Aiza Marquez buries past issues with ex-boyfriends Danilo Barrios and Gian Magdangal

by Archie de Calma
Nov 11, 2008
"Nakakatawa nga dahil yung end ng relationship with both Danilo and Gian, negative talaga, may samaan ng loob. Pero eventually, lumilipas din naman. Nare-realize ko rin naman na hindi forever na ganoon ang dapat maging feelings namin sa bawat isa. We all have to move on," says Aiza Marquez.

Pagkatapos ng Sapi, nakatakda pang gumawa si Aiza Marquez ng ibang indie film projects. Ang isa ay tumatalakay sa isang grupo ng Payatas dwellers na natulungan ng designer na si Rajo Laurel. Isang organisasyon ng mga kabataan ang magpo-produce nito. Yung isa pang nakatakdang gawin ni Aiza ay isang science-fiction project na hindi pa kumpleto ang detalye. Wala pang working titles ang mga proyektong ito.

Masaya naman si Aiza na tumanggap ng indie film projects.

"Okey na ito kesa wala akong ginagawa," sabi ni Aiza sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yun ang importante. Kailangan kong bumawi dahil anim na buwan akong nawala sa sirkulasyon. Nagpunta ako sa States, di ba? I spent time with my dad there.

"Mahirap mag-catch up kapag medyo matagal kang nawala. Since wala akong manager ngayon, mahirap na basta ipasok ang sarili ko sa isang network. Galing na ako ng ABS-CBN, but it was okay. Wala lang kasing tao ngayon na maglalapit sa akin doon para sa possible assignments."

Continue reading below ↓

So far, maganda ang takbo ng career ni Aiza sa pagbabalik niya. In a way, gusto na niyang iangat ang level niya bilang aktres.

"Kasama na yun," sambit niya. "At the same time, nagkakataon na ito rin ang dumarating sa akin. Kung may mas malaking opportunties naman na maibibigay sa akin, why not? Kung ano ang maibibigay sa akin, go na lang nang go! For as long as natutulungan ako financially. More on indies and stage plays ako ngayon, e. After Sleeping Beauty na ginagawa ko ngayon, by December hanggang February, baka mayroon pa kaming shows.

"Mayroon pa akong another stage play with Tata Nanding [Josef]. Mas nahahasa ako. In case may malaking offer, mas napapaghandaan ko pa, at mas marami akong pupuwede pang ipakita sa mga tao."

HOME ALONE. Mukhang todo na ito dahil ang mommy ni Aiza ay susunod na sa ama niya sa States after two years. Naka-pending ang petition ni Aiza na mag-migrate na rin sa States to be with her family, pero after 10 years pa raw.

Continue reading below ↓

"Kasi, hindi na ako minor," paliwanag ni Aiza. "I will be left here, at nandoon sa parents ko ang trust na kakayanin ko ang pagsubok kahit dito lang muna ako sa Pilipinas, habang nauna na sila roon sa Amerika.

"Siyempre, habang naririto pa ako, make the most out of the opportunities. Gusto ko pa rin kasing mag-artista. Ito ang makapagpapasaya sa akin. Na-miss kong umarte talaga. Naipapakita ko yung worth ko as a performer, mapa-teatro, TV man o pelikula. Pero kung hindi man maibigay yung para talaga sa akin, may ibang options, at gumagawa rin ako ng ibang paraan."

FRIENDS WITH EX-BOYFRIENDS. Nasabi rin ni Aiza sa presscon ng Sapi na ginanap sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, kaninang hapon, November 11, na textmates na sila ng ex-boyfriend niyang si Danilo Barrios at ang dating girlfriend nito na si Jaycee Parker. Civil naman daw ang pagkikita nila ng isa pa niyang ex-boyfriend na si Gian Magdangal at ang girlfriend ng singer ngayon na si Sheree.

Continue reading below ↓

Ayon kay Aiza, "Nakakatawa nga dahil yung end ng relationship with both Danilo and Gian, negative talaga, may samaan ng loob. Pero eventually, lumilipas din naman. Nare-realize ko rin naman na hindi forever na ganoon ang dapat maging feelings namin sa bawat isa. We all have to move on.

"Between the two, mas malalim kasi yung pinagdaanan namin ni Danilo. Yung ang mas hurting nang maghiwalay kami. Pero wala na rin nga, tapos na yun. Happy na ako sa sitwasyon namin.

"With Gian," patuloy niya, ganoon din naman. Pero hindi ko na masyadong ininda pa yun. Hindi yung kasing tindi ng pinagsamahan namin ni Danilo. But, all in the past na yun.

"Bahala na rin lang kung may nakalaan para talaga sa akin, ke taga-showbiz pa o hindi. I'm not closing the doors for another relationship. Pero okey na muna ako sa ganito. Trabaho na lang muna," pagwawakas ni Aiza.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakatawa nga dahil yung end ng relationship with both Danilo and Gian, negative talaga, may samaan ng loob. Pero eventually, lumilipas din naman. Nare-realize ko rin naman na hindi forever na ganoon ang dapat maging feelings namin sa bawat isa. We all have to move on," says Aiza Marquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results