Marian Rivera issues official statement against talk that she caused Dingdong-Karylle breakup

"Masakit mapagbintangan, lalo na't hindi totoo. Sinasabi konang hayagan, wala po kaming serious relationship ni Dingdong. Ang meron kamiay isang magandang love team, isang magandang samahan, na salamat sa Diyos aynaging effective naman at tinanggap ng mga nanonood sa amin. Gusto ko pongalagaan at ipagpatuloy ‘yan hangga't binibigyan kami ng pagkakataon," says Marian Rivera.



Pagkatapos magbigay ng kani-kanilang pahayag sina DingdongDantes at Karylle kaugnay ng kanilang breakup, nagbigay na rin ng kanyangofficial statement si Marian Rivera sa hindi pa rin matigil-tigil na pagdawitng kanyang pangalan.

Si Marian ang itinuturong "third party" sa breakup ninaDingdong at Karylle, pero pinabulaanan na ito ng tatlo sa magkakahiwalay na interviews. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin ang naniniwala na maykinalaman si Marian sa paghihiwalay ng kanyang ka-loveteam na si Dingdong at sadating girlfriend nito na si Karylle.

Lalo pang umigting ang usap-usapan sa namamagitang relasyondiumano nina Dingdong at Marian nang umamin ang aktres na break na rin sila ng kanyangdating boyfriend na si Ervic Vijandre. Tumagal ng halos walong taon angrelasyon ni Marian at ni Ervic, na dating varsity player ng San Sebastian Recoletos at ngayo'y isang modelo.

Isang officialstatement ang ipinadala ni Marian sa Showbiz Central kaninang hapon, November9. Dito ay inamin ng aktres na naaapektuhan na siya sa mganaglalabasang balita na siya ang dahilan ng breakup nina Dingdong at Karylle.Pero iginiit niya na walang silang seryosong relasyon ni Dingdong.

Narito ang kabuuan ng official statement ni Marian:

"Aaminin ko na po na naaapektuhan na ako sa mga usap-usapanna ako ang dahilan ng breakup nina Dingdong at Karylle. Please lang po, huwagnaman sanang gano'n.

"Kahit ako o kahit sino siguro sa atin, walang makakaalam,makakaunawa, at higit sa lahat walang dapat manghimasok sa pinagdadaanan nilangdalawa. Silang dalawa lang po ‘yan. At kahit ako nga, walang nalalaman satotoong namagitan sa kanilang dalawa.

"Ang katatagan po ng kahit anong relasyon ay nakabase sakung paano kayo makisama sa isa't isa, at kung paano ninyo haharapin ang mgapagsubok. Puwede kayong mag-fail o puwede kayong mag-stick together lalo. Nasainyo na po ‘yon, di ba?

"Kung tunay at wagas ang pagtititnginan ninyo sa isa'tisa, at you can stand the test of time, hindi kayo maghihiwalay. Pagsubok kasi‘yan. Walang isa na may kasalanan o masisisi pag nagkahiwalay. Alam ko po ‘yandahil naranasan ko din kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masakit mapagbintangan, lalo na't hindi totoo. Sinasabi konang hayagan, wala po kaming serious relationship ni Dingdong. Ang meron kamiay isang magandang love team, isang magandang samahan, na salamat sa Diyos aynaging effective naman at tinanggap ng mga nanonood sa amin. Gusto ko pongalagaan at ipagpatuloy ‘yan hangga't binibigyan kami ng pagkakataon.

"Maraming salamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN