Carlo Aquino keeps mum about rumor that he is courting Roxanne Guinoo

"Mabait si Roxanne,maganda at tahimik. Hindi ko ide-deny na dumadalaw ako sakanya, pero ayoko munang magsalita ng kahit na ano. Hindi ko naman ‘yanitatago. To be honest, hindi ko alam. Pero malalaman ninyo, promise," says Carlo Aquino.



Bagamat inamin niRoxanne Guinoo na lumalabas sila ni Carlo Aquino, kasama ng iba pang mga kaibigan, sinabi ngdalaga na hindi pa nanliligaw sa kanya ang aktor.

Nang makausap namanng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carlo, inamin niyang dumadalawsiya noon kay Roxanne sa set ng Ligaw na Bulaklak. Pero ayaw niyang sabihin kung nanliligaw na nga ba siya sa dalaga o hindi.

"Mabait si Roxanne,maganda at tahimik," umpisa ni Carlo. "Hindi ko ide-deny na dumadalaw ako sakanya, pero ayoko munang magsalita ng kahit na ano. Hindi ko naman ‘yanitatago. To be honest, hindi ko alam. Pero malalaman ninyo, promise."

Nakarating na rindaw kay Carlo ang kumprontasyon diumano ng dating magkasintahan na sina Roxanne at Jake Cuenca sa Guam.

"Nag-worry ako sakanya [Roxanne], pero hindi ko alam ang buong istorya, so mahirap pumanig saanumang side o magbigay ako ng anumang comment. Basta ang masasabi ko lang, sakahit na anong bansa naman, kahit babae pa o lalake ang sinaktan mo, walang karapatanang kahit na sino," pahayag ni Carlo.

BEST ACTOR. Sa nakaraang CinemanilaInternational Film Festival ay iginawad kay Carlo ang karangalan bilang BestActor para sa pagganap niya sa pelikulang Carnivore. Ano ang pakiramdam niCarlo sa pagwawagi niyang ito?

"Masaya, masnakaka-inspire kasi, siyempre, bagong karangalan na naman ito. First ko ito saCinemanila, so masarap yung feeling," sambit ng batang aktor.

FREELANCER. Inakala ng iba naexclusive star na ng GMA-7 si Carlo, pero nilinaw ng aktor na under Viva ArtistAgency siya at wala siyang kontrata sa Kapuso network. Sa katunayan, bahagi parin siya ng sequel ng Ang Tanging Ina, na may pamagat na Ang Tanging InaNinyong Lahat, ng Star Cinema (film arm ng ABS-CBN).

"Wala akong contractsa GMA kaya free akong gumawa kahit saan basta may offers at maganda naman yungproject. Actually, masaya ako that I'll work with Star again. Ang tagal ko nanghindi gumagawa dito. Ang huli ko nga ay Ang Tanging Ina Part 1 pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maa-assure ko nakung nag-enjoy kayo sa Part 1, mas mag-e-enjoy kayo dito [sa Part 2] kasipresidente na si Mama [Ai-Ai delas Alas]. Mas masaya, mas may damdamin, nakakaiyak.Makikita yung pagiging nanay ni Mama kasi hindi na siya ulit nag-asawa dito. Masmaraming eksena na dapat abangan," saad ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN