Pauleen Luna recalls happy moments with murdered grandmother

"Ang nakakalungkot dito is paano magagawa ng isang tao na saktan o patayin ang isang tulad ng lola ko? Mabait si Lola at wala siyang kaaway. Kaya nga siya walang kasama kapag naniningil siya ng mga pautang niya, because she feels safe at kilala niya lahat ng mga tao dito sa lugar nila. Nakakapagtaka lang is, ano ang konsensiya ng taong ito para pumatay? Gano'n na lang ba kadaling pumatay ng tao?" says Pauleen Luna about her late grandmother, Mrs. Merceditas Jimenez

Isang malungkot na Pauleen Luna ang naabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa burol ng kanyang lola na si Mrs. Merceditas Jimenez—o mas kilala bilang Lola Baby—sa Dulce Memorial Service sa Jose Abad Santos St., Manila, kagabi, November 6.

Napaslang ang 62-year-old na lola ni Pauleen noong Miyerkules ng umaga, November 5, habang naniningil ito ng pautang sa isang palengke sa Sta. Cruz, Manila. Si Lola Baby ay maternal grandmother ni Pauleen. (CLICK here to read related story.)

Hindi makapaniwala si Pauleen sa nangyari sa kanyang lola. Bago raw kasi nangyari ang trahedya, nakausap pa raw ng aktres ang kanyang lola sa telepono. Tumawag ang lola niya para sabihing naayos na nito ang mga dapat ihanda para sa birthday party ng kanyang apo sa November 10.

"Every year kasi, si Lola ang nag-aasikaso ng birthday ko. The last time na nakausap ko siya, excited pa niyang sinabi na naasikaso na niya yung mga magiging handa ko at nabayaran na raw niya. Ganyan si Lola sa akin kasi lola's girl talaga ako. That was the last time na nakausap ko siyang buhay," naluluhang kuwento ni Pauleen.

Natutulog daw si Pauleen sa kanilang bahay nang dumating sa kanila ang balitang nabaril at namatay si Lola Baby. Hindi nga raw makapaniwala ang buong pamilya ni Pauleen sa sinapit ng kanyang lola.

"Ang nakakalungkot dito is paano magagawa ng isang tao na saktan o patayin ang isang tulad ng lola ko?" patuloy sa pag-iyak ni Pauleen. "Mabait si Lola at wala siyang kaaway. Kaya nga siya walang kasama kapag naniningil siya ng mga pautang niya, because she feels safe at kilala niya lahat ng mga tao dito sa lugar nila. Nakakapagtaka lang is, ano ang konsensiya ng taong ito para pumatay? Gano'n na lang ba kadaling pumatay ng tao?"

Dagdag ng dalagang patuloy ang pagluha, "Kaya noong pumunta kami sa hospital, hindi ko matingnan si Lola. Iyak ako nang iyak dahil ayoko siyang makitang walang buhay. She meant so much sa aming lahat. Dito ko nga lang sa wake nakita ang hitsura niya. Iniisip ko na lang ang ginawa sa kanya, nanghihina ako. Hanggang ngayon nga, hindi ko matanggap na wala na siya. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang lahat ng ito. Kaya doon sa taong gumawa nito sa kanya, ipinapasa-Diyos na lang namin. Alam namin na may hustiya para sa lola ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE KILLER'S MOTIVE. Sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis, napag-alaman nina Pauleen na nakita sa loob ng bag ng suspect, na nagngangalang Edison Antonio, ang litrato ni Lola Baby. Hinala nila na target talaga si Lola Baby ng kung sinuman.

"Ang business kasi ni Lola was money lending," sabi ni Pauleen. "So, marami siyang pautang talaga and it's her routine every morning na pumunta sa palengke kung saan may mga pautang siya. She has been doing that for so many years na, pero wala namang nangyayari sa kanya. Then, all of a sudden, ito ang nangyari, at napakasakit pa ng ginawa sa kanya."

Kuwento pa ni Pauleen, "Ang nakarating sa aming kuwento is may gusto raw umagaw ng bag niya at nanlaban daw si Lola. Kilala ko ang lola ko, matapang ‘yan, at talagang makikipaglaban siya. Isa rin siguro ‘yon sa dahilan kung bakit ito ang nangyari sa kanya.

"Pero ang ipinagtataka namin, kung bakit may litrato ang taong ito [suspect] ni Lola. It only means na hindi niya kilala ang lola ko at sinusundan-sundan niya ito. Nagpapasalamat kami sa mga taong kumuyog sa bumaril kay Lola. Ito yung mga taong kilala at natulungan ng lola ko for so many years. As in, binugbog nila ito at dinala nila sa presinto."

Hanggang ngayon daw ay hindi pa nakakausap ng mga pulis ang suspect sa pagpatay sa lola ni Pauleen. Inoperahan pa raw kasi ito dahil sa matinding bugbog na natanggap nito mula sa mga taong nakahuli sa kanya.

"Sa totoo lang, ayoko siyang makilala o makita siya," sabi ni Pauleen. "Hindi niya alam ang sakit na ibinigay niya sa aming lahat. May mga imbestigador naman at sila na ang pinapaasikaso namin diyan. Kaming buong pamilya, we are praying for justice. Kung sino man ang taong nag-utos na gawin ito sa lola ko, sana nakakatulog sila at huwag sana ganito ang mangyari sa pinakamamahal nila sa buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A SAD BIRTHDAY. Sa magaganap na 20th birthday ni Pauleen sa Lunes, November 10, kakalimutan daw muna nito ang magsaya dahil sa pagkamatay ng kanyang lola. Sa November 11 na raw ang libing ni Lola Baby.

"Baka nandito lang kami sa wake on my birthday," naluluhang banggit ni Pauleen. "Nakakalungkot ngang isipin na ang isang okasyon na dapat masaya kayong lahat, biglang nalagyan ng lungkot. Paano ka nga naman sasaya kung may nawala na mahalaga sa buhay ninyo?

"Last year, bago rin ako mag-birthday, yung great grandmother ko naman ang namatay. Ngayon, si Lola Baby naman. I keep asking myself bakit ganito ang nangyayari? I am praying na bigyan pa kami ng lakas to cope with this loss. Hindi ito madali para sa amin dahil napakahalagang tao ni Lola sa aming lahat."'

Nabanggit din ni Pauleen na the day bago namaalam ang kanyang lola, nakabili pa raw ito ng memorial service.

"Yun ang nakakagulat," sambit ng dalaga. "Basta kumuha lang siya ng memorial service para sa kanya. Ayokong isipin na that was a sign, pero nangyari nga itong lahat. Diyan ako bilib kay Lola. Ayaw niyang maging pabigat sa aming lahat kaya maayos lahat, pati ang pagkawala niya."

REMEMBERING LOLA BABY. Naaalala rin ni Pauleen na minsan ay nagbibiro ang kanyang lola tungkol sa kamatayan.

Sabi niya, "Si Lola kasi, she lives alone lang sa bahay niya. Tapos she wakes up around seven in the morning para gawin ang usual na ginagawa niya. Pinapaalala niya sa amin na kapag umabot daw ng alas-otso at hindi pa raw siya lumalabas ng kuwarto, gibain na raw namin ang pintuan ng kuwarto niya, at baka hindi na raw siya humihinga.

"Para sa amin, it was one of her jokes lang. Kasi ang lakas-lakas pa niya, and alam namin na walang mangyayari sa kanyang masama. Pero sa nangyaring ito, hindi talaga natin alam kung ano ang mangyayari. But I know, hindi ito ang gusto ni Lola na mangyari sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-reminisce din si Pauleen sa mga masasayang moments nila ng kanyang Lola Baby.

"Tawag nga ni Ate Ruby [Rodriguez, Pauleen's friend and co-host in Eat Bulaga!] kay lola ay ‘Lola Groovy.' Kasi nga, parang hindi siya yung usual na lola. She's very masayahin at parating nakikipagbiruan sa aming lahat. Ayaw niyang ma-bore sa bahay kaya she goes out with her friends, at minsan kasama namin siya when we all have time," kuwento ni Pauleen.

Huling nakasama ni Pauleen ang kanyang lola sa isang out-of-the-country vacation noong May. Pumunta raw silang lahat sa Hong Kong Disneyland.

"Naku, si Lola pa ang nauunang magpakuha kasama sina Mickey Mouse at Donald Duck!" natatawang kuwento ni Pauleen. "Siya yung picture nang picture sa amin. As in, masayang-masaya siya noong time na 'yon. I never saw her that happy before. Kung alam ko lang na that would be the last time na magkakasama kami sa labas ng bansa, I would have spent that vacation na kami lang nag-uusap at nagtatawanan."

Minsan nga raw ay naiinis si Pauleen sa kanyang lola dahil ang tawag sa kanya nito ay "Panget."

"Gano'n si Lola sa akin," sabi niya. "Ipinapakilala niya ako sa mga kaibigan niya as ang apo niyang panget. Noon, naiinis ako kasi parang inaasar ako ni lola parati. Yun pala, lambing lang niya 'yon sa akin, at kabaligtaran lang ‘yong panget na lambing niya sa akin. Ngayon, nami-miss ko 'yon. Wala nang tatawag nang gano'n sa akin."

LOLA BABY'S CLIPPINGS. Noong ayusin daw nila ang mga gamit ni Lola Baby sa bahay nito, na-discover ni Pauleen na nagtatago pala ang kanyang lola ng mga magazines at ilang clippings ng mga write-ups sa kanya. Noong makita raw 'yon ni Pauleen ay naiyak siya nang husto.

"Hindi ko alam na ginagawa pala niya 'yon. Kasi si Lola, nasasaktan din siya kapag

"Hindi ko alam na ginagawa pala niya 'yon. Kasi si Lola, nasasaktan din siya kapag may mga tsismis sa akin na hindi maganda. Ipinagtatanggol niya ako sa mga taong nang-iintriga sa akin. Ipaglalaban ka ni Lola kapag mahal ka niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong maghiwalay nga kami ni Mayor Sherwin [Gatchalian], isa siya sa nalungkot. Pero hindi niya ako tinanong kung bakit kami nag-break. Sinabi lang niya na mami-miss niya si Mayor. Si Lola kasi, kung saan ako masaya, masaya rin siya.

"Kaya noong makita ko ang collection niya ng mga magazine at articles on me, talagang naiyak ako, because I was surprised na she has time to do all these things. Doon ko nakita how proud she is of me despite all the tsismis na dumating sa buhay ko. Yung collection niyang 'yon, kinuha ko at itinago ko. 'Yon na siguro, aside sa mga litrato namin na magkasama, ang pinakamahalagang maitatago ko na galing sa kanya."

Kung meron daw hindi nagawa si Pauleen para sa kanyang Lola Baby, ito ay ang mga araw na hindi niya ito nakausap at nadalaw.

"Before kasi," sabi ni Pauleen, "routine na for me na dumaan sa bahay niya at makipagkuwentuhan. Gustung-gusto ni Lola 'yon. Pero nitong mga past weeks, naging sobrang busy ako with taping at shooting. Puro kasi location ang mga trabaho ko kaya hindi ko na nagagawa yung naging routine ko kay Lola. Lagi ko naman sinasabi na babawi ako kapag libre na ang schedules ko.

"Kung may power lang ako na malaman ang nangyaring ito sa kanya, I would have spent lots of time with her. Alam ko na hindi naman nagtatampo si Lola kasi alam niya ang demands ng trabaho ko. Pero nagi-guilty ako dahil I wasn't able to spend those last few days with her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Kaya noong humarap ako for the first time sa tapat ng casket niya, sorry ako ng sorry sa kanya. Kasi alam kong nagkulang ako kay Lola sa oras at panahon. Ngayon, hindi ko na magagawa 'yon kasi wala na siya. But I know that she's in a better place now. Wala ng pain at alam kong magiging masaya siya parati. We all pray for her eternal peace at alam kong kahit wala siya, nandito siya para sa amin parati in spirit," pagtatapos ni Pauleen.

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN