Mart Escudero explains why it took him 10 months to admit relationship with Jennica Garcia

"Malambing siya, maasikaso, at maganda. Ang pinakagusto ko sa kanya, hindi ako matatakot na ‘pag pumunta siya sa ibang lugar, magpi-flirt siya. Hindi siya ang tipo ng babae na maano...malapit sa lalake. Hindi siya dikit nang dikit sa mga lalake," says Mart Escudero about girlfriend Jennica Garcia.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mart Escudero habang naghihintay kunan ang eksena niya sa Gagambino, sa taping nila sa may Fairview, Quezon City, noong Miyerkules, October 29. From school, his career, and his girlfriend for 10 months na si Jennica Garcia ang naging usapan.

Gustuhin mang pumasok sa regular school, no choice si Mart kundi mag-home study dahil sa kanyang erratic schedule. Hangga't kaya, hindi raw titigil ang young actor sa kanyang pag-aaral dahil dream nitong makatapos ng college.

DELAYED ANNOUNCEMENT. Binabatikos ngayon sina Mart at Jennica sa delayed na pag-amin sa kanilang relasyon. Puro kasi "we're friends" ang sagot nila noong time na hindi pa sila umaamin. Pero ipinaliwanag ni Mart na naghintay lang sila ng right time magsabi at hindi nila inisip na kailangang mag-apura.

"Marami rin naman ang natuwa sa pag-amin namin dahil hindi raw kami sinungaling. Yun naman talaga ang gusto namin, ang hindi kami matulad sa ibang artista na pumupunta pa sa Startalk o Showbiz Central para umamin," sabi ni Mart.

Sa 10 months nilang mag-on, isini-celebrate ng dalawa ang kanilang monthsary sa pagpapalitan ng regalo. Bukod sa stuffed toys, love notes ang madalas iregalo ni Mart kay Jennica na gustung-gusto nito, kaya nag-e-effort si Mart sulatan ang kasintahan. T-shirts, laruan, at loves notes din ang regalo sa kanya ng young actress.

"Secret" ang sagot ni Mart nang tanungin ng PEP kung ano ang isinusulat niya sa girlfriend. Ganun din ang sagot niya nang usisain kung ano naman ang sinasabi ni Jennica sa mga sulat sa kanya.

Sabi ni Mart, hindi niya iniisip na magbi-break sila ni Jennica. Aniya, "Sana siya na ang makatuluyan ko."

Pero wala pang balak at matatagalan pa bago humarap sa altar ang dalawa. Parehong 18 years old lang sila. Twenty-five years old daw ang right age for Mart to get married.

"Malayo pa ang isip namin sa kasal, hindi ko pa naiisip," sabi ni Mart. "Siguro ‘pag stable na ang work namin, may sariling bahay at kotse na ako, at may ipon na para hindi kami mamroblema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil madalas silang magkasama sa trabaho at hindi maiwasang magkaroon ng tampuhan, ang ginagawa raw nila ni Jennica ay agad pinag-uusapan ang problema para hindi na lumaki at para hindi umabot na pati trabaho nila'y maapektuhan.

Wala sa hitsura nina Mart at Jennica ang pagiging sentimental, at nadiskubre lang ng PEP ang mushy side nila nang tanungin kung ano ang kanilang theme song: "I Will" ng Beatles at "Grow Old With You" from The Wedding Singer.

"Parehong maganda ang lyrics. Hindi alam ng tao kung gaano ko siya kamahal. Very proud nga ako ‘pag napupuri ang acting niya," pagmamalaki ni Mart.

Na-link din si Mark noon kay Kris Bernal during their StarStruck days. May bali-balitang na-turn off lang daw si Mart nang makitang may ibang ka-date si Kris sa Trinoma Mall. Totoo ba ito?

"Walang nabuo, hindi naging kami," paglilinaw ni Mart.

Nagkaka-crush pa ba siya sa ibang girls?

"Hindi na uso sa akin ‘yan, loyal ako kay Jennica. First boyfriend niya ako at first serious girlfriend ko siya," sagot ng binata.

Ano ang mga qualities ni Jennica na gusto ni Mart?

"Malambing siya, maasikaso, at maganda," pag-e-enumerate niya. "Ang pinakagusto ko sa kanya, hindi ako matatakot na ‘pag pumunta siya sa ibang lugar, magpi-flirt siya. Hindi siya ang tipo ng babae na maano...malapit sa lalake. Hindi siya dikit nang dikit sa mga lalake."

Ipinarating ng PEP kay Mart ang pahayag ng ina ni Jennica, na si Jean Garcia, na wala siyang reklamo kay Mark as her daughter's boyfriend dahil mabait siya. Huwag lang daw niya sasaktan si Jennica at wala silang magiging problema.

Ano ang maipapangako ni Mart kay Jean?

"Tulad ng dati, kung ano ang mga ayaw niya at kung ano ang dapat masunod, ginagawa namin. Walang nabago. Hindi kami nagdi-date, pumupunta na lang ako sa bahay nila at dun kami nagkikita at nag-uusap. Magkasama kami dito sa Gagambino kaya nagkikita rin kami," saad ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN