Janno Gibbs on relationship with wife Bing Loyzaga: "Mas okey na, mas matibay, at saka mas maayos."

"Ano lang talaga ‘yan, e, time lang talaga. Hindi puwedengdaanin sa basta usapan lang, okey na. Siyempre, time din talaga. Kaya ako,kahit sa mga kaibigan ko sa showbiz, hangga't mase-save talaga, lahat ngmagagawa mo para ma-save, yung ganoon, gawin mo," replies Janno Gibbs when asked how he was able to win back his wife Bing Loyzaga.



Mapapanood na simula November 15, Saturday, ang second season ng Kakasa KaBa Sa Grade 5?, ang Philippine franchise ng sikat na game show sa Amerika naAre You Smarter Than A 5th Grader?. This time, ibang set of brightand gifted Grade 5 pupils from different schools naman ang makakasama nghost ng programa na si Janno Gibbs.

Ang sampung bagong estudyante na tutulong sa mga magigingcontestants ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? ay sina David Omilia at Louis Luthy, both of Claret School, Quezon City; Jules Cyber Cruz at Michael Brian Alvarez, both of Lourdes School, Mandaluyong; Matthew KyleOronce, Diliman Preparatory School; Gabriel Viloria Lorin, Lagro ElementarySchool; Pauline AllysonAbalos, University of the Philippines Integrated School; Ram Louis del Mundo, Colegio de San Juan de Letran;Katherine Anne Pavino at Russel Kashmere Garcia (both of Colegio de San Agustin).

Tinanong ng entertainment press si Janno kung kakasa ba siyasa Grade 5 students kung sakaling isalang siya bilang contestant sa sariliniyang programa. Mabilis na "Hindi!" ang tugon ng Chairman of theBlackboard na si Janno.

"Lost po ako!" natatawa niyang sabi. "Feeling ko, mape-pressureako. Mga first questions lang ako tatagal. Kung isasalang ako, hindi ko yatakayang sumalang.

"Isa rin sa dahilan kung bakit favorite ko itong show, isasa mga favorite kong trabaho, kasi ang dami kong napupulot. Pag-uwi ko, palagiakong, ‘Uy, alam n'yo ba?' sa mga anak ko na 'ganito, ganito'... Palagi akong maybaon na bagong natutunan," lahad ng TV host-comedian sa presscon ng Kakasa KaBa Sa Grade 5? kahapon, November 9, sa 17th floor ng GMA NetworkCenter.

Sinabi rin ni Janno na gusto niyang maging guests sa kanyangshow ang mga kaibigan niyang sina Joey de Leon at Ogie Alcasid.

"Hopefully," sabi ni Janno. "Alam ko si Joey, okey na,schedule na lang. Si Ogie, pinapakiusapan ko pa. Busy rin kasi ang mga 'yan.Pero si Ogie, sinusubukan ko kapag SOP, ‘O, ‘eto yung mga tanong...' Tina-try kosa kanya, nasasagot niyang lahat. Kayang-kaya niya, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong naman ng PEP si Janno kung ano ang pakiramdam niyana nagkaroon ng panibagong season ang Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?.

Kuwento niya, "Actually, noong Season 1 pa lang, hoping nakami. Kasi happy yung original producer, happy naman sila. Nakikita ko yung mgae-mails. Like, ‘Your show is doing good, when are we going to do the nextseason?' So, hoping kami na kunin ulit, na bilhin ulit ng GMA. May pasabirin naman ang GMA na, ‘Hayaan mo, ibabalik natin 'yan next year.'"

TOGETHER AGAIN. Iba rin ang aura ni Janno kahapon. Hindi naman niya kinontranang sabihin namin na mas mukhang relaxed at masaya siya ngayon.

Kumusta na ba sila ng asawang si Bing Loyzaga?

"Okey na okey kami ngayon!" masayang sabi ni Janno.

"Yun, galing lang kami ng Australia. Bukod sa sem-break ngpanganay ko [Alyssa], yung daddy ni Bing [basketball great Carlos Loyzaga],medyo nagkasakit kaya pumunta kami dun. Nauna siya [Bing] para maymagbantay. Tapos, sumunod kami ng mga kids. Tapos umuwi na rin kamikahapon [October 8]. One week lang kami, pero siya [Bing], naiwan pa siya, mgaone week pa siya dun para magbantay-bantay."

Mas okay na raw ang kalagayan ngayon ng father in-law niJanno at nasa bahay na raw ito. Pero nakiusap si Janno not to divulge kunganuman ang naging sakit nito.

Sa pagbabalikan nila ni Bing, ano ang napansin niyangpagbabago sa samahan nila ngayon?

"Mas okey na, mas matibay, at saka mas maayos," sagot niJanno. "Siyempre noon, dumaan sa mga stage na friends-friends muna. Perongayon, full balikan na talaga."

More than three months na raw masasabingnagkabalikan sina Janno at Bing. May napansin ba si Janno sa dalawang anak niya nasina Alyssa at Gabbie ngayong magkasama ulit sila ni Bing?

"Well, kahit naman noon, yung mga stage na hindi maganda,palagi namang maganda ang pakita namin sa kids. Hindi naman kami nag-aaway orano. Although sa ngayon, hindi naman na namin pinag-uusapan, pero makikita mosa kanilang masaya sila siyempre," lahad ni Janno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang ginawa niya para lumambot ang puso at bumalikulit ang tiwala ni Bing sa kanya?

"Ano lang talaga ‘yan, e, time lang talaga. Hindi puwedengdaanin sa basta usapan lang, okey na. Siyempre, time din talaga. Kaya ako,kahit sa mga kaibigan ko sa showbiz, hangga't mase-save talaga, lahat ngmagagawa mo para ma-save, yung ganoon, gawin mo," saad niya.

Nanligaw ba siyang muli?

"Alam n'yo, hindi naman madadaan sa ligaw yun,e. Kailangang ipakita mo lang talaga na totoo yung intensiyon mo. Nadesidido ka talaga na i-keep yung family talaga."

Good boy na ba siya ngayona?

"So far, good boy," nakangiti niyang sabi.

Mahirap ba na magpaka-good boy?

"Hindi naman," sagot ni Janno. "Actually, hindi naman. Atsaka sinasabi ko naman, hindi naman lahat doon, totoo. Yung iba dun, tsismislang. At saka good boy naman talaga ako to begin with. Lumalaki lang,natsitsimis lang. Like sa Nuts Entertainment, magbibiro si Joey, susundan niAnjo Yllana. Pero, parang image na lang talaga."

Ano ang mga nakita niyang pagbabago sa pagsasama nila ngayonni Bing?

"Mas ano na, sa daming pinagdaanan din, parang mas relaxed na kami. Mas tone down. Mas secure na saisa't isa," pahayag ni Janno.

Eighteen years nang kasal sina Janno at Bing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN