Katrina Halili on her blessings: "Ganoon po siguro talaga kapag mabait ka...hindi iyong nagbabait-baitan lang."

Katrina Halili, twice-declared FHMPhilippines' sexiest woman and erstwhile TV baddie, believes she's blessed becauseshe's nice and kind. "Di sana makarma na lang ako kung hindi ako mabait.Mawalan ako ng trabaho for life, ha-ha-ha-ha!"



Dumalaw ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa shooting ng One Night Only sa may Marcos Highway, AntipoloCity, noong nakaraang gabi upang makapanayam si Katrina Halili.

As usual, very accommodating si Kat kahitabala sa shooting ng pelikulang pinamamahalaan ni Direk Joey Reyes.Nagkuwento muna ang aktres tungkol sa pelikulang ito ng OctoArts Films.

"Itong One Night Only, iba-iba kamingstory dito, parang limang story ito, e. Kasi lima kaming girl, si Manilyn[Reynes], Diana [Zubiri], Valerie [Concepcion], Alessandra [de Rossi] at ako.Ako yung parang playgirl dahil marami akong boyfriend dito, e. Parang gano'n,"panimula ng tsinitang sexy actress.

Sa exposure, si Katrina daw ang pinakamarami.Sinasabi tuloy na siya daw ang pinakabida rito. Siya nga ba?

"Actually, pantay-pantay naman po kami rito,e," pagwawastong tugon ni Kat.

May nagsasabi pang iniba raw ang story nitofrom the original dahil may nagreklamo na lumalabas na si Kat lang ang bida.Totoo ba ito?

"Ay, hindi po. Actually, pantay-pantay namanpo. Hindi po nabago ang story nito, wala pong nabago sa script. Iyon lang poang lumabas. Kasi dati, noong nag-contract signing ako sa Octo Arts, isinabaynila yung One Night Only at Miss X. Kaya parang lumabas na parangsa akin lang ang dalawang pelikulang iyon."

JUST FRIENDS WITH JOROSS. Inusisa ng PEP si Kat tungkol sa kanyanglovelife. Totoo bang nilaglag niya si Joross na dati niyang constant date, infavor of her ka-MU now na si Kris Lawrence?

"Hindi naman po. Kami kasi ni Joross, parangnasa getting-to-know stage pa lang kami noon, saka friends lang kami. Walalang, trip lang namin, parang, ‘Sige, mag-date nga tayo.'"

Itinanggi rin ni Kat na may third partyinvolved o na si Joross ay nahuli niyang may kasamang iba kaya na-turn-off siya.

"Hindi po, wala, wala. Ako po kasi, siyemprebusy ako sa work, siyempre gusto ko rin ng inspirasyon dahil every day purowork na lang, e. Kaya parang nag-try din akong lumabas-labas, ganoon. Perosiyempre, kinikilala ko naman yung tao, di ba? So, parang kaibigan lang potalaga, ganoon lang. Huwag naman po nating pilitin na ano... Ha-ha-ha-ha!"nakatawang saad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tsismis pang na-hurt daw kasi siya kayJoross, kaya napalapit siya kay Kris?

"Ay, hindi po totoo iyan. Wala talagangganyan, wala."

Masasabi ba niyang playboy talaga itong siJoross?

"Ah, hindi ko po alam, e. Ano ba naman?Mabait naman po yung tao... wala po siyang ginawa sa aking masama," nakatawangpangungumbinsi pa sa PEP ni Kat.

BLESSED KATRINA. Ano nga ba ang sikreto ni Katrina at angdami niyang projects?

"Ganoon talaga, I'm so blessed, ha-ha-ha-ha!Ganoon po siguro talaga kapag mabait ka, kapag totoong mabait ka. At hindiiyong nagbabait-baitan lang," nakangiting esplika niya.

May tinutukoy ba siyang artista nanagbabait-baitan lang?

"Ayoko naman pong maghugas ng kamay, e. Disana makarma na lang ako kung hindi ako mabait. Mawalan ako ng trabaho forlife, ha-ha-ha-ha!"

Pero sino nga yung nagbabait-baitanlang?

"Ay, hindi ko po alam," nakangiting pag-iwasniya. "Mabait nga ako, e. So, hindi ako mapanghusga, ha-ha-ha-ha!"

NO TRAUMA WITH MARIAN. Sa Marimar noon ay super-maldita angpapel ni Kat bilang Angelica, pero sa totoong buhay ba ay lagi siyang pinapaiyak noon ni Marian Rivera, tulad ng kumalat na tsismis?

"Hindi naman po, walang nagpapaiyak sa akin.Friends po kami ni Marian. Noong Marimar pa po, nag-ayos na kami bagomatapos yun."

Willing ba siyang makatrabaho ulit siMarian?

"Oo naman po, bakit naman po hindi?"

Hindi ba siya nagka-trauma rito?

"Hindi naman po, pero if the price is right,puwede, ha-ha-ha! Joke! Ha-ha-ha-ha!"

Sinasabing ang edge daw ni Kat over Marian aypuwede itong magpaka-daring at may ipapakita talaga.

"Anong ipapakita ko?! Ha-ha-ha-ha! Hoy,kuya, sexy naman po si Marian, e. Mas daring ba ako kay Marian? Hindi ko poalam, e. Siguro dahil sweet kasi yung lahat ng ibinibigay sa kanyang role.Siguro rin, kaya sinasabi ng iba na mas daring ako sa kanya, dahil nakapag-FHMna ako, at siya hindi pa, ganoon. Pero pareho rin naman iyon, naka-two piecelang din naman, nagtu-two piece din naman siguro siya," nakangiting pagtataposna ni Kat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon ng show si Katrina sa Metro Bar thiscoming November 15, titled Katrina 4 D First Time, with guests ErikSantos, Joross Gamboa, Ronnie Liang, Dr. Hayden Kho, and Mark Herras. Sponsored ito ngNew Placenta, Olive C, Psalmstre Enterprises, Inc., Hataw, Mayor RecomEchiverri, at Queen Petals ng JP Rizal Extension, Makati.

For inquiries pls. call0920-8919263 at 4543458. Mabibili na rinang tiket sa Ticketnet telephone number 911-5555.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN