Karylle is all keyed up to sing national anthem at Pacquiao-Hoya fight

Karylle is eagerly going through all thepreparations for her singing stint in the Manny Pacquiao-Oscar dela Hoya fightthis December. At the end of the interview, Startalk hostButch Francisco managed to ask a question that's somehow related to Karylle's lovelife.


Kapansin-pansin na nang ma-interview viaphonepatch ng Startalk host na si ButchFrancisco si Karylle, nakasentro lang ang lahat ng katanungan sa kumpirmadongpagkanta niya sa laban ni Manny Pacquiao kay Oscar dela Hoya sa December 6 saLas Vegas.

Kinumusta ng Startalk ang paghahandangginagawa ni Karylle para rito.

"Well, siyempre, unang-una, I mean, nagle-lessonako. Matagal na ‘kong nagle-lesson. Atsaka, dati, nag-audition ako for him. Baka sakali, kuhanin niya ‘ko, so,nagpi-prepare na rin ako. Medyo matagal na ‘kong nagpi-prepare.

"Starting next week, magle-lesson ulit ako,magpo-focus ako sa Pambansang Awit."

Dugtong pa niya, "Siyempre nagpagawa na rinako ng gown, kay Albert Figueras [fashion designer] na kaibigan ni Tita GeleenEugenio. Siyempre, gusto kong magpasalamat kay Tita Geleen dahil tinulunganniya ‘ko at sobrang dream ko talaga ito."

Ano ba ang itsura ng gown?

"Ano siya, yung traditional na Filipiniana,na may touch na modern kasi, maraming flower, very girlie. Hindi ko alam kungpaano i-describe. Siyempre, kailangang gumamit ng mga native na products dahilsiyempre, kailangang proud na proud tayo dahil Filipino tayo."

Kuwento pa ni Karylle, bago pa man daw angactual na araw ng laban ni Manny ay aalis siya agad papuntang Las Vegaspara makasama rin ng matagal ang kanyang mga relatives sa panig ng mommy niyang si ZsaZsa Padilla.

"Pretty soon, lilipad na rin ako. Kasi,nandoon lahat ng family ko. Nandoon ang lolo ko [legendary boxing referee SonnyPadilla] at siyempre, siya ang pinaka-excited. Alam mo naman, referee yun, atni-referee niya si Manny, baguhan pa lang si Manny. At dati pa, maramingmagandang sinasabi ang lolo ko kay Manny.

"And I'm excited singing there kasi, kahitpaano, boksingero ang mga lolo ko rin, I mean, my great grandparents. Alam mo yun...kahitpaano, kahit hindi nagboboksing, nandoon pa rin ako sa ring."

Nagpasalamat din si Karylle sa ilang taongdahilan ng pagkanta niya ng "Lupang Hinirang."

"Siyempre, kay Sir Manny na todo-ensanyongayon. Kay Sir Eric Pineda at saka, si Wilson Tieng ng Solar Films. At kay Ma'amWilma Galvante...alam mo, binigyan niya ‘ko ng mga tips. Tungkol sa pagkanta koat kung ano yung mga kailangan kong alalahanin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Butch, musician din naman daw kasiang executive ng GMA na si Ms. Wilma Galvante at tumutugtog ito ng flute.

A MERRY CHRISTMAS? Sa huli, humirit ng isangtanong si Butch na obviously, not related anymore sa pagkanta niya ng "LupangHinirang." Pasakalye ni Butch, malapit na raw ang Christmas, magiging masaya raw ba angPasko ni Karylle?

"Oo naman!" na tila masaya naman talaga angtono ng boses nito dahil natatawa-tawa pa sa huling katanungan ni Butch.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN