"Pinoy Fear Factor" contestant Jose Sarasola says he has no nude photos and sex video

"Definitely that's not me. Sa buhok pa langsa katawan, mabuhok ako. Siya , hindi siya mabuhok.Pango yung ilong niya, saka he's more Chinese, e. He doesn't even look Filipinoor Spanish, so malayo talaga," says Pinoy Fear Factor contestant Jose Sarasola (main photo) about a series of nude photos and sex video now circulating on the Internet (inset).



Bago pa man mapanood ang bagong ABS-CBN reality show naPinoy Fear Factor, na nagsimula kagabi, November 10, kumalat na sa Internet angnude photos at sex video diumano ng isa sa participantes nito na si JoseSarasola. Ang naturang mga larawan at video ay nagpapakita ng isang lalake nanasa aktong nagpapasaya ng kanyang sarili sa harap ng computer.

Pero sa isang statement na ipinalabas ng direktor ng PinoyFear Factor na si Laurenti Dyogi, itinanggi niya na si Jose ang lalaking nasa mga larawan at video.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) na makausap nang personal si Jose upang kunin ang kanyangpanig. Mariin ding pinabulaanan ng 22-year-old aspiring chef at Culinary Artsstudent sa La Salle College of St. Benilde na siya ang nasa larawan at video na kumakalatsa Internet.

"Definitely that's not me," deklara niya. "Sa buhok pa langsa katawan, mabuhok ako. Siya, hindi siya mabuhok.Pango yung ilong niya, saka he's more Chinese, e. He doesn't even look Filipinoor Spanish, so malayo talaga.

Dagdag niya, "I was shocked talaga na it came out like that. Pero obviousnaman na hindi talaga ako yung guy na nasa pictures o scanner, o kung sinumanyun kasi talagang malayo. Especially for people I've been with, friends ko orpeople who really know what I looklike, talagang malayo yung difference."

Siniguro rin ni Jose na hindi niya gagawin ang ganitong mgabagay.

"I'll never do that, baka palayasin ako ng daddy ko sa bahaynamin!" tawa niya. "I'm assuring all the fans of Fear Factor and ABS, and fansko na hindi talaga ako yung nasa nude photos."

Wala ring ideya si Jose kung sino ang nagpasimula atnagkalat ng mga naturang mga larawan at video sa Internet, na pinapalabas na siya. May balak ba siyang hanapin o idemanda ang nagkalat ng mganaturang nude photos at sex video?

"Hindi ako gagawa ng anumang action," sagot ni Jose. "IfI'll look for the guy or sue any Internet [website], wala because hindi naman talaga akoyun. Not a big deal talaga sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una raw ay binalewala ni Jose ang nasabing mga balita.Pero ang nakaalarma sa kanya ay nang makita na niyang naapektuhan ang kanyangmga magulang, lalo na't ang mommy pa niya ang nagsabi sa kanya tungkol dito.

"At first I didn't mind it kasi I just thought lang na becauseFear Factor is coming out, all these things popping out. So, parang balewalalang. But then, more people are texting me and letting me know na I have pictures daw on the Net. So I checked it and malayo naman.

"I'm not making it a big deal kasi hindi ko naman talagakamukha yung guy. Medyo nag-worry ako and nainis na rin because it's affectingmy parents. Our family is very religious. My parents taught me good morals inlife. When it starts affecting my parents, and being the only child in thefamily, you don't want your parents to be sad.

"Actually, it's my mom who saw it sa Net, na parang maynude photos nga raw ako. My mom knows me naman very well, so hindi naman siyananiwala."

Maging ang mga taga-Pinoy Fear Factor ay pinagtawanan langdaw ang isyu dahil alam ng mga ito na hindi talaga siya ang nasa hubad nalarawan at sex video.

"They were laughing about it, kasi I've been with them for along time. And being in the show, they know what I really look like talaga,"sabi ng Pinoy Fear Factor contestant.

Sa sinasabi naman ng iba na karamihan sa mga mayayaman ay nabu-borena sa buhay kung kaya't gumagawa ng mga kakaibang bagay na magbibigay sa kanilang kakaibang excitement, inisa-isa ni Jose sa PEP ang activities na kanyangpinagkakaabalahan. Imposible raw ang espekulasyon na ito sa kanya.

"Exag lang ‘yan because I'm still doing my OJT [on-the-jobtraining], I'm going to graduate na February next year. I want to be a chef soI'm preparing to open a business next year. I'm doing a lot of planning with myparents with what kind of restaurant, at saka kung saan ko bubuksan yung resto.I'm pretty busy in gym. I play basketball almost every day and Fear Factor cameout. I have a busy life, hindi ako bored sa buhay ko and I'm enjoying it,"pagtatapos ni Jose Sarasola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN