Yasmien Kurdi reveals daring scene of Dion Ignacio in "Saan Darating Ang Umaga?"

Yasmien Kurdi says she cannot forget her leading man Dion Ignacio's scene in Saan Darating Ang Umaga. Yasmien also confirms she and Dion had a past mutual understanding.


Noong nakaraang Linggo sa "Love Me, Hate Me, But Don't Lie To Me" portion ng Showbiz Central, tinanong ang naka-strap sa lie detector na si JC de Vera kung noong time ba na magka-love team pa sila ni Yasmien Kurdi ay naging sila talaga nito.

Sumagot ng hindi si JC na di naman sinang-ayunan ng machine na naglabas ng resultang "Lie."

Kamakailan ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) via ym (yahoo messenger) si Yasmien Kurdi at agad na hiningan ng reaksyon ang dalaga hinggil sa ipinahayag ng dating ka-love team.

"Ganon?" unang reaksyon ni Yasmien. "Ever since di talaga ako naging fan ng lie detector test... so, di ako makapag-comment kc di ako naniniwala sa lie detector, e."

Pero sa sinabing iyon ni JC, may sama ng loob ba siya, violent reaction, o dedma na lang siya?

"No comment po. Kasi di ko na siya kasama sa next project ko... I'm so happy si Dion Ignacio na po," pagmamalaki ni Yasmien tungkol sa kanyang bagong leading man.

Sa isang interview kay Dion, sinabi nitong nagkaroon sila ng mutual understanding (M.U.) ni Yasmien noong panahon ng StarStruck (kabilang sa first batch sina Dion at Yasmien). Noong una ay di pa madiretso ni Yasmien ang sagot sa tanong ng PEP kung totoo ngang may "nakaraan" sila ni Dion.

"He-he-he. Siya yung unang guy sa showbiz na naging ka-close ko... At siya ang first screen kiss ko."

Pero nang ipakita ng PEP sa kanya ang lumabas na interview ni Dion, umamin na rin ang dalaga.

"M.U. po," kumpirma ni Yas. "Tama po siya."

Tinanong ng PEP si Yasmien kung may pag-asa kaya si Dion sa kanya kung "eeksena" muli ito sa kanya, lalo na't magkapareha pa sila sa TV remake ng Saan Darating Ang Umaga.

"Kung sa looks po, approve po talaga siya sa akin! At mabait din naman siya. Feeling ko 13 pa din ako ‘pag kasama ko siya, he-he-he," tipa pa nito sa sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, may pag-asa nga ba si Dion sa kanya?

"Ummm... We'll just answer that when we reach that point po....he-he or that situation," sagot na lang ni Yas.

Tinanong din ng PEP si Yasmien kung ano ba ang gimik niya this weekend kung kailan inoobserba ng halos lahat ng Pilipino ang Undas.

"Wala po ako gimik. Mag-rest po siguro ako sa Cebu [kunsaan nag-show sila ni Mark Herras kahapon, October 31] or sa house po."

Noong sandaling iyon ay nagpapahinga si Yasmien matapos gawin ang mga eksena niya sa taping ng Saan Darating Ang Umaga. Hiningan siya ng PEP ng maibibida niyang dapat na abangang eksena ng televiewers sa show.

Kung noon kasi ay ibinida niya na ang di niya malilimutang eksena sa Babangon Ako't Dudurugin Kita ay ang pang-aaping ginawa sa kanya ni Marvin Agustin (bilang Alfred) sa gitna ng kalye habang nakahubad siya't nakabalot lang siya ng kumot, ngayon daw ay dapat abangan ng mga manonood ang isang eksenang panggulat ni Dion.

"OMG [Oh, my God]! Si Dion, tumakbo ng nakahubad at gitara lang ang takip sa private part niya habang hinahabol ako! Di ko makakalimutan ‘to! Waaaah! Grabe!" tipa ni Yas.

So may "nakita" ba siya kay Dion sa eksenang iyon?

"He-he-he," sagot muna nito. "Ngek, wag na! Panoorin nyo na lang yung scene. Siyempre ako nakatakip ang mga mata ko, no! Echos! Ha-ha-ha!"

Siya naman kaya, may eksena din ba siyang ganun na gagawin?

"Ay, ayaw ko! Pag naging lalaki na lang ako, ha-ha-ha!"

Speaking of hubaran, nagsabi si Alicia Mayer na hindi na ito maghuhubad o magpo-pose ng sexy for PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) ngayong may anak na ito. Just like Alicia, PETA campaigner din si Yasmien. May balak ba siyang punan ang iniwang espasyo ni Alicia sa PETA? As in magpo-pose na rin kaya siya ng sexy sa PETA ads?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, di pa nilalabas ng PETA yung mga totoo kong ads... Yung di pang-press release," sagot na lang ni Yas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN