Lani Mercado does not mind being the third choice to play the Nida Blanca role in "Saan Darating ang Umaga?"

"Kung may nauna man na in-offer sa project, what's important, ipinagkatiwala ng GMA-7 sa akin ang role," says Lani Mercado about her role in GMA-7's Saan Darating ang Umaga?.



Si Lani Mercado ang napili ng GMA-7 na gumanap sa dating role ni Nida Blanca sa TV remake ng 1983 Viva Films production na Saan Darating ang Umaga?. Mula pa rin sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes, ang naturang soap opera ang papalit sa timeslot ng magtatapos ngayong linggo na Gaano Kadalas ang Minsan?.

May pressure ba kay Lani na gampanan ang dating role ni Nida, kung saan nagwagi ng best actress award sa FAMAS ang yumaong aktres?

"Siguro, kahit paano, may pressure, kasi napanood ko ang DVD copy ng movie, at talagang mahusay ang pagkaganap ni Ms. Nida doon. The same pa rin ang concept ng movie, pero marami nang nabago sa story. Kaya pagsisikapan kong magampanang mabuti ang aking role. Malaking factor siguro [na] mom na rin ako," pahayag ni Lani sa presscon ng Saan Darating ang Umaga? kagabi, November 3, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ikinuwento ni Lani na noong mag-story conference ang buong cast ng afternoon soap, ang una raw niyang tanong kay Direk Maryo ay kung magsusuot din siya ng swimsuit.

Paliwanag ni Lani, habang tumatawa, "Napanood ko kasi 'yong beach scene na naka-bathing suit si Ms. Nida! Okey lang sa akin kung sasabihin ni Direk Maryo na magsuot ako ng swimsuit, pero yung one-piece lang."

NOT THE FIRST CHOICE. Aware ba si Lani na hindi siya ang first choice to play the role of Lorrie sa Saan Darating ang Umaga? kungdi si Lorna Tolentino?

"Yes," sagot ng aktres. "Ang alam ko, una itong in-offer to my good friend Lorna, at si Heart [Evangelista] ang gaganap na anak niya. Pero that time, hindi pa siya [Lorna] makapag-decide kung lilipat ba siya sa ABS-CBN o mag-i-stay sa GMA-7. Hindi pa rin siya ready na gumawa ng soap, dahil nga katatapos lang mawala noon ni Daboy [Rudy Fernandez] at marami pa siyang dapat unahing gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In-offer din ito kay Amy [Austria], pero ayaw naman munang magtrabaho ni Amy. Nang sabihin ni 'Nay Lolit [Solis, Lani's manager] na ako raw ang napili sa role, hindi na ako nagdalawang-isip. Kung may nauna man na in-offer sa project, what's important, ipinagkatiwala ng GMA-7 sa akin ang role. And I'm happy na si Yasmien Kurdi ang gaganap na anak namin ni Joel Torre sa soap. First time kong makakatrabaho si Yasmien."

"MY OTHER WOMAN." Bukod dito, gusto rin daw makatrabaho ulit ni Lani si Direk Maryo.

Ani Lani, "Ang first mature role na ginawa ko sa Regal Films, si Direk Maryo ang nag-handle, yung My Other Woman [1991]. Bata pa ako noon. Ayaw pumayag ni Mother Lily [Monteverde], pero ipinaglaban ako ni Direk Maryo, dahil gusto raw niyang ako ang gumanap na wife ni Christopher de Leon, at ang other woman, si Alice Dixson. Ang bata-bata pa rin ni Paolo Contis noon, he was only four or five years old lang noon, at siya ang gumanap na anak namin ni Boyet."

Naikuwento ng PEP kay Lani na isa sa dream ni Direk Maryo ang maisalin din sa TV ang My Other Woman. Gusto rin ng direktor na silang tatlo pa rin nina Boyet at Alice ang gumanap sa kanilang dating roles. Kaya lang, baka hindi payagan ang tema sa TV, at saka naka-base na ngayon sa Canada si Alice.

SEN. REVILLA'S CONDITION. Kinumusta rin ng PEP kay Lani ang kalagayan ng father-in-law niya na si former Senator Ramon Revilla, Sr.

"Lalabas na siya bukas [today, November 4] from St. Luke's Medical Center. Nagpapasalamat ang buong pamilya sa lahat ng mga nag-pray para siya gumaling. Itutuloy na lang ang physical therapy niya sa bahay.

"Si Daddy, malakas ang will to live at sharp pa rin ang memory niya. Gusto nga ni Bong at ng mga kapatid niya na igawa siya ng book. Nakausap na nila si Bibeth Orteza para sumulat ng book at, hopefully, matuloy ito," sabi ni Lani. Si Bibeth ang sumulat ng autobiography ng Comedy King na si Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kahit may anim at dalawang apo na i Lani ay parang hindi pa rin siya tumatanda dahil slim pa rin ang kanyang pangangatawan. In fact sa November 22, magtu-22 years old na ang panganay nilang anak ni Senator Bong Revilla na si Bryan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN