Kris Bernal takes screen partner Aljur Abrenica's side on Richard-Aljur controversy

"Nararamdamanko kay Aljur na tama ang ginagawa niya. Alam kong walang kasalanan si Aljur.Pero hindi ko sinasabing kasalanan ni Richard, ha. Pero sa pagkakakilala ko kayAljur, mabait siya," says Kris Bernal.



Pang-apat na shownang magkasama nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang telefantasyang LunaMystika ng GMA-7. Ang unang tatlo ay ang mga sumusunod: Boys Nxt Door, Zaido,at Dyesebel.

"Masaya akodahil parang may tiwala ang network sa amin ni Aljur," masayang bungad niKris sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)."Hopefully, dumating sa point na pupuwede kaming magdala ng sarili namingteleserye. Napapag-usapan namin minsan ni Aljur 'yan, na sana, kami na nga angbida. Kung mangyari man 'yan, matagal pa siguro. Masaya naman kami sa nangyayari.Hindi kami natetengga nang matagal."

Naitanong namin kayKris, dahil nga sa closeness nila ni Aljur, ano ang masasabi niya sasitwasyong kinasasangkutan ng ka-loveteam niya?

"Ay! Yung sakanilang dalawa ni Jewel [Mische], hindi ko binigyan ng malisya yun. During theinauguration [of the new GMA building], nakita ko kasi sila. But not actually doonsa [Fiamma bar], doon lang sa mismong party. Wala ako noon sa bar, e.

"Magkakasamakami doon, at wala naman akong nakitang special treatment. Well, kaming dalawani Aljur, na-miss lang talaga namin si Jewel. Kami ni Aljur, halos araw-araw, magkasamana kami. Noong gabing yun lang namin nakita uli si Jewel," kuwento ng youngactress.

Magkaka-batch saStarStruck 4 sina Kris, Aljur, at Jewel.

Tungkol naman sanabalitang kumprontasyon nina Aljur at Richard Gutierrez, sinabi ni Kris na hindi nila napag-uuspaan ang bagayna ito.

"Ayoko nang tanunginpa kay Aljur kung ano yung problemang yun," sabi ni Kris. "Basta ang advice kolang sa kanya, kung ano yung sa palagay niya ay tama, yun ang gawin niya.

"Nararamdamanko kay Aljur na tama ang ginagawa niya. Alam kong walang kasalanan si Aljur.Pero hindi ko sinasabing kasalanan ni Richard, ha. Pero sa pagkakakilala ko kayAljur, mabait siya," diin ng dalaga.

Gusto lang idiin niKris na wala siyang anumang masasabi against Richard.

"Supportivelang talaga ako sa ka-loveteam ko," sabi ni Kris. "Mas kilala ko kasisi Aljur kaysa kay Richard, kaya siguro nasabi ko yun. Siyempre, doon ako sa ka-loveteamko, 'no!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN