Bea Alonzo stars in a movie without perennial leading man John Lloyd Cruz

"Oo, nape-pressure ako, in such a way na yung mga tao ang nagpu-put sa akin sa position para ma-pressure. Pero kung personal kong iisipin, unang-una, magkaiba ang movie namin, totally different. Yung sa kanya [John Lloyd] kasi, romantic-comedy. Now, I'm gonna do a movie na not melodramatic. Parang dramatic compared to Betty [I Love Betty La Fea, her ABS-CBN primetime series with John Lloyd], it's a love story. So, hindi ako nape-pre



Kung nagkaroon ng relasyon sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, mag-iisang dekada na sila dahil eight years na ang love team nila. Pero sa isang banda, puwede namang sabihing malaking bagay siguro na pang-on screen lang ang love team nila kung kaya't tumagal ito ng walong taon.

Proud raw si Bea sa bagay na ito. Kaya kung dumating man ang time na talagang hindi na sila ni John Lloyd ang magkapareha, inaasam niya na hindi pa rin mabuwag ang kanilang loveteam.

Ngayon nga, malapit nang simulan ni Bea ang bago niyang pelikula mula sa Star Cinema, ang And I love You So, kung saan hindi niya kasama si John Lloyd.

Kuwento ni Bea, "Si Direk Lauren Dyogi ang magdidirek. Makakasama ko sina Sam Milby at Derek Ramsay. Parehong hindi ko na first time na makatrabaho silang dalawa, we've worked together in Maging Sino Ka Man. I worked with Sam sa first movie niya, yung Close To You, with John Lloyd. Si Derek naman, we also worked in the movie."

Bilang magka-love team, tila wala nang kailangang patunayan pa sina Bea at John Lloyd, lalo pa't naitanghal silang Box Office King & Queen ngayong taon dahil sa tagumpay ng pelikula nilang One More Chance. Pero as a solo star, dito na pumapasok ang pressure kay Bea. Si John Lloyd kasi ay napatunayan nang kaya niyang magdala ng pelikula dahil naging blockbuster ang A Very Special Love nila ni Sarah Geronimo.

Ano ang masasabi ni Bea rito?

"Oo, nape-pressure ako, in such a way na yung mga tao ang nagpu-put sa akin sa position para ma-pressure," sabi ng aktres. "Pero kung personal kong iisipin, unang-una, magkaiba ang movie namin, totally different. Yung sa kanya [John Lloyd] kasi, romantic-comedy. Now, I'm gonna do a movie na not melodaramatic, parang dramatic compared to Betty [I Love Betty La Fea, her ABS-CBN primetime series with John Lloyd], it's a love story. So, hindi ako nape-pressure in a sense na personal. Happy ako dahil sa movie na gagawin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JAKE-ROXANNE CONFRONTATION. During Bea's birthday presscon, ilang beses siyang tinanong tungkol sa kumprontasyon sa pagitan ng dating magkasintahang Jake Cuenca at Roxanne Guinoo sa Guam. Nadadawit ang pangalan ni Bea sa isyu dahil balitang siya ngayon ang bagong nililigawan ni Jake.

"Ako naman, ang masasabi ko lang, kung ano yung mga nakita ko at kung nasaan ako," sabi ni Bea. "Ang masasabi ko lang, kung may mga nangyari man, wala ako ro'n. Nandoon ako sa kuwarto ko at nagpa-party kami ng mga kaibigan ko sa ASAP. Kami nina Kim Chiu, Shaina Magdayao...

"Kung may nangyari man, hindi ko alam. And I don't think na nandoon ako sa posisyon para tanungin at magsalita about it. So, yun sa akin, dapat hindi na dina-drag ang pangalan ko kasi wala naman ako dun. Pumasok naman si Jake sa buhay ko, wala siyang girlfriend, wala kong boyfriend. So, parang wala naman akong kasalanan kung may nangyari man or wala."

Dagdag niya, "As far as I'm concerned, wala akong ginawa. Malinis talaga ang konsensiya ko. Yun talaga ang alam ko sa sarili ko. Ang ipinagpapasalamat ko na, in fairness naman to me, wala akong ginawa."

May balitang nagkaroon sila ng confrontation ni Roxanne. Totoo ba ito?

"It never, never really happened. It never happened. The confrontation, it never happened," diin ni Bea.

Wala bang dahilan si Roxanne para pagselosan siya?

"Feelings niya yun, e," sagot ni Bea. "Hindi ko alam ang pinanggagalingan niya. Hindi ko alam kung anuman ang rason, kung anuman ang nangyari sa kanya, di ba? Parang wala akong karapatang i-judge siya or anything."

Aminado naman si Bea na dahil sa mga naglalabasang isyu, naapektuhan ang anumang friendship meron sila ni Jake.

"Masasabi ko na hindi naman ako magpapakaipokrita. Siguro naman, oo. Pero hindi naman naapektuhan in such a way na ‘A, ganoon pala, ayoko na sa ‘yo!' Hindi ganoon. Meron lang minsan mga bagay na parang didistansiya ka na lang. Kasi, magiging careful ka na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Bea, "Di ba, hindi mo alam kung ano ang madudulot sa iyo ng mga bagay na yun? Pero ako, sasabihin ko, Jake is not capable of doing it. Kaya hindi yun ang rason kung bakit ako dumidistansiya. It's just now, hindi ko kailangan sa buhay ko ng ganoon."

Aware ba si Jake na dumidistansiya na siya sa kanya?

"Hindi siya distansiya na...hindi siya desisyon... na para siyang fluid, na smooth na lang na nangyari. It's just, even before Guam hindi na kami ganoon kadalas mag-usap. It's because busy ako, ganyan... At saka sinasabi ko nga palagi, binubuo ko pa ang sarili ko. Wala pa akong ibibigay kaya hindi pa 'ko nagpapaasa ng kahit na sinong tao," saad ni Bea.

Kalagitnaan ng taong kasaluluyan ay nakipag-break si Bea sa dati niyang boyfriend na si Mico Palanca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN