Yeng Constantino calls issue with Iya Villania "fake"

"Binabati ako ni Ate Iya pag nagkikita kami dito sa ASAP, o pag nagge-guest ako sa MYX. Nag-tape kami sa bahay, pero hindi pa kami nagba-bonding talaga to the max. Wala akong masasabi kay Ate Iya, sobrang mabait siya sa akin, so sana huwag na kaming lagyan ng issue," says Yeng Constantino about Iya Villania (inset).



Naging kontrobersiyal ang nakaraang show ng ASAP '08 sa Guam dahil sa nabalitang kumprontasyon ng dating magkasintahang Jake Cuenca at Roxanne Guinoo. May balita pa ngang nauwi raw sa sakitan ang pagtatalo ng dalawa.

Ito raw ang dahilan kung kaya't hindi nabigyan ng pansin ang iba pang isyung nangyari rin sa ASAP '08 sa Guam. Isa na rito ang sapawan diumano nina Yeng Constantino at Iya Villania sa isang production number.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Yeng, tinanong siya tungkol sa lumabas na isyu. Nagpahayag ng labis na pagtataka sa tanong na ito ang kauna-unahang Pinoy Dream Academy (PDA) Grand Dreamer.

"Sobrang fake itong balita na ito!" bulalas niya. "Wala ako sa Guam, nasa Qatar ako nun, nasa Oman, nasa Middle East countries. Kasi may show ako kaya hindi ako nakasama sa Guam."

Patuloy niya, "Wala kaming problema ni Ate Iya, mabait yun sa akin. Sa ASAP, sila ni Maja [Salvdor] ang isa sa unang pumansin at nag-welcome sa akin."

Nilinaw rin ni Yeng na bagamat magkasama sila ni Iya sa ASAP at iba pang mga trabaho, hindi naman sila ganun ka-close.

"Binabati ako ni Ate Iya pag nagkikita kami dito sa ASAP, o pag nagge-guest ako sa MYX. Nag-tape kami sa bahay, pero hindi pa kami nagba-bonding talaga to the max. Wala akong masasabi kay Ate Iya, sobrang mabait siya sa akin, so sana huwag na kaming lagyan ng issue."

SECOND BATCH OF PDA. Nagpahayag naman ng kasiyahan si Yeng tungkol sa tinatamasang tagumpay ng Top 6 ng PDA Season 2. Gaya ni Yeng, may hit song na rin ang second placer na si Bugoy Drilon, ang "Paano Na Kaya."

"Nakakatuwa nga yung kanta ni Bugoy, may recall talaga sa tao," sabi ni Yeng. "Nakakatakot... Actually, mabigat yung sinasabi nilang sinusundan yung yapak ko. Feeling ko sa sarili ko, ang dami ko pang dapat kaning bigas o gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Yeng, na sa pananalita ay mukhang may tunay na magandang saloobin: "Basta ako, sobrang hapy ako para sa kanila, sa lahat ng mga nararanasan nila, sa lahat ng mga blessings na natatanggap nila. Katulad din nila ako nung una, nangarap din ako at pag nalaman mo na yung mga katulad mong mga kabataan ay nangarap din at natupad nila yun, sobrang saya ang mararamdaman mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN