Iza Calzado wants to be a gay icon

"Para lang kasingmisconception sa akin na pang-drama lang ako at looking regal and serious, eang kulit-kulit ko kaya, as in super... It'sjust funny that people don't see that side of me kasi siyempre sandali n'yolang ako nakakasama. Siyempre, ‘pag nagtanong kayo ng serious, talagang seriousdin ang sagot ko. Pero I've always wanted to become a gay icon, parang RitaGomez, yung ganun," says Iza Calzado.



Malaking hamon na naman sa kakahayahan niIza Calzado bilang aktres ang pagsabak niya sa Obra ng GMA-7 para sa buong buwan ngNobyembre. Apat na karakter ang gagampanan niya sa apat na istorya sa Obra.

Sa direksyon ni Topel Lee, "Sanib" ang unang handog ni Iza,at the same time ay Halloween special ng Obra. Tungkol ito sa isang babaengsinasaniban ng dalawang espiritu na nakaranas ng malagim na nakaraan. Kasamarito si Ian de Leon na gumaganap bilang asawa ni Iza.

Isang nakatutuwa pero heartwarming episode naman ang "BeautyQueer" directed by Dominic Zapata. Gagampanan dito ni Iza ang isang babaenggaling sa pamilya ng mga beauty queens, pero siya ay desperadong magkaroon ngbeauty title dahil lagi na lang siyang "thank you girl" o natatalo sa mgabeauty pageants. Dahil nga sa kagustuhan niyang manalo ng title kaya ultimongang isang gay beauty contest ay sasalihan niya. Kasama rito si Melanie Marquezna gaganap bilang nanay ni Iza at si Carlene Aguilar bilang kapatid.

Isang female boxer naman ang role ni Iza sa "Boksingera"directed by Mark Reyes. Naiipit ang karakter niya sa drama episode na ito salalaking kanyang mahal at sa pangarap ng kanyang ama na maging boksingera siya.

Panghuling handog naman ang action episode na "Stella .45"directed by Rico Gutierrez, kung saan isang assassin na gusto nang magbago angrole ni Iza.

Natapos nang gawin ni Iza ang "Sanib" at magte-taping nasiya bukas, October 31, para sa "Beauty Queer." Hindi pa nari-reveal kung sinoang makakasama ni Iza sa "Boksingera" at "Stella .45" dahil namimili pa raw angproduction, ayon kina Ms. Lilybeth Rasonable (supervising producer) at Ms.Redgie Acuña-Magno (senior program manager).

HORROR QUEEN. Sa presscon ng Obra na ginanap kanina, October30, sa 17th Floor ng GMA Network, sinagot ni Iza ang katanungan ngmga invited press people kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ready na ba siyang makipagtagisan ng galing para sa title naHorror Queen dahil madalas na siyang napapanood sa mga horror movies at ngayonnga ay sa telebisyon dito sa "Sanib," bukod pa sa nauna na niyang programa noonna E.S.P.?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay lang. Titles are titles. You can give it to me, I canaccept them. If you don't want to give it to me, it's okay. Sa tuwing mayginagawa naman akong project wala naman akong title na hinahabol. Ang mahalagaay ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko," sabi ni Iza.

Ano ang bagong mapapanood sa "Sanib" na iba sa mga nagawa naniyang horror projects?

"Sa E.S.P. kasi before, hindi naman ako napo-possess. SaOuija, sandali lang naman ang possession ko doon, e. Dito sa ‘Sanib,' dalawangbeses akong mapo-possess, sa bata at saka yung nanay, dalawang karakter. Atsaka ang maganda pa rito ay first time kong nakatrabaho si Ian de Leon. It'ssuch a pleasure and I'm honored to work with the son of two great actors [NoraAunor at Christopher de Leon], and Ian is a good actor as well."

Hindi ba siya nakaramdam ng kakaiba doon sa bahay kung saansila nag-taping, especially sinasabing may multo daw na lumalabas sa hauntedhouse na iyon?

"Sabi ko nga, ‘Ano ba kayo, huwag n'yo na ngang sabihin ‘yansa akin.' E, lalo na possession-possession pa naman, di ba? E, sa totoo lang,matatakutin talaga ako. Kaya nga ‘pag magbabanyo ako, nagpapasama pa ako, e.Lagi rin akong nagtatabi-tabi po. Pero wala, mababait naman yung mga ghostskung meron man kasi hindi naman sila nagparamdam sa akin. At saka nagdadasaltalaga ako lalo na kapag horror ang ginagawa ko."

BABAENG BAKLA. Ano naman ang gagawin niyang atake sa"Beauty Queer" para magmukhang bading, lalo na't babaeng-babae ang tingin ng mgatao sa kanya?

"Akala n'yo lang yun, ‘no! Bading na bading kaya ako!" sabaytawa nang malakas ni Iza. "Kasi naman you're surrounded by gay people. When Ientered the business, not so much. Pero it's day in, day out that you getexposed to the culture. Yung mga makeup artists pa lang sa set kapag nag-uusapna at nandun ka, hindi mo ba maa-absorb yun?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya nga si Iza dahil pinagbigyan ng GMA-7 na makagawa siyang comedy via "Beauty Queer." Matagal na raw niyang gustong gumawa ng comedy.

"Pangarap ko talaga yun," pag-amin ni Iza. "Para lang kasingmisconception sa akin na pang-drama lang ako at looking regal and serious, eang kulit-kulit ko kaya, as in super. Nung last presscon ko nga, tinawag akong‘bakla' ni Dinno Erece [PEP contributor]. Sabi niya sa akin, ‘Bakla ka!' It'sjust funny that people don't see that side of me kasi siyempre sandali n'yolang ako nakakasama. Siyempre ‘pag nagtanong kayo ng serious, talagang seriousdin ang sagot ko. Pero I've always wanted to become a gay icon, parang RitaGomez, yung ganun.

"Nalilinya kasi ako sa drama, that's why when the opportuniycame about through Obra, I told them, ‘Can I try to do some things na Iwouldn't usually do on television.' Nung inisip ko kasi yung Obra, yun angunderstanding ko sa kanya. That actors, directors will be given a chance toshowcase their other side, yung iba pa nilang kayang gawin.

"Katulad ng ‘Boksingera,' prior to them telling me na meronakong gagawing ganung episode, I took up boxing. Nag-training talaga ako.Mahirap siya. Challenge talaga siya physically, bukod pa doon sa hihinginemotionally noong istorya."

FIRST TIME IN ACTION. First time din daw makakagawani Iza ng isang action, na siya talaga yung gagawa ng mga stunts at actionscenes. At dito nga sa "Stella .45" ay mararanasan niyang mag-aksyon.

"It's parang Wanted ni Angelina Jolie, na isa akongassassin, so action talaga. Kasi sa Joaquin Bordado, hindi naman talaga akonag-super action doon. Most ng action scenes kay Robin [Padilla] nakatoka. So,after ng Bordado na-challenge ako. Naisip ko I have to be prepared. Paano kungdumating yung time na I have to do my own stunts? Kaya nagpaturo ako sa isangfriend ko na marunong sa martial arts. So, alam ko na ngayon yung difference ngside kick, round house, front kick. Dati para sa akin lahat sila kick lang.Kaya happy ako na may isang action episode ako sa Obra."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONTRAVIDA ROLE. Apat na characters ang gagampanan niIza sa Obra, pero kung siya ang masusunod, ano pang ibang character ang gustoniya sanang gampanan?

"Ang dami pa kasing puwede, e. Like yung something daring.Mahirap din, e. Kasi we all have to adjust to the market. Actually yung iba ngarito, parang suntok sa buwan pa, tulad nung action. Siyempre iisipin mo' pagnagpapalabas ka, ano ba yung gusto ng audience na nanonood doon sa timeslot nayun? Kasi yung sa mga past Obra, ‘pag comedy, it did well. So, hopefully yung‘Beauty Queer' will do well. But ako kasi, beyond the ratings, gusto ko lang yungat least I got a chance to do the story na alam kong hindi ko naman magagawadoon sa soap ko.

"Gusto ko nga sana yung something bad. I actually offeredmyself for Sunshine [Dizon] to be her kontrabida for Obra. Siyempre, sabi nila,‘Ikaw yung susunod, 'no!' Kasi I want talaga, like super scheming, ‘O, wow!'"

Since gusto niyang gumanap ng kontrabida, hindi ba siyanagwo-worry sa magiging reaksyon ng mga tao?

"No, kasi papunta na ako sa mga ganun, e. Kaya nga I tookthe role sa movie naming One True Love, yung hindi laging inaapi. I'm trying togo to the next level na. Hindi naman siguro magagalit yung mga tao. Kasi mycharacter, hindi naman niya inaapi si Marian [Rivera] or anybody. She probablymakes some wrong choices pero all because of love. Pero maganda, we shot somegood scenes last night, Dong [Dingdong Dantes] and I. Ang ganda ng eksena. Thatwas an important scene sa pelikula towards the end. So, happy ako about it."

Kuntento ba siya sa itinatakbo ng kanyang career ngayon?Wala ba siyang frustrations?

"Frustrations? Wala naman. It's steady. It's a steady climbfor me. And I think that works to my advantage. Kasi mas napag-aaralanko sa bawat pelikula or experience sa TV show yung mga dapat kong matutunan inacting, in the business itself. So it's not just a shot or rise up to stardomna very sudden that I might not able to handle. Kasi you'll never know how thisthings work until you're there, di ba? So, sa akin satisfied naman ako. Siguro angsusunod ko na lang gugustuhin ay yung maging gay icon ako," nakangiting pahayagni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, naitanong din kay Iza ang tungkol sa pagpapakasalnila ni ng boyfriend niyang si Jerry. Kailan na nga ba?

"We will get there, but not yet. Because there are certainthings pa that I need to do. I'm really excited pa doon sa mga susunod ko panggagawin at gusto ko pang gawin. I might do a play. So, yung marriage, it mighthappen pa in the next two to three years, I still don't know," pagtatapos niIza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN