reaksyon ni James sapakikipagbati niyang ito ay tatanggapin niya.

"Basta ako okey lang ako, na okey na sana kami. Kung walasiyang reaksyon, okey lang din. Kung anuman yun, di ba? Okey, pasensya na.Sinasabi ko lang sa kanya nationwide na gusto ko nang makipagbati sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RETURNING TO THE BUZZ. Samantala, nagbigay rinng pahayag si Kris tungkol sa inaabangang pagbabalik niya bilang host ng TheBuzz, bilang kapalit ng nasuspindeng si Cristy Fermin.

"It's a surprise. Yun na lang ang sasabihin ko. Abangan nalang nila. Okey, hintayin na lang ninyo. Baka marami pang pagbabago untilSunday."

Kaya naman siguradong tututukan ng mga manonood ang TheBuzz today, Sunday, October 26, kung kailan magaganap din ang birthdaycelebration ni Boy Abunda, na isa sa main hosts ng The Buzz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN