By coincidence, sabay ngayong araw na ito, October 27, ang story conference-creative meeting ng dalawang TV5 shows na nabigyan ng second season: ang horror anthology na Midnight DJ tuwing Lunes ng gabi at ang teen show na Lipgloss tuwing Sabado ng hapon.
Episodes 14 at 15 ang pag-uusapan sa Lipgloss ng 3 p.m. sa bandang Ortigas. Sa pagkakaalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ilang characters ang pagpapahingahin muna at ilang bagong characters naman ang ipapasok sa show.
Second season naman ng Midnight DJ ang pag-uusapan sa story conference ng bandang alas-dos sa Valle Verde.
Siguradong hindi na babalik ang character ni Paolo Contis bilang Patrick sa Midnight DJ pagkatapos ng Episode 13, na ipalalabas next Monday (Episode 12 ang ipalalabas mamayang gabi). Pumirma si Paolo ng exclusive contract sa GMA-7 at pinayagan lang siya ng Kapuso network na mabuo ang unang season ng Midnight DJ dahil unang commitment ito.
Hindi pa masabi ng aming kausap kung sino ang papalit kay Paolo ngunit may tatlong aktor silang pinagpipilian: sina Baron Geisler, Oyo Sotto, at Geoff Eigenmann na pawang mga artista ng ABS-CBN. Bagong character ang magiging papel ng mapipili sa tatlo, hindi ang dating character ni Paolo.
Retained pa rin sa lead cast ang dalawang babae ng horror anthology na idinidirehe ni Lore Reyes—sina Desiree del Valle at Jenny Miller. Retained din ang komedyanteng si Joaqui Tupas na gumaganap na Bodjie, ang best friend ng character ni Paolo.