Heart Evangelista: "Yes, I think I am in love!"

"You know, I'm at the highest point right now. Everything, all my stars are aligned when it comes to my family, mylovelife, my career, my health. Everything is aligned for the very first timein my life. Parang now, ‘Wow, I deservethat!'" says Heart Evangelista.



Kagabi, November 11, ginanap ang grand launch ngpinakabagong fantaserye ng GMA-7, Luna Mystika. Ito ay pinagbibidahan niHeart Evangelista, na gumaganap ng dalawang karakter bilang Luna at Celestina.

Ang Luna Mystika ang ikalawang primetime series ni Heart saKapuso network, pagkatapos ng magtatapos ngayong linggo na Codename: Asero nilani Richard Gutierrez. Kaya naman excited si Heart na ang follow-up project niyasa GMA-7 ay title role na agad.

"Confident naman ako na napakaganda ng produktong ito, yungshow. And of course, kasama ko pa si Mark [Anthony Fernandez], si Cyrus natalaga namang hot item siya ngayon. Hindi ako ganoon kinakabahan. Perosiyempre, nandoon yung first time ko rito sa GMA na ako mismo ang lead role,"pahayag ni Heart.

Ang Cyrus na tinutukoy ni Heart ay ang pangalan ng characterni Mark sa huling programa ng aktor, Ako Si Kim Samsoon.

Ang Luna Mystika rin ang unang pagsasama nina Heart at Mark.Ayon kay Heart, noong Lunes, November 10, pa lang daw kinunan ang unang eksenanilang magkasama.

Kuwento ni Heart, "Okey naman kami. Nagkukuwentuhan na kamini Mark. Siyempre, may konting hiyaan pa rin. But then, you know, si Mark,napaka-gentleman at hindi siya yung nagte-take advantage ng babae. At alam moyung gusto niya na ipakita mo if it's okay with you na ganito. So, I feel morecomfortable. Nae-excite ako sa kanya at sa buong show na ito ng pagsasama namin."

Puro papuri ang maririnig kay Mark patungkol kay Heart. Anonaman ang masasabi ni Heart na tila naging instant fan niya ang leading man?(CLICK here to read related story.)

"Wow naman!" bulalas ni Heart. "Wala namang nakapagsabi napang-award... Never ko namang pinangarap yun dahil parang napakabigat niya, kayathank you. Coming from Mark, na bata pa lang kami, napapanood ko na siya. Crush siya ng mga pinsan ko, tapos ngayon,nakakatrabaho ko na siya.

"Masaya talaga! I'm very flattered. Hindi ko alam kung anoang sasabihin ko. Tuyung-tuyo na ang throat ko. I'm speechless! Noong makita koyung billboard doon sa may GMA sa labas, parang hindi ko akalain na, wow,mangyayari pala ito sa akin! It only happens in dreams, e, you know, namakakabalik ako, na I can stand up again, yung ganoon. Parang movie lang, peronangyari," sunud-sunod na sabi ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nahirapan si Heart sa pagganp ng dual characterdito sa Luna Mystika?

"Yun nga, medyo naguluhan ako ng konti," sabi niya."Kakatapos lang namin ng taping ng Asero at dalawa agad ang character ko, sonag-ano ako... Before each take, halimbawa, magta-transform ako bilang Celestina,nagkukulong ako sa kotse, nagmu-music ako. Pati yung pabango ko, iniiba ko parafeeling ko, ibang tao ako. Yun nga lang, medyo nagkaka-nightmares ako kasimedyo ini-invade ko siya.

"Pero nakaka-excite, especially kung ang kasama mo, ibanggrupo naman—sina Mark, everybody here, sobrang focus nila sa trabaho. Talagangpinag-aaralan nila ang script. Sila Direk [Mike Tuviera], ine-explain nila sa ‘yoang bawat eksena kaya kaming lahat, parang we're in to what we are doing.Nakaka-inspire siya. Nakaka-excite!"

May kaba ba siyang nararamdaman dahil siya bale angmagdadala ng buong show nila?

"Actually, parang hindi ko ma-distinguish kung nasaan angkaba. Kasi yung buong project na ‘to, kinakabahan ako. Not because hindi akoconfident na magre-rate siya, pero yung mga loyal fans naman ng GMA, siguradongmanonood ang mga ‘yan, parang susunod at susunod sila sa mga bagong shows. Peromore on, parang ibinigay sa akin, thank you. Yung ganoon," saad ni Heart.

Pero lalo yatang kinabahan si Heart nang sabihin ni Ms.Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7, na ang expectation nila samagiging rating ng Luna Mystika ay "40 percent."

NEW LOVE FOUND. Pagdating naman sa lovelife ni Heart, masasabi baniyang completely healed na siya pagkatapos ng nangyari sa kanila ngex-boyfriend niyang si Jericho Rosales?

"You know, I'm at the highest point right now," sabi ngdalaga. "Everything, all my stars are aligned when it comes to my family, mylovelife, my career, my health. Everything is aligned for the very first timein my life. Parang now, ‘Wow, I deservethat!'"

Dito na namin ipinasok kay Heart ang tanong kung totoong mayboyfriend na siya ngayon. At hindi naman ito itinanggi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, I'm seeing someone now," sagot ni Heart.

Are they exclusively dating?

"Well, ganoon kasi ako, e. Hindi naman ako yung kapagnagdi-date, marami akong dine-date. Isa lang ang idine-date ko and I'm really,really... Well, this one is really good for me."

Hindi na rin itinanggi ni Heart na kasama niya ang kanyang boyfriend nanagngangalang Francisco Delgado nang magbakasyon sila kailan lang sa Boracaywith her family. Si Francisco ay mula sa angkan ng mga Delgado na may shippingbusiness. Anak siya ng pinaslang na businessman na si Federico "Rico" Delgado.

Pero hangga't maaari ay ayaw ni Heart na pag-usapan angnegosyo ng kanyang bagong boyfriend.

"Well, it doesn't matter to me. It's not actually my businessto talk about their business, but he's very hardworking. What I like about himis he's very low key and he's not vulgar about anything, and I like that," saadni Heart.

Thirty-four years old na raw ang bagong boyfriend ni Heart,na 23 years old pa lamang. Pero wala raw problema sa dalaga kung malaki man angage gap nila.

"Feeling ko, mas gusto ko," sabi ni Heart. "Girls naman kasimature faster than guy, at saka he knows what he wants. May goal siya sa buhay.And I'm like that. Ayoko no'ng parangngayon lang, tapos hindi namin alam kung ano ang mangyayari. Natatakot ako samga ganoon."

Boto ba ang parents niya kay Francisco?

"Well, actually, matagal na siyang kilala ng mom ko. Peroit's not that boto siya ngayon. Pero right now, at this point, after that [relationshipwith Jericho], anything else will do. Anything else that will make me happy.Hindi naman sa ano, kundi yung maging masaya lang ako. Yun ang ibig kongsabihin," paglilinaw niya.

Ayon pa kay Heart, this time, mas alam na niya ang dapatniyang i-prioritize.

"Alam mo, nagawa ko na ‘yan dati, ginive-up ko na ang lahat.Pero ngayon, naibigay na ulit sa akin [career opportunity], I will not make thesame mistakes again. This is me, this is my heart. Uunahin ko naman yung akin," deklara niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At Francisco's age, masasabing nasa marrying age na ito.Napag-uusapan na ba nila ang kasal as early as now?

"Ang aga naman!" tawa ni Heart. "We're only dating for four,five months, I think. Basta, happy naman ako ngayon."

Is Heart in love?

"Yes, I think I am in love!" walang gatol niyang sabi. "Ano kasi ako ngayon, naniniguro muna akongayon. You think about anong klaseng love ba ito, pang-forever ba ito?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN