Christian Bautista approves of Gab Valenciano for ex-girlfriend Rachelle Ann Go

"Whatever is happening, because I'm not really sure, I will be there for both of them. Gab is a good man, he loves God. And I'm sure someone who loves God, definitely, is a good person," says Christian Bautista about rumored romance between ex-girlfriend Rachelle Ann Go and dancer Gab Valenciano.



Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng singer na si Christian Bautista tungkol sa nababalitang pagkakamabutihan ng dati niyang girlfriend na si Rachelle Ann Go at ang kasamahan nila sa ASAP '08 na si Gab Valenciano.

Sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi nina Rachelle at Gab na walang espesyal na relasyong namamagitan sa kanila, kundi purely friendship lang, marami ang ayaw maniwala sa mga pahayag na ito ng dalawa.

May lumabas pa ngang balita na nakita raw si Rachelle na nagbababad sa dressing room ng TV5 para magbigay suporta kay Gab nang pumasok ang binata sa grand finals ng Shall We Dance, ang dance show ni Lucy Torres-Gomez. May balita rin na kasa-kasama na si Rachelle sa mga family gatherings ng mga Valenciano-Pangilinan, bagay na hindi raw ginagawa ng simpleng magkaibigan lang.

Sinabi naman ni Christian sa PEP na boto siya kay Gab para kay Rachelle, kung saka-sakali ngang totoo ang nasabing balita. Kilala naman daw kasi niya at itinuring na rin niyang kaibigan si Gab.

Sabi ni Christian, "Whatever is happening, because I'm not really sure, I will be there for both of them. Gab is a good man, he loves God. And I'm sure someone who loves God, definitely, is a good person."

Wala ba siyang nararamdamang kahit kaunting selos, lalo't matagal-tagal din ang itinakbo ng relasyon nila ni Rachelle Ann?

"No, wala na. Not now," sagot ng singer. "Rachelle and I are really good friends. I love Gab, as well as his family."

Patuloy niya, "I'm single and I'm available. If love comes, I'll accept it with all my heart. Ako naman, I'm just waiting kung anuman ang mangyayari. Sa ngayon kasi, wala pa talaga, wala pang spark. I've been meeting lots of people na rin in the industry, I'm going out with friends, pero no specific single na person. Yun kasi ang style ko, kikilalanin ko sila kung sino sila talaga. Ayoko ng mga blind dates or set-up."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Christian celebrated his 27th birthday on October 19.

CHRISTIAN, THE ACTOR. He is now is more focused on his singing and acting career. Naka-inspire daw nang husto kay Christian ang musical play na West Side Story—kung saan ginampanan niya ang male lead role na Tony—para subukan niya muli ang pag-arte. He even wants to try action or drama.

"Katatapos ko lang ng West Side Story, at tuwang-tuwa ako sa mga pumunta at nanood," paglalahad ni Christian. "Ang dami kong natutunan as an artist. Parang gusto ko nang maging aktor, gusto ko na ang pag-arte, punung-puno siya ng laman. Yung mga kasama ko sa West Side, talagang buong puso nilang ibinibigay yung best nila sa performance nila."

Kung itatabi si Christian sa mga kasamahan niyang veteran stage actors sa West Side Story—lalo na sa gumanap ng Maria na si Joanna Ampil, isang singer-actress na namayagpag na sa West End theater scene sa London—marami pa talaga siyang dapat matutunan. Ang stage presence ni Christian ay hindi pa malakas at ang acting niya ay hindi pa pang-entablado. Sa stage kasi, kung ikukumpara sa telebisyon, nangangailangan ng sinasabing broader strokes kahit na pino pa rin ang characterization. Ang kagandahan lang kay Christian ay may pangingilala siya sa mga dapat pa niyang matutunan at may determinasyon siyang humusay pa.

Adventurous din siya bilang aktor: "I want an action role, kasi lagi na lang nila akong nilalagay sa roles ng sakristan, pari... Para maiba naman ng kaunti, ‘tsaka mahilig ako sa mga stunts. Pero alam ko di bagay sa akin. Puwede rin drama, sports na role."

CONCERT WITH ERIK. Ibinalita rin ni Christian na naurong na next year ang Face Off, ang concert nila ni Erik Santos.

"Postponed muna yung show namin ni Erik," sabi ni Christian. "We decided to move it on another date para mas maraming preparations. Maybe around next year. Medyo tight na kasi yung sked namin. Ang dami naming rakets, ‘tsaka ang dami na ring concerts, so napagdesisyunan naming i-move na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN