Maricel Soriano sees the same traits she saw in Director Chito Roño 13 years ago

"Gustung-gustoniyang kumain, sasabihan ko siya, ‘Bawal kasi lumalaki na ang tiyan mo.'Magrereklamo sa akin yun, ‘Alam mo Marya, kanina pa ako gutom na gutom.' ‘Taposmagagalit siya pag di ako kumakain, e, kumain na naman ako, pinipilit pa rinniya ako," shares Maricel Soriano about one of Director Chito Rono's traitsthat did not change since they last worked together.


November5, pumirma na sa Star Cinema for a one-picture contract si Maricel Soriano.Kasama ni Maricel noong pumirma ng kontrata ang kanyang manager na si WyngardTracy at kaharap ang managing director ng Star Cinema na si Malou Santos.

Kaugnayng pagpirma ni Maricel sa movie arm ng ABS-CBN ay ang paggawa niya ngpelikulang muli nilang pinagsamahan ni Direktor Chito Roño. Si Direk Chito ang direktorng Dahas, ang pelikulang nagpanalo kayMarya ng Best Actress award mula sa Famas noong 1995.

T-2 ang titulo ngpelikulang muling pinagsasamahan nina Maricel at Direk Chito. Isanghorror-movie, ani Maricel, na kakaiba sa ibang horror movies dahil may puso,nakaka-inspire at nakakaiyak.

Samuling pakikipagtrabaho ni Maricel kay Direk Chito, may mga bagay daw siyangnapansin na hindi nagbabago sa mahusay na direktor mula noong huli nilang pagsasama 13 years ago. Tulad ng paggamit ng memo pad for communication at angappetite nito sa pagkain.

"Gustung-gustoniyang kumain, sasabihan ko siya, ‘Bawal kasi lumalaki na ang tiyan mo.'Magrereklamo sa akin yun, ‘Alam mo Marya, kanina pa ako gutom na gutom.' ‘Taposmagagalit siya pag di ako kumakain, e, kumain na naman ako, pinipilit pa rinniya ako," kuwento ni Maricel nang makausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Masayaraw talagang katrabaho si Direk Chito.

"Masayakami at excited kami pareho. Umuuwi kaming umaga na kasi horror yung movienamin, pero kahit pagod, masaya ako. Sabi ko nga kay Wyngard, ‘Alam mo,Wyn, ngayon ako umuuwi na kahit pagod, happy ako.' May ngiti ako sa labibago ako matulog."

AniMarya, may mga pelikula siyang ginawa dahil kailangan lang niyang gawin, peroang T-2 ay isang pelikula na bukod sakailangan niyang gawin ay gusto niya.

"Nag-uusapkami palagi ni Wyngard, masarap gumawa ng pelikula na gusto mo ringgawin. Dumaan tayo sa aspeto ng buhay natin na kailangan lang natinggaiwn, di ba? Ang T-2, aside nakailangan ko itong gawin, gusto ko siyang gawin kasi inspired ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningannaman ng pahayag ng PEP si Marya hinggil sa dating member ng cast na si BaronGeisler. Balitang pinanghinayangan at iniyakan ni Baron ang pagkakaalis sa T-2 dahil nagkaroon ng miscommunicationat problema sa scheduling. Naiwan kasi sa Venice, Italy, si Baron for the indiemovie Jay.

"SiDirek Chito na lang ang tanungin ninyo tungkol diyan. Mahusay si Baron,nakita ko yun sa Vietnam Rose.Actually, mahuhusay silang lahat because dedicated sila sa trabaho.

"Alammo napaka-blessed ko. Lagi kong masasabi yun dahil halos lahat ng nakakatrabahoko, nakikita ko pag nasa set, talagang mahal nila ang trabaho nila. Walaakong masasabi, lahat sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN