Marian Rivera currently shooting four movies simultaneously

Marian Rivera, one of the hottest stars today, is also one of the busiest actresses. Before the year ends, Marian will be seen in at least four movies: GMA Films' and Regal Entertainment's One True Love; MMFF entries Desperadas 2 and Shake, Rattle & Roll X; and a guest appearance in Scaregiver.



Sunud-sunod talaga ang dumarating na blessings kay MarianRivera. Kaya tulad ng sabi niya, hindi raw siya dapat malungkot kung mayproblema. She just counts her blessings.

Apat na pelikula ang ginagawa ngayon ni Marian.

Una na ang One True Love ng GMA Films at Regal Entertainment, na first movie rin nila together ng ka-love team niyang si Dingdong Dantes. Showing na ito sa November 19.

Ginagawa rin ngayon ni Marian ang dalawang entries sa 2008 Metro Manila Festival: Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X. May guest role din si Marian sa comedy film na Scaregiver ng APT Entertainment.

Si Marian ang ipinalit sa comedienne na si Eugene Domingo para sa title role na "Nieves" sa isang episode ng SRR X. Nagkaroon kasi ng problema sa pagitan ng Regal at ng manager ni Eugene na si Ricky Gallarado kaya hindi natuloy ang komedyana.

Kaya tanong ng PEP kay Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng OneTrue Love noong Martes, October 28, ay kung hindi ba siya tumanggi kahit second choice lang siya sa "Nieves"?

"Hindi po problema sa akin kung may nauna mang pinilito play the role of Nieves," sabi ni Marian. "Ang mahalaga, saakin nila ipinagkatiwala ang role. Saka maganda po, makakasama ko ulit ditosi Robert Villar, ‘yon pong batang kasama ko sa Dyesebel, si Buboy. Miss ko narin po siya dahil nawala na ang character niya bago pa natapos ang Dyesebel."

Pero napag-alaman ng PEP na si Marian pala talaga ang originalchoice to play the role of Nieves, kaya lang ay isang episode lang ‘yon sahorror trilogy ng SRR. Kaya naisip ni Mother Lily na ibigay na ito kay Eugene, na balemagsisilbing first starring role sana ng komedyana. Pero hindi nga natuloy siEugene kaya napunta pa rin sa original choice nila ang role.

Sino ang leading man ni Marian sa "Nieves"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong una po, si Kuya Ogie [Alcasid] po sana anggaganap na asawa ko, pero hindi natuloy dahil si Kuya Ogie naman ang pumalit sarole ni Eugene sa Desperadas 2. Hindi ko man siya nakasama sa ‘Nieves,'sa Desperadas 2 ko naman siya makakasama bilang kapatid namin nina RuffaGutierrez, Rufa Mae Quinto, at Iza Calzado. Nakakatuwa dahil gaganap pong isangbabae si Kuya Ogie, hindi isang bading.

"Pero good choice din po si Pekto [Mike Nacua] who'splaying my husband. Ang saya-saya po sa set dahil puro kengkoy ang kasamako. First time din po akong magko-comedy kaya enjoy ako," lahad ni Marian.

Fantasy ba ang episode nila at engkantada ang role niya?

"May suspense, comedy, at pagka-fantasy po ang ‘Nieves,'pero hindi po ako engkantada. Normal po akong tao rito at asawa ko nga siPekto. Isa po akong engkanto slayer kaya sa akin sila humihingi ng tulongna labanan ang mga tikbalang, kapre, at kung anu-ano pang nananakot sa aminglugar. Reunion ko rin po ito kay Direk Mike Tuviera at ilang araw na akongnakapag-shooting ng movie."

Ewan kung paano nahahati ni Marian ang kanyang schedulesdahil hindi rin siya tumangging gumanap ng cameo role sa Scaregiver na maglu-launchnaman kina Jose Manalo at Wally Bayola, produced by APT Entertainment at maytentative playdate na ng November 26.

"Hindi ko po puwedeng tanggihan si Tito Tony [Tuviera,producer ng APT], ang laki po ng utang na loob ko sa kanya," sabi niMarian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN