Alex Gonzaga welcomes IC Mendoza as newest addition on "Juicy"

"Wala, natutuwa nga ako kasi kahit papaano, pag may mabigat kaming guest, may kasama ako, di ba? May kabatuhan ako at hindi naman siya nananapaw. Masaya naman, e. Pangit naman yung palagi kang mag-isa sa show because no man is an island. Wow! At least, may kausap na ako sa dressing room," says Alex Gonzaga about Juicy co-host IC Mendoza.



Mariing itinanggi ng TV host na si Alex Gonzaga na hindi welcome ang komedyanteng si IC Mendoza sa pagpasok nito bilang co-host ng Juicy, ang showbiz talk show ng TV5. Dati ay solong hinu-host ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga ang Juicy.

Wala ba talagang intrigahan at sapawan sa pagitan nila ni IC, na anak ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal at apo ng late and legendary Inday Badiday?

"Meron. Joke! Hindi, wala! Si IC, parang kabarkada ko na. ‘Tsaka ka-age ko rin siya, at saka marami rin kaming common friends. So, wala namang ganoon," sabi ni Alex nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Juicy.

Hindi ba siya nainis dahil idinagdag si IC sa sarili niyang show?

"Wala, natutuwa nga ako kasi kahit papaano, pag may mabigat kaming guest, may kasama ako, di ba? May kabatuhan ako at hindi naman siya nananapaw. Masaya naman, e. Pangit naman yung palagi kang mag-isa sa show because no man is an island. Wow! At least, may kausap na ako sa dressing room," lahad ni Alex.

Ano ang feeling niya na umabot ng second season ang Juicy?

"Sobrang feeling ko! Naku ha!" tawa niya. "Hindi, siyempre, sobrang suporta sa amin ng press people. At saka ibig sabihin nun, may potensiyal ang aming show. So happy ako dahil nabigyan na naman ng chance na i-improve ang show namin."

Hindi ba siya nahihirapan na mang-intriga sa mga guest niya na kapwa-artista?

"Kaya nga nandoon ang mga guest reporter, dahil ayoko naman minsan nakikisawsaw sa isyu," sagot ni Alex. "Mamaya maselan yung topic, tapos ako ang magtatanong. Baka ma-off sila sa akin. Baka sabihin, ‘Sino ba ito?' Bago pa ako sa showbiz. Hindi naman lahat ng celebrity guests ko, kilala talaga ako. Hinay-hinay lang ako."

SIBLING RIVALRY. Tinanong din ng PEP kung nararamdaman na ba niya ang sibling rivalry sa pagitan nila ng kapatid Toni Gonzaga? Aware ba siyang may mga nagsasabing mas magaling siyang host at mas bago ang style kesa sa ate niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami nga!" biro niya. "Hindi naman. Sa tingin ko, hindi. Kaya siguro sinasabi nila yun dahil hindi nila ini-expect na [marunong din akong mag-host]... Nagma-mature na kasi siya, kaya hindi na siya masyadong mabiro, e. Ako kasi, teenager. Kung ano ang nasasabi minsan, hindi na sensible."

.

Nang mag-guest si Toni sa show ni Alex ay may part na nagkaasaran sila. Hindi ba sila nagkakapikunan?

"Actually, huwag na natin siya pag-usapan... Naku, hindi!" tawa na naman ni Alex. "Wala, hindi kami nagkakapikunan. Kasi sa bahay, ganoon naman ang lambingan namin, pikunan. Wala yun sa amin. Wapakels [wala kaming pakialam] sa ganoon. Hindi namin bini-big deal yung ganoon."

PRINCESS OF TV5? May mga nagsasabing siya na ang bagong prinsesa ng TV5. Balita ring may bago na naman siyang show kasama si Matt Evans. Ano ang masasabi ni Alex dito?

"Ay, hindi naman. Wala naman akong korona. Kailangan bigyan muna nila ako ng korona. Siyempre, ang reyna ay si Ms. Gretchen [Barretto], ‘tapos ang prinsesa si Ms. Lucy [Torres-Gomez]. Ano ako? Hindi ko naman puwedeng i-claim yun. Kabagu-bago ko lang sa showbiz, may title na agad?"


Bilang backgrounder sa pagkakabanggit kina Gretchen at Lucy: Si Gretchen ang partner ng may-ari ng TV5 na si Tonyboy Cojuangco. Bagama't magkakaroon na si Gretchen ng malaking game show sa naturang istasyon, alam ng mga insiders sa telebisyon na hindi si Tonyboy ang nakipag-negotiate sa manager ni Gretchen, na si Boy Abunda, kungdi ang matataas na pinuno ng Prime Media. Ang Prime Media ay ang grupong pumasok sa isang blocktime agreement with Mr. Cojuangco at siyang nagbigay ng "young" image at programming sa istasyon. Samantala, si Lucy ay host sa TV 5 ng isang dance show, na sinasabing consistent top rater ng istasyon.

Nang sabihan si Alex na sa dami ng shows niya sa TV5, siguro ay may title na siya, agad niyang sagot, sabay tawa: "Hindi naman... tatlo lang! Kahit naman marami akong shows dito, hindi naman lahat show ko. Ang dami ko rin kasama. Di bale kung ako lang lagi mag-isa, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Juicy at Lokomoko sa TV5, napapanood din si Alex sa ABS-CBN shows na Tiny Tony at My Only Hope.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN