Joel Torre returns to GMA-7 via "Saan Darating ang Umaga?"

"I'm happy na hindi sila nagsasawa na mag-offer sa akin ng mga roles kahit na parating hindi ako natutuloy. Ilang taon din nila akong gustong i-cast, pero nagkakataon na may kasabay talaga," says Joel Torre about doing a project with GMA-7 again.



Sinasabing isang malaking karangalan para sa GMA-7 na mapasama sa cast ng upcoming afternoon soap nitong Saan Darating Ang Umaga? ang award-winning actor na si Joel Torre.

Matagal na raw kasing gustong kunin ng Kapuso network ang serbisyo ni Joel para sa mga soap opera nito, mapa-primetime man o daytime. Nagkakataon nga lang daw na parating may ginagawang soap opera sa ABS-CBN si Joel kaya hindi siya matuluy-tuloy sa GMA-7.

Pero sa pagkakataong ito ay natiyempuhan ng GMA-7 na walang bagong shows si Joel sa ABS-CBN. Ito ang dahilan kaya inalok siyang gumanap sa role ng yumaong aktor na si Nestor de Villa sa TV adaptation ng Saan Darating Ang Umaga?.

Ipinagmamalaki ni Joel na isa siya sa mga aktor noon na napasama sa pagbabalik ng GMA-7 soap opera sa primetime block, via Villa Quintana, noong 1995. Kaya masasabi niyang nagbabalik lang siya ulit sa GMA-7.

Sabi ni Joel, "I'm happy na hindi sila nagsasawa na mag-offer sa akin ng mga roles kahit na parating hindi ako natutuloy. Ilang taon din nila akong gustong i-cast, pero nagkakataon na may kasabay talaga. It just so happened na noong sabihin sa akin ng manager ko na si Ms. June Rufino ang project, libre ako to do it.

"The last drama show I did for GMA was Now And Forever Presents Mukha noong 2005. Then I did a guest role in Mga Kuwento Ni Lola Basyang last year. May isang primetime soap sana na kasama ako, pero I was doing a movie in South Africa kaya napunta sa iba ang role."

Patuloy niya, "Ngayon, I'm really glad to be part of this new soap drama that my friend Direk Maryo J. de los Reyes is directing. I've worked with Direk Maryo in the films like Hindi Mo Ako Kayang Tapakan and I Love You Mama, I Love You Papa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It also reunites me with other actors in the cast like Lani Mercado, who I had the privilege to work with in the movies Once Upon A Time and The Graduates. And I have a chance to work with new breed of actors like Yasmien [Kurdi] and Dion [Ignacio]. And I know that this soap drama is one beautiful show to really watch out for."

Ang ilan sa mga soap opera na ginawa ni Joel para sa ABS-CBN ay ang mga sumusunod: Pangarap Na Bituin, Marina, Gulong ng Palad, Sana'y Wala Nang Wakas, Sa Puso Ko'y Iingatan Ka, Saan Ka Man Naroroon, at Esperanza.

Bukod sa paglabas sa TV ay gumagawa rin ng indie/digital films si Joel. Ang ilan sa indie films na nilabasan niya ay Lasponggols (2005), Rigodon (2005), Baliw (2007), at Ataul For Rent (2007).

Kasalukuyan ding tinatapos ng mahusay at beteranong artista ang mga pelikulang Baler, Subject: I Love You, Surviving Evil, at Deep Gold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN