Ricky Davao to receive Hall of Fame citation from Aliw Awards tonight

"Yung Hall of Fame, medyo nagulat ako doon. May mga mas magagaling pa na mga aktor sa akin, tulad nila Tommy Abuel at Leo Martinez," actor Ricky Davao said about the citation he will receive tonight.


"Parang tumatanda!" natatawang sabi na lang ni Ricky Davao kaugnay ng Hall of Fame award na tatanggapin niya mamayang gabi sa Aliw Awards. Gaganapin ito sa Manila Hotel.

Dagdag niya, "Pero siyempre, Hall of Fame is Hall of Fame kahit saan mo ilagay iyon, di ba. Hindi lahat nabibigyan ng ganoon. In my 26 years, from 1982 to 2008 ay naka-Hall of Fame din."

Si Ricky ay gumanap na sa humigit-kumulang na 80 dula at musicals. Binibigyan siya ng parangal ng Aliw Awards dahil sa pagkakapanalo niya as Best Stage Actor sa non-musical category.

Nakamit ni Ricky ang Aliw Awards noong mga sumusunod na taon: 1988 para sa Bongbong and Kris, 1998 para sa Sawi, 2002 para sa Insiang, at noong 2003 para sa dulang Speaking in Tongues.

Biro pa ni Ricky, "Yung musical naman yung ta-targetin ko next time! Malakas na rin yung loob kong mag-musical!"

Nakausap ng PEP si Ricky kaninang hapon, Nobyembre 11, sa presscon ng indie movie Sapi, naginawa sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

BACK IN 1982. Binalikan ni Ricky ang mga unang stage play na ginawa niya. Ang una niyang kinatampukan ay isang variety theater play na iprinodyus ni Nora Aunor at idinirehe ni Maryo J. de losReyes, na pinamagatang Convent Bread.

"Yung sumunod," ani Ricky, "serious play na. Bent [by Martin Sherman] yung pamagat. Isang Tony-award winning play tungkol sa mga concentration camps sa Germany. Ang Tagalog title nun ay Lihis. May nudity doon kasi may love scene na napakaganda. At yung love scene ay no-touch because you cannot touch anybody."

Kasama niya sa nasabing dula noong taon na ‘yon si Bembol Roco. Ang gay role ni Ricky ay ginampanan originally ng Hollywood actor na si Richard Gere noong 1979.

"Gusto ko nga gawin ulit iyon kasi age na namin," sabi ni Ricky.

CO-ACHIEVER. Kasama rin sa bibigyan ng karangalan ng Aliw Awards ang character actress na si Irma Adlawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Irma, fan ako nun. For me, she's in my top three, maybe even number one pa nga na stage actress," papuri ni Ricky sa beteranang aktres. Nagkasama na rin sina sa pelikulang Mga Pusang Gala (2005).

Kuwento pa ni Ricky, walang ideya si Irma sa tatanggapin niyang award mamayang gabi.

"Hindi niya nga alam. Susunduin ko siya. Tatawagan ko siya. Nagtanong ako kung pupunta siya. Sabi niya wala daw siyang kasama. Kinuha niya akong driver. Date ko siya mamaya. Hindi niya alam na awardee din siya!" natatawa sabi ni Ricky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN