Pauleen Luna cancels birthday party in deference to grandmother's death

Actress Pauleen Luna decided to cancel her birthday celebration on November 10 after her grandmother, Mrs. Merceditas Jimenez, was murdered last Novemebr 5.



Kahapon, November 10, ay birthday ng aktres na si PauleenLuna, pero hindi siya nagkaroon ng selebrasyon. Nasa burol kasi siya ng kanyangmaternal grandmother na si Gng. Merceditas Jimenez, na pinatay ng isangholdaper noong November 5. (CLICK here to read related article.)

Mismong birthday rin ni Pauleen ang huling lamay ng kanyangpinakamamahal na lola. Inihatid ang kanyang remains sa huling hantungan kaninang alas-nuwebeng umaga sa North Cemetery.

"Dapat sana ay kahapon [November 9]ang party ko sa bahay ni Kuya Allan K [Pauleen's co-host in EatBulaga!]. Kaya lang, may patay nga kami, si Lola, kaya hindi ko naitinuloy ang party ko," lahad ni Pauleen nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kagabi sa burol ngkanyang lola sa Dulce Memorial Service sa Jose Abad Santos, Manila.

Nagparamdam na raw kay Pauleen at sa kanyang ina ang kanyanglola. Anak ng lola ni Pauleen ang kanyang Mommy Chat.

Kuwento ni Pauleen, "Magkatabi kaming natulog ni Mommy.Yung aircon namin, naka-low cool. Pero nagtaka kami dahil sobrang lamig pa rin.Naka-comforter na kami ni Mommy, pero yung lamig parang tumatagos pa rin sa comforter.Tapos yung phone ni Mommy, ring nang ring. Nung sinagot niya, parang biglangmay humila sa comforter namin."

MAYOR GATCHALIAN CONDOLES. Isa sa unang nakidalamhati kay Pauleen at sa kanyangpamilya ay ang ex-boyfriend ng aktres si ValenzuelaMayor Sherwin Gatchalian.

"Nabalitaan niya lang yung nangyari sa Lola ko, taposayun, nagpunta na siya. Three straight nights na siyang nagpupunta rito,"saad ni Pauleen.

"Alam ko naman din kung gaano siya ka-busy, peronandito pa rin siya para makidalamhati sa akin. At hindi biro yung halos everynight ay nasa burol siya ng Lola ko."

MAKING PEACE WITH MICHELLE. Samantala, nakipagbati na rin pala si Pauleen sa dati niyangnakasamaan ng loob na si Michelle Madrigal. Siya raw ang unang gumawa ng movepara matapos na ang matagal nang alitan nila ni Michelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na nagkaroon ng samaan ng loob sina Pauleen atMichelle dahil kay JC de Vera, na kapwa nila naging boyfriend noon.

"Tinawagan ko siya. I'm a Good Samaritan naman kasi. Taposnung magkita kami sa taping ng serye namin, nice na kami sa isa't isa. Masarapang feelings siyempre na wala kang kagalit, di ba?" pagtatapos ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN