Hero Angeles on Cristy Fermin's suspension: "Dumating yung tamang justice."

"In a way, maganda yung naidulot niya para sa lahat, hindilang para sa kanya [Cristy] kundi para sa iba... Sa nangyari nga, sabi ko nalang, siguro ‘eto na yung panahon para... Sana ma-realize niya [Cristy] yung mganagawang mali," says Hero Angeles.



Masaya si Hero Angeles dahil nabigyan na naman siya ngproject ng GMA-7 pagkatapos ng Dyesebel. Ito ay ang bagong telefantasya Kapusonetwork, Luna Mystika, kung saan ginagampanan niya ang isang engkanto.

"Ako po si Alguwas dito, ang pinuno ngmasasamang engkanto," paglalarawan ni Hero sa kanyang role nang makausap siyang PEP sa presscon ng Luna Mystika kagabi, November 11, na ginanap sa Studio 5(dating Studio 3) ng GMA Network Center.

Bakit siya pumayag na gumanap bilang kontrabida?

"Actually, nag-e-enjoy ako sa pagganap ng kontrabida, e,"sagot ni Hero. "Yung sa Dyesebel, kontrabida ako sa love team nina Aljur [Abrenica]at Kris [Bernal]. First time ko kasing mabigyan ng ganung role. Kasi dati angrole ko, sa love team, teeny-bopper role. So, bago siya para sa akin. Dito kasisa GMA, wala akong ka-loveteam, so ibang atake dapat."

Kasama pa rin ni Hero sa Luna Mystika sina Aljur at Kris.

Mas gusto ba niya na walang ka-love team?

"Sa ngayon, masaya ako kasi parang ine-explore ko muna yungcapabilities ko bilang artista na wala akong ka-love team. Pero if ever naman namabigyan, iga-grab ko pa rin," saad ng batang aktor.

STAR CIRCLE QUEST BATCHMATES. Mas gusto niya bang ka-love team yung hindi na foreigner? SiSandara Park kasi na dati niyang ka-love team sa ABS-CBN ay isang Koreana.

"Mas gusto ko Pinoy naman, para hindi na aalis!" biro niHero.

Magka-batch sina Hero at Sandara sa kauna-unahang StarCircle Quest, ang reality-based artista search ng ABS-CBN, kung saan si Hero ang itinanghal na GrandQuestor at si Sandara naman ang kanyang naging runner-up.

Si Hero ay nakabalik na sa showbiz, pero ang ka-love teamniyang si Sandara Park, sinubukang bumalik pero walang nangyari. Dahil dito, nagdesisyon si Sandara na bumalik na lang ng South Korea upang doon hanapin ang kanyang kapalaran.

Ano angmasasabi ni Hero rito?

"Feeling ko naman, may reason," sagot niya. "Actually, last time nag-textsa akin si Melissa [Ricks, batchmate nila sa SCQ], sabi niya, ‘I'm with Sandy.'Gusto raw niyang magkita-kita yung batch namin. Sabi ko, ‘Wow, talaga bumaliksiya?' Sabi ni Melissa, for a vacation lang daw. Makikipag-meet siya thatevening kay Sandy. Pero sabi ko, hindi ako puwede kasi may taping ako ng WalangTulugan. Saturday kasi that time. Tapos sabi niya, ‘Okay, sige sabihin ko nalang.' Tapos after nun, wala na akong balita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga ka-batch niya sa Star Circle Quest, sino pa sa kanila ang nakakausap ni Hero?

"Si Melissa, si Neri [Naig], tapos si Joseph [Bitangcol]," banggit ni Hero. "Si Joseph yung mas madalas kong ka-text, pero hindi kaminagkikita nang madalas kahit pareho na kaming nandito sa GMA. Minsan nagkikitalang kami sa Walang Tulugan."

Ang Walang Tulugan With the Mastershowman ang musical-variety show na hinu-host ni German Moreno sa GMA-7. Isa sa co-hosts ng show si Hero.

FROM RIVALS TO CO-STARS. Kasama rin ni Hero sa Luna Mystika si MarkHerras, at pareho silang gumaganap na masasamang engkanto.

Dati silang magkaribalni Mark. Kung si Hero ay winner ng Star Circle Quest, si Mark naman ay winner ng StarStruckBatch 1.

How is it working with Mark?

"Actually, nakakatawa kasi dati sa kabila, noong nasaABS-CBN pa ako, ipinakilala kami sa isa't isa sa isang product, Skechers [show brand]. Yun,nakilala ko siya, hanggang doon lang. Tapos yung mga showdown ng Hero-Sandara atMark-Jennylyn [fans], nandun na. So, rivals nga kami kahit sa love team din.Pero ngayong magkasama na kami sa GMA, Kapuso na kami pareho. At dito sa LunaMystika, pareho kaming salbaheng engkanto," lahad ni Hero.

Pero magkaibigan na ba sila ni Mark?

"Dito nabubuo," sagot niya. "Kasi noong mag-transfer ako saGMA, hindi ko rin siya nakikita nang madalas. Minsan sa Walang Tulugan lang.Noong mag-guest naman ako sa SOP for Dyesebel, wala naman siya noon. Kayamasaya ako na katrabaho ko siya dito sa Luna Mystika.

"Gusto ko ring makatrabaho yung iba pang StarStruck.Although nakasama ko na rin sina Aljur at Kris sa Dyesebel. Si Jennylyn, gustoko rin siyang makatrabaho, lalo na ngayong nagbalik na siya ulit."

Sabi ni Mark, ipinaayos niya yung costume niya kasi ayawniyang nakalabas yung nipple niya dahil naiilang daw siya. Si Hero ba aykumportable sa costume niya?

"Nabibiruan nga kami ni Mark sa backstage bago yungpresentation dito sa presscon. Sabi namin, ‘Uy, yung nipple mo!' Actually,naiilang din ako. Pero try natin, di ba? Wala lang!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY BEING A KAPUSO. Ayon kay Hero, suwerte rin siya atnabibigyan siya ng magagandang projects ng GMA-7.

"Oo nga," sambit ng binata. "Kasi nung sa Dyesebel pa lang,sinabihan na nila ako na magiging part daw ako ng isang soap. So, sabi ko,‘Wow!' E, Marian Rivera pa yun [Dyesebel], di ba? Masaya ako na nakatrabaho kosiya kahit na hindi kami magkaeksena. Nakausap ko siya, mabait naman, kalog.

"Tapos, dumating nga itong Luna Mystika. Masaya ako kasiparang naiangat pa yung role ko rito, mas malaki yung role ko rito," ani Hero.

Masaya ba siya na nasa GMA-7 na siya ngayon?

"Oo, masaya ako kasi kumbaga, parang second life na ito ngcareer ko. Nabakante ako, e. Nandun yung trust nila, so tinatanggap ko kahitanong role yung ibigay nila. Nagpapasalamat naman ako dahil magaganda yung mganapupuntang projects sa akin.

"Dati kasi sabi ko, ayoko na, e. Yung cell phone ko dati,lahat ng contacts doon, puro showbiz, sinira ko yung SIM card. Basta in-eraseko lahat. Sa isip ko, ine-erase ko rin [ang showbiz].

"Yun nga, nandito na ulit ako. Ang bini-build ko ngayon, yunggood relationship, hindi lang sa mga co-stars ko sa show kundi pati doon sa mgatao sa likod ng camera, sa production, yung mga bosses. Hindi ko naman kailangangpilitin ang sarili ko na dapat perfect yung relationship ko sa kanila. Siguroyung pagiging natural ko lang talaga," pahayag ni Hero.

TWO YEARS OF WAITING. Dalawang taon ang nakalipas bago talagang nakalipat si Herosa GMA-7. Noong time na wala pa siya sa Kapuso network, hindi ba siya na-frustrate sashowbiz career niya?

"Oo, kasi yung dati, parang galit ako sa mundo noon, e,"pag-amin ni Hero. "Sabi ko, kakalimutan ko na ang showbiz. Actually, nag-tryakong magturo sa mga bata, sa pre-school. Nagturo ako ng Arts. Bago pa akosumali sa SCQ noon, may project kami sa school na nagtuturo nga kami sa mgabata. Tapos yun, tinuloy ko nga rin. Ngayon nga, kapag wala akong taping,bumibisita pa rin ako doon sa school, kasi school naman siya ng friend ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya hinarap yung frustrations niya noon?

"Ang tagal din, e. Nagkukulong ako sa kuwarto dati. Sabi ko,‘Ano ang gagawin ko?' Parang gusto ko ng madilim. Pero napaglabanan ko rinnaman lahat. Noong mawala ako sa showbiz, nag-concentrate ako sa school, safamily ko. Nakapag-invest din ako sa house. Pero nakapag-indie rin naman ako,"pagsisiwalat ni Hero.

Ang indie film na tinutukoy ni Hero ay ang Stockroom, nabukod sa pagiging artista ay siya rin ang nagdirek.

For a time sinasabi na laos na siya, ano ang naramdaman niyanoon

"Dinededma ko lang. Parang hindi ko niraramdaman. Yung mgapinagdaanan ko kasi, iniisip ko na lang na lahat ng bagay may dahilan."

OLD ENEMIES. Noong makakabalik nasana si Hero sa showbiz, bigla namang nagkaroon ng mga isyu at nagkaroon siya ngmga kaaway gaya nina Cristy Fermin at Alfie Lorenzo. Paano niya na-handle yun?

"Nakaapekto din sa akin yun. Pero kinalimutan ko na lang," saad ni Hero.

Dumalo sa presscon ng Luna Mystika kagabi si Alfie. Hindi basila nagkita?

"Nakita ko nga siya. Pero hindi ko na ulit siya nakita noongbumaba kami sa stage, e," ani Hero

Pero nagkita at nagkausap na ba sila ulit?

"Hindi pa, e. Nawalan na rin kami ng communication. Perogusto ko sana siyang makausap para maayos na rin lahat."

How about si Cristy, nagkita na ba ulit sila?

"Hindi pa rin."

Ano ang reaksiyon niya sa suspension na nangyari kay Cristysa ABS-CBN? Matatandaang naging malaking isyu noon ang alitan nila dahil sa mga isinulat noon ni Cristy laban kay Hero.

"Actually, ini-expect ko nang itatanong sa akin ‘yan dito,"pag-amin ni Hero. Saka niya sinabing, "Parang ano lang, dumating yung tamangjustice. Hindi lang siguro sa akin, kundi sa lahat ng nagawan ng damage.

"In a way, maganda yung naidulot niya para sa lahat, hindilang para sa kanya [Cristy] kundi para sa iba... Sa nangyari nga, sabi ko nalang, siguro ‘eto na yung panahon para... Sana ma-realize niya [Cristy] yung mganagawang mali."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON HIS KUYA HENRY. Kinumusta rin ng PEP kay Hero ang KuyaHenry niya, na naging kontrobersiyal din noon dahil diumano sa pakikialam nito sa career ng kapatid. May kinalaman pa ba ito sakanyang career ngayon?

"Yes may ginagawa pa rin siya para sa career ko," sagot ni Hero. "Kumbaga ngayon, for film and TV, ang manager ko si Kuya Germs,co-managed din ako ng GMA Artist Center. Si Kuya Henry ko, personal manager kopa rin. Nagbu-book pa rin siya ng mga shows para sa akin, like yung mgaprovincial shows. May mga nilalakad pa rin siyang mga endorsements gaya nga ngBuffalo shirts. Tinulungan din niya ako sa indie movie ko dati. Actually, kapagmay kailangang asikasuhin si Kuya Germs para sa akin, pero hindi niyamaasikaso, kuya ko yung gumagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN