Tito, Vic & Joey give former "Iskul Bukol" co-star Ritchie D' Horsie another chance to reform

"With Ritchie, ilang beses na namin siyangnatulungan, napagbigyan, at ngayon he's getting another chance with us.Ginagawa namin ito dahil mahalaga pa rin siya sa aming tatlo. Hindi mabubuo angIskul Bukol na wala siya. Kaya dasal namin na talagang nagbago na siya at angpagtulong namin na magsimula siya ay pahalagahan na niya. Mahal namin ang taong‘yan kaya nandito pa rin kami para sa kanya," says Vic Sotto.



Naging emotional angpagsama-samang muli ng comedy trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, atJoey de Leon at ang dati nilang kasamahan na si Ritchie D' Horsie sa shootingng Iskul Bukol... 20 Years After sa Sta. Catalina College sa Legarda, Manila,kahapon, November 11.

Ayon kay Vic, doonlang daw sila ulit nagkita ni Ritchie, na tinulungan nilang makalabas ng QuezonCity Jail. Piniyansahan nila si Richie sa halagang P120,000.

Kuwento ni Vic saPEP, naisip nilang isama si Ritchie sa film version ng Iskul Bukol dahil naging bahagi ng kanilang dating sitcom si Ritchie. Gusto raw nila na buo pa rin angcast ng Iskul Bukol, na official entry sa 2008 MetroManila Film Festival ng OctoArts Films, M-Zet, at APTEntertainment.

Nang malaman dawnila na nakapiit sa Quezon City Jail si Ritchie, inalam nina Tito, Vic, at Joeykung puwede pa ba nilang maayos ang kaso ni Ritchie na may kinalaman sa droga.Nalaman nila na bailable naman pala ang kaso ng dating komedyante kaya nagdesisyon silangtulungan na ito.

Maluha-luha ang mgamata ni Vic sa pagkuwento niya ng muling paglaya ni Ritchie para makasama nilasa pelikula.

"Si Ritchie naman,matagal na ang pingasamahan namin niyan. Sa simula pa lang ng Eat Bulaga! atIskul Bukol, nandiyan na ‘yan. Sa mga naging pelikula namin, hindi siyanawawala. Nagkataon na talagang nalihis siya ng landas. Kami naman, ginawa nanamin ang lahat para matulungan siya. Bilang mga kaibigan ay gagawin namin ‘yonhanggang sa makakakaya namin," saad ni Vic.

Pero dumating na rawsa point na nagsawa na raw silang tulungan si Ritchie dahil hindi ito tumitigilsa kanyang masamang bisyo sa droga.

Ayon kay Vic, "Kasitatlong beses na namin siya tinutulungan, pero tuwing okey na, bumabalik siya sabisyo niya. Kumbaga, ayaw na namin dahil hindi siya nagbabago. Tiniis namin siya talaga kasi hindi siyanatututo talaga. Pero ngayon, I think five years is enough time para ma-realizeniya na kailangan na niyang magbago at maging matino. Matanda na siya, e. Hindina biro ang mga ginagawa niya noon. Nangako naman siya na he will change atnaniwala naman kami sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tutulungan daw ninaTito, Vic, at Joey na makabangon ulit si Ritchie. Sa ngayon daw ay wala itongtirahan kaya sa opisina raw muna nila ito patutuluyin at hahanapin daw nila angmga kamag-anak nito.

"Right now kasi,wala pang nakakaalam na nakalabas na siya ng presinto. We are trying to get intouch with his relatives, pero wala pa kaming natatanggap na tawag mula sakanila. Gusto naming hanapin ang asawa niya at ang tatlong anak niya. Fiveyears na silang hindi nagkita at hindi na alam ni Ritchie kung saan na sila,kung may sariling buhay na ang dati niyang pamilya.

"Sinabihan namin siRitchie na mag-sorry siya sa pamilya niya. Dahil sila ang mas nasaktan kesa saibang tao. I hope na magkita sila para naman malaman nila na buhay pa ang taongito," pahayag ni Vic.

Hanggang sa huli ayipinadama pa rin nina Tito, Vic at Joey na mahalaga si Ritchie sa buhay nila.Gusto nilang malaman ni Ritchie na hindi sila nagbabago ng pagtingin sa kanyaat gusto lang nilang mabigyan siya ng bagong pag-asa sa buhay.

"Ang pagkakaibigannaman, kahit saan mo dalhin o kahit hindi kayo magkita nang matagal, nandiyan‘yan. Ang friendship naming apat, solid 'yan. Huwag lang may magkamali kasiipapadama talaga namin ang pagkakamaling 'yon.

"With Ritchie, ilang beses na namin siyangnatulungan, napagbigyan, at ngayon he's getting another chance with us.Ginagawa namin ito dahil mahalaga pa rin siya sa aming tatlo. Hindi mabubuo angIskul Bukol na wala siya. Kaya dasal namin na talagang nagbago na siya at angpagtulong namin na magsimula siya ay pahalagahan na niya. Mahal namin ang taong‘yan kaya nandito pa rin kami para sa kanya," pagtatapos ni Vic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN