Confirmed: Dingdong and Karylle breakup; Denied: Marian as third party

It has been weeks since the rumored breakup between Dingdong Dantes (main photo) and Karylle (inset, top) was first heard. They still have to confirm or deny this, but PEP sources say that the two have, indeed, broken up. Dingdong's screen partner, Marian Rivera (inset, bottom) is being named as the third party, but Dingdong says that is not true.



Kumpirmadong break na sina Dingdong Dantes at Karylle.

Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) mula sa iba't ibang sources na pawang may malalim na koneksiyon sadalawa at sa Kapuso network. Inaasahang bago matapos ang linggong ito ay sabayna magpapa-interview sina Dingdong at Karylle sa isang national broadsheet parasabihin once and for all kung break na sila.

Bago pa man ang anunsyong iyan, tinitiyak ng PEP na break nanga ang dalawa, na naging magkasintahan din ng tatlong taon.

Samantala, pumapasok ang pangalan ni Marian Rivera sabreakup.

Matagal nang ikinakabit ng iba ang pangalan ni Marian Riverakay Dingdong, dahil na rin sa panay-panay na tambalan ng dalawa sa telebisyonat, kamakailan, ay sa pelikula man. Ngunit iginiit ng isang network insider nawalang third party sa pagtatapos ng relasyon nina Dingdong at Karylle.

Ayon sa source, na may malayang access sa GMA-7, ang networkkung saan nakakontrata sina Dingdong at Karylle, "na-outgrow" na lang ng datingmagkasintahan ang isa't isa. At sa recent interviews naman nina Dingdong atMarian, itinanggi ng dalawa na may namamagitan sa kanila bukod sa pagigingmatalik na magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isyung Dingdong-Marian, ito ang paniwala ng PEP:Nagsasabi ng totoo si Dingdong sa pahayag na hindi si Marian ang dahilan ngpaghihiwalay nila ni Karylle. Ito ay sa dahilang "wala talagang commitment siDingdong kay Marian," ayon sa isang beteranong reporter na malapit kayDingdong.

Sa katunayan nga raw, sabi ng ilang reporters na nakapaligidkay Dingdong, parang "free na free" ang dating ni Dingdong. Parang ini-enjoy raw nito ang pagiging "single" muli. Madalas pa nga raw magkomento ang binata nanagagandahan siya sa ganito at ganoong babae, at nabibiro siya sa kanyangpanlasa. Hindi raw ito ang magiging dating ni Dingdong kung tali na siya kayMarian.

Ganunpaman, hindi naniniwala ang PEP na walang namamagitankina Dingdong at Marian. Maraming nasa paligid din ng dalawa ang bumubulong namahigit sa magkaibigan sa propesyon ang turingan ng dalawa. Ayaw nga lang dawnilang ma-quote kasi baka pag-isipan ang dalawa ng masama ng mgamaka-Dingdong-Karylle.

Naniniwala kasi silang matagal nang tumabang ang romansangDingdong-Karylle, at kung sa nariyan o sa wala si Marian, hindi na rin daw itoiinit pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONTRADICTORY STATEMENTS. Lumabas noon sa ilangreports na sabay raw magpapa-interview sina Dingdong at Karylle pagbalik ngyoung actor mula sa Amerika nitong Oktubre. Ito ay upang linawin ang balitakaugnay ng estado ng kanilang relasyon. Ngunit, mahigit isang linggo mula nangbumalik si Dingdong, wala pa ring pahayag mula sa kanya o maging kay Karylle.

Sa ilang panayam ng entertainment press kina Dingdong atKarylle matapos kumalat na break na sila, nakapagtatakang kadalasan ay hindimagkatugma ang kanilang mga sagot.

Noong October 8, sa mismong araw ng pag-alis ni Dingdongpapuntang Amerika upang mag-abay ito sa kasal ng isang kaibigang matalik,nakausap ng YES! magazine si Karylle sa pamamagitan ng text message. Nangtanungin kung ano ang totoo sa balitang break na sila ni Dingdong, ito angnaging sagot ni Karylle: "We were just together this whole afternoon. He leavesin a while for the States. I just chose to be quiet kasi parati na lang ganito.The other week, [the rumor was] as if buntis ako. Paikot-ikot lang ang issue."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganito rin ang laman ng pahayag niya sa GMA-7 news programna 24 Oras noong October 14. (CLICK here to read related story.)

Pagdating na pagdating ni Dingdong mula sa Amerika noongOctober 17 ay dumiretso siya sa inauguration ng GMA Network Studios. Doon aynahingan siya ng reaksiyon tungkol sa pahayag ni Karylle sa telebisyon.

Ani Dingdong, "Hindi pa kami nagkakausap or nagkikita ni Kaykasi kababalik ko pa lang. Nakarating naman sa akin yung sinabi ni Kay. I don¹twant to say anything muna tungkol sa sinabi niya. I feel na hindi pa ito angright time. Pero magsasalita naman ako sa tamang oras talaga. Nangako naman akona I would give an interview para malinawan na ang lahat sa mga nangyayari."(CLICK here to read related article.)

Sa hiwalay na interview ni Butch Francisco kay Dingdong aytinanong ng Startalk host ang young actor kung nasaan si Karylle. "I don'tknow," ang sagot ni Dingdong, na noong oras na ‘yon ay katabi naman si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ipinalabas sa Startalk ang naturang pahayag naito ni Dingdong. Pero binanggit ito ni Butch sa ilang entertainment press,kabilang na ang PEP, sa presscon para sa Startalk 13th anniversary noongOctober 18.

May nakarating ding impormasyon sa PEP na hindi nagustuhanni Dingdong ang ginawang pagpapa-interview ni Karylle dahil nga taliwas ito sausapan nilang magbibigay ng official statement.

Ngunit sa huling interview ni Dingdong sa shooting ng OneTrue Love kahapon, October 28, sinabi nitong naiintindihan niya kung hindinaiwasan ni Karylle na magsalita, lalo na't may mga reporters na namimilit sakanya. (CLICK here for related story.)

OPEN SECRET. Ayon sa highly reliable source ng PEP,halos dalawang buwan nang hiwalay sina Dingdong at Karylle. Dagdag naman ng isapang source, ang talagang masinsinang pag-uusap ng dalawa tungkol sa hiwalayanay naganap sa bahay ni Dingdong bago umalis ang binata papuntang Amerika noong October 8.

Sa simula pa lang, ayon sa highly reliable source, alam naraw ng pamilya at ng malalapit na kaibigan ni Dingdong ang tungkol sapaghihiwalay nila ni Karylle. Maging sa loob ng GMA-7, may mga grupo na ringnakakaalam sa estado ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat marami pang detalye ang nakalap ng PEP, marami saaming sources ang tumangging ipasulat ang kanilang mga sinabi bilang respetokina Dingdong at Karylle. Ayon sa kanila, magsasalita rin ang dalawa sa tamangpanahon at malapit na nga raw itong mangyari.

Sa kabuuan, ayon sa mga kuwentong ito ay noon pa lang daw aymay problema na sa relasyong Dingdong at Karylle. Sinusubukan pa rin daw nilangayusin ito hangga't maaari, pero sa huli ay nagdesisyon na silang tapusin angrelasyon. Hindi malinaw kung sino ang nakipag-break kanino.

Pero noong September 3 ay sinorpresa pa ni Dingdong siKarylle sa unang performance ng kasintahan bilang Maria sa musical play na WestSide Story.

Bumisita rin si Karylle sa penthouse ni Dingdong sa Cubao,Quezon City, nang mag-pictorial doon ang YES! noong September 28.Ayon sa isang source, malabo na raw ang dalawa noon.

Ang napansin ng YES!staff ay ang kawalan ng special gestures, terms of endearment, o private chatssa pagitan ng dalawa. Tuloy ay parang magbarkada ang dating nila. Kumportablesi Karylle sa penthouse ni Dingdong, kilala niya ang buong pamilya, at sumamapa siyang magsimba sa pamilya ng binata. Ngunit walang maaaninag na sweetnesssa magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE MARIAN FACTOR. Kung totoo ngang hiwalay na sinaDingdong at Karylle, ang malaking katanungan ngayon ay kung bakit. Dito napumapasok ang pangalan ni Marian.

Walang duda na kakaiba ang dating at lakas ngpakikipagtambal ni Dingdong kay Marian Rivera—una sa Marimar, nanasundan pa ng Dyesebel. Dahil magkasunod na ginawa ang dalawangtop-rating teleserye, mahigit isang taon silang nagkasama sa trabaho. At leastthree times a week silang nagkikita, at kung minsan pa'y five times a week.

Ngayong tapos na ang Dyesebel, ginagawa naman nilaang pelikulang One True Love mula sa GMA Films, at susundan ito ng GMA-7primetime series na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Hindi imposibleng nagkahulugan ng loob sina Dingdong atMarian. Dahil dalawang nilalang na nagmamahalan ang kanilang ginampanan sa kanilangteleserye, marami silang eksena kung saan nagpapahayag sila ng pag-ibig saisa't isa. Dagdag pa rito ang napakaraming kissing scenes at love scenes nila.

Sa panayam ng YES! kay Dingdong sa November 2008issue nito, tinanong siya kung hindi ba siya nakakaramdam ng kahit ano satuwing meron siyang maiinit na kissing scenes sa kanyang mga kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Dingdong, "You have to. Otherwise, it won't comeout real. Pero siyempre, you have to snap out of it. ‘Yong iba naman kasi,hindi nila dinidibdib, e. Like I said, I want to put my whole self in what I'mdoing. I wanna be involved. I always give my hundred percent. Siguro, sakalagitnaan, I wasn't feeling like I was acting. I actually lived thecharacter."

Ngunit kapag may nagsasabing magandang "career move" angmaging girlfriend niya si Marian, o may nagpapahiwatig na "promotions" ngpelikulang Dingdong-Marian ang mga usap-usapang sila na ngayon, halatangnaiirita si Dingdong. Ang kalimitang mahinahon at palangiting binata aynagiging seryoso, sabay sabing, "That's so stupid."

Samantala, si Marian ay piniling maging tahimik sa relasyonnila ng nabalitang boyfriend na si Ervic Vijandre, isang modelo. Madalassabihin ni Marian na "Ibalato n'yo na lang sa akin ‘yan" kapag natatanongtungkol sa kanila ni Ervic.

Pero kahapon din ay umamin na si Marian na tatlong buwan nasilang wala ni Ervic. Sinabi ng young actress na ang kawalan ng oras para saisa't isa ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. (CLICK here for related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mariing sinasabi ng isang source ng PEP na walangromantic commitment sina Dingdong at Marian sa isa't isa. Totoong "mas close" raw silangayon, pero "walang commitment."

Ayon naman sa ilang taong kasama mismo sa trabaho ninaDingdong at Marian, may malaking pagbabago sa pagtitingan ng dalawa. Bagamatclose na sila noon pa, ngayon daw ay hinahatid na ni Dingdong si Marian sasasakyan ng dalaga, na hindi naman daw dati ginagawa ng young actor.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN