"Survivor" castoff Jace Flores fulfills dream to become an actor

"Sa totoo lang po, hindi na ako masyadong nahirapan sa roleko as siga. Kasi before, when I was young, mga elementary, ganun, bully akodati. But that was before, ngayon I'm very, very nice naman," says Jace Flores about his role in GMA-7's new fantaserye Luna Mystika.



Inamin ni Jace Flores na bago pa man siya sumali sa GMA-7reality show na Survivor Philippines ay gusto na niya talagang maging artista.

"Actually, before Survivor, I wanted to na. Gusto kotalagang pumasok sa showbiz. So, nung nasa Survivor na ako, sinabi nila, hindisiya artista search. So, walang promises na magiging artista ka after. Isatalaga sa goal ko sa buhay yung magkaroon ng wild adventure. Kaya Ijoined Survivor talaga," kuwento ni Jace nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa presscon ng Luna Mystika kagabi, November 11, saStudio 5 (dating Studio 3) ng GMA Network.

Nang matanggal ni Jace sa Survivor, kinuha naman siya ngGMA-7 para maging artista sa Luna Mystika. Ano ang feeling niya na natupad na angpangarap niyang maging artista at nakasama kaagad siya sa isang malaking proyekto?

"It's sobrang great!" bulalas niya. "It's also sobrangshocking, especially na ganito kalaking opportunity na part of a soap, na hindipa nila alam kung magaling ka bang umarte or what. Binigyan ka agad ng chance.It's great and I'm so thankful to GMA. It's exciting, siyempre at the same time,you get to work with actors and actresses who are so experienced na, di ba po?So, may chance ka na maging isa sa kanila. Kaya sobrang great."

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin yung role saLuna Mystika?

"No, hindi po," sagot ni Jace. "I answered straight, ‘Yeah,yeah, gusto ko 'yan. Thank you so much!'"

Ginagampanan ni Jace sa Luna Mystika ang papel ni Lukas. Isasiyang siga ng baryo at iibig kay Donita (Iwa Moto), pero mabibigo siya rito.Sa totoong buhay ba na-experience na niyang maging isang siga?

"Sa totoo lang po, hindi na ako masyadong nahirapan sa roleko as siga. Kasi before, when I was young, mga elementary, ganun, bully akodati. But that was before, ngayon I'm very, very nice naman," pagsisiwalat niJace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jace, bukod sa past experience niya bilang siga,nakatulong din nang malaki ang acting workshop under GinaAlajar, na "mabait at magaling."

How did he fare in theworkshop?

"Siyempre, noong umpisa po, nahihiya ako kasi kasama ko yungibang mga artista. Pero inisip ko na lang workshop yun, at doon kailangangmawala talaga yung hiya n'yo. At saka kailangang mag-work talaga yung chemistryng mga actors sa isa't isa.

"Masaya naman yung workshop and I got to meet and know yungmga kasama ko dito sa soap. Mababait po silang lahat. Nakakawala po ng hiya.Ngayon po, walanghiya na ako!" biro ni Jace.

Ano ang feeling na kasama niya sa soap ang crush niyang siHeart Evangelista?

"Hindi naman talaga crush," paglilinaw ng gym instructor."Kung tatanungin n'yo po ako kung sino ang pinakamaganda sa showbiz para saakin, I would say Heart. Siyempre, nakakakaba na makatrabaho siya. Bukod samaganda siya at talagang stunning, para sa akin, sobrang galing niya pongactress. Hinahangaan ko po siya. Parang you look up to her na parang, ‘Wow!Sana maging magaling din akong artista.'"

Sa mga lalaking artista, sino ang hinahangaan niya?

"Si Luis Alandy po, magaling po siya. Naka-workshop ko posiya ng dalawang beses, e. Magaling din po si Dingdong Dantes para sa akin,"banggit ni Jace.

Kung siya ang magiging bida sa isang soap opera, sino anggusto niyang maging leading lady?

"Of course, si Heart, as in kami na yung magkapareha. Gustoko rin si Marian Rivera. Pero mas maganda kung makakatrabaho ko pati yung ibapang leading ladies."

Kung siya ang papipiliin, saan niya mas gustong malinya, saaction, drama, or comedy?

"Action po. I think mas bagay sa akin. At saka maybackground ako sa martial arts, so mas maipapakita ko yung galing ko."

Willing ba siyang magpa-sexy?

"Okay lang naman sa akin," sagot ni Jace.

Hanggang saan ang pagpapaseksing puwede niyang gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap sagutin ‘yan now, e. Siguro walang frontal nudity.Siguro depende sa project. At saka depende na rin sa experience ko."

THE SURVIVOR EXPERIENCE. Kung hindi siya napasok saSurvivor Philippines, ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

"Siguro po kung hindi ako nakapasok, I would be practicingand playing basketball right now. May kakilala po ako na players. I plan tojoin professional basketball talaga. Pero siguro I have to go to collegefirst," sabi ni Jace.

Before Survivor, ano ang madalas niyang gawin?

"Eat, sleep, gym... Usually, ganun lang po. I want to take upCulinary Arts, kasi gusto ko yung nagluluto ako."

Namayat si Jace noong nasa island na sila sa Thailand.

"Yeah, sobra!" sambit niya.

Ipinakita rin ni Jace sa PEP ang mga marka ng mga kagat nginsekto sa kanyang katawan noong nasa Thailand pa siya. Hindi ba siya nagsisina sumali siya sa Survivor Philippines, lalo na sa hirap ng sitwasyon nila sa island?

"It's mind torture talaga," sabi niya. "Dumating ako doon sapoint na naramdaman ko talaga yung hirap. Sabi ko sa sarili ko, ‘Sobrang hirapnito, grabe! Bakit pa ba ako sumali?' Hindi naman siya totally mahirapphysically, mahirap siya mentally, na panghihinaan ka talaga ng loob. Pero, ofcourse, hindi naman ako sumuko at hindi ako nagsisisi na sumali ako."

Ano maituturing niyang torture sa mga pinagdaanan niya saSurvivor?

"It's kind of torture, pero hindi yung challenges yungtorture. Ang torture po is yung boredom. Noong nasa island kami, sobrangna-bore ako, kasi wala halos ginagawa, except of course kapag may challenges.Tapos harsh talaga yung weather doon, e. Kung dito sa Pilipinas yung malakas naulan sa atin, akala natin malakas na, doon po yung lakas ng ulan is times five!Sobrang bumabagyo, parang kayang-kaya kang tangayin ng hangin! So, mahiraptalaga."

So, isa yung boredom kaya parang tinatamad na siya gaya ngipinalabas sa Survivor Philippines?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, that's it," pag-amin niya. "Ang parang ipinalabaskasi nila is parang tinatamad na ako, the way they edit it. Hindi, e, it got tome na. Yung mga kagat-kagat ng mga insekto, sobra na kaya kamot ako nang kamot.Plus, at the same time, yung mga kasama mo, kasama mo na for the past 20 days."

Lumalabas din na kaya siya tinatamad or nakatigil lang saisang tabi ay dahil nag-iisip siya ng strategy or game plan. Ganoo ito katotoo?

"That's what came out. Pero para sa akin kasi, kahit anonggawin mo, kahit anong plan ang isipin mo, Naak talaga is winning. So, I have tothink of what to do next, ganun," paliwanag ni Jace.

Nalungkot ba siya noong ma-vote out siya?

"Nalungkot, yes. But it was more of... Ang na-feel ko noon, hindiako sobrang na-sad dahil wala na yung three million. Na-sad ako dahilna-realize ko na yung pagboto sa akin, na muntik na akong maiyak, na-realize kona hindi ko na sila makakasama. Iba talaga yung bago kayo matulog,magkukuwentuhan muna kayo. Tapos paggising mo, makikita mo yung mga katabi mo.So, pag iisipin mo, nakakalungkot talaga," lahad niya.

Sino ang gusto niyang manalo?

"Si Nanay Zita [Ortega]. Yun din ang sinasabi ko sa lahat.Because I think she deserves it more," sagot ni Jace.

ON JOHN LOPEZ AND GAY ISSUE. Sa Internet, parang pinaglaruanyung closeness ni Jace sa isa pang Survivor Philippines outcast na si John Lopez. Parangpinalalabas na there's something "sweet" na nagaganap sa pagitan nila, lalo na'tmay scene pa na nagyakapan sila. Ano ang comment dito ni Jace?

Ayon kay Jace, "Sa totoo lang kasi, kung maiintindihanng mga tao, magkasama kami lahat doon sa island, pero ang pinaka-close talagasa akin si John, parang kapatid talaga. Lahat ng gawin ko, palaging siya angkasama ko. Mabigat din kasi yung pagkuha ng tubig. Siya yung kasama ko sapagkuha ng tubig. Sa mga challenges, kami yung nag-uusap na, ‘Kailangan gawinnatin ito. Kailangan manalo tayo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Especially noong mawawala na siya, hindi maintindihan ng ibang tao yung feeling na ganun.Hindi ba meron kayong best friend na magkikita kayo almost every day or everyweek? Si John yung madalas kong kasama na parang best friend ko na doon saisland. Siya na yung close ko, pero walang malisya yun. Parang magkapatid angturingan namin. Bukod naman kay John, ka-close ko rin sina JC [Tiuseco] andKiko [Rustia], e."

Pero anong pananaw niya sa homosexuality?

"Me, I'm not a judgmental person," sabi ni Jace. "You knowkung ganun ka, ganun ka. I have best friends who are bisexuals or gays inHawaii. Wala akong problema doon. As long as huwag n'yo akong papatulan, okayna ako doon. Siyempre, respeto lang naman, di ba? Wala yung take advantage naganun."

So, sinasabi niya na hindi siya papatol sa mga gays?

"Hindi po, I'm straight kasi. Pero I have no problems withthem. Basta hanggang friends lang," aniya.

Sa mga kasama niyang lalaki sa Survivor, wala ba siyangnaramdaman na may gay sa kanila?

Natawa muna nang malakas si Jace at saka sumagot ng, "Wala,wala naman."

Pero paano kung after ng show ay may biglang umamin, anokaya ang magiging reaksiyon niya?

"Masa-shock ako!" natatawa niyang sabi. "Sabi ko, ‘What?Bakit ngayon mo lang sinabi? Doon pa lang sa isla dapat.' Pero masa-shock akosiyempre."

ZERO LOVELIFE. Dumako rin ang usapan namin sa lovelife niJace. Nakakailang girlfriends na ba siya?

"Dalawa pa lang," sagot niya. "Yung isa taga-Hawaii, threeyears din kami. Nag-break kami nung pagdating ko dito sa Pilipinas. Tinawaganko siya. Ako yung nag-initiate ng breakup. Kasi mahirap na yung hindi kayomagkasama palagi at saka long distance. I thought din naman kasi na I will stayhere for a longer time, so I might as well break it up. Ayoko namang pahirapanko siya.

"Tapos nagkaroon ako ng girlfriend dito sa Pilipinas, twomonths after I got here. For seven months lang kami. We broke up before pa akosumali ng Survivor. Medyo nagkakalabuan talaga, e," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ngayon wala ba siyang girlfriend or nililigawan?

"Wala. Focus muna sa work," pagtatapos ni Jace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN