Aljur Abrenica insists he's not courting any of his three 'crushes'

"Mahal na mahal ko si Kris [Bernal], pero hindi porke mahal namahal ko siya, e, liligawan ko na siya. Mas pinahahalagahan ko yung friendship.Time will tell. Maski ako, hindi ko alam. Baka someday, ligawan ko rin si Kris,o baka si Jewel [Mische] or si Rich [Asuncion]," says Aljur Abrenica about being linked to three of his StarStruck batchmates.



Hindi akalain ni Aljur Abrenica na lalabas sa entertainmentpress ang nangyaring pangwawasak diumano sa salamin ng sasakyan niyang Pregio,na naka-park pa man din sa mismong underground parking ng GMA-7, noong nakaraangHuwebes, November 6.

Kitang-kita ang pagkagulat sa reaksiyon ni Aljur nangtanungin sa kanya ang tungkol dito sa presscon ng Luna Mystika noong Martes,Nobyembre 11, sa Studio 5 (dating Studio 3) ng GMA Network Center.

"Pananagutan naman daw po ng guwardiyang nagbabantay doon. Wala naman kasing nawala, pero nabasag ang salamin sa likuran ngsasakyan. Hindi ko rin alam kung pinagtripan ba ako, or what. Wala akongmasasabi dahil ayokong mag-isip ng hindi maganda sa kahit kanino, at wala akodoon nang mangyari yun. Hindi ko alam kung sino ang dapat talagang managot.Nagpapasalamat lang ako na walang nangyaring masama sa akin. Naayos na po angsasakyan, kaya ganoon na lang," pahayag ni Aljur sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kung anu-ano tuloy ang inuugnay sa pangyayaring ito dahil sanagiging kontrobersiyal nga lately ang young actor. Umiiwas na magsalita siAljur sa pagkakataong ito na dadalirot pa sa nabanggit na isyu.

THREE GIRLS & ONE BOY. Sa Luna Mystika, kung saan gumaganap si Aljur bilang tikbalang na magiging tao, muli silang magkatambal ng ka-batch niyasa StarStruck 4 na si Kris Bernal.

Tahasang sinabi ni Aljur na crush lang talaga ang nararamdaman niyangayon para kay Kris, na nakasama rin ng binata noon sa Zaido atDyesebel. "O kahit kanino pang inili-link sa akin," dagdagni Aljur. "Hindi sa hindi ko type si Kris, pero wala naman akong iba pangnililigawan talaga. Naka-focus ako sa career ko."

Bukod kay Kris ay iniuugnay rin ang pangalan ni Aljur sa dalawa pang ka-batch nila sa StarStruck na sina Jewel Mische at Rich Asuncion. Si Kris ay ka-love team ni Aljur; si Jewel ang itinututrong dahilan sa diumano'y kumprontasyon nina Aljur at Richard Gutierrez, at si Rich naman ang pinaniniwalaang tunay na karelasyon ng tinaguriang Ultimate Hunk ng StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Aljur, "Sa status namin ni Kris, magkaibigan lang kami. Ganoondin po yung sa amin ni Jewel, maski yung kay Rich. Lahat posila, crushes ko."

Inamin ni Aljur na puwedeng siyang ma-misinterpret sasinabi niya. Ganoon daw kasi siya kung magmahal ng kaibigan, lalo na kungbabae.

"Mahal na mahal ko si Kris, pero hindi porke mahal namahal ko siya, e, liligawan ko na siya. Mas pinahahalagahan ko yung friendship.Time will tell. Maski ako, hindi ko alam. Baka someday, ligawan ko rin si Kris,o baka si Jewel or si Rich," nakangiting sabi ni Aljur.

Kitang-kita naman sa facial expression ni Aljur na biglanglumiwanag ang kanyang mukha at ngumiti siya nang mabanggit ang pangalan ni Rich.

"Natatawa lang kasi ako dahil yung sa amin ni Rich,dating isyu na 'yan. Nawala, then bumabalik ngayon," paliwanag ni Aljurnang pansinin ang kanyang reaksiyon sa pagkakabanggit ng pangalan ni Rich.

Malapit lang daw talaga daw si Aljur sa iba pang Top ng batch nila sa StarStruck.

"Ang natira kasi sa kanila sa mga nakakasama ko, siKris," ani Aljur. "Sa SOP, kung hindi si Mart [Escudero] angnakakausap ko palagi, si Rich ang nakakadikit ko.

"Kami ni Kris, lagi na kaming nagkakasama. Sina Mart atRich na lang ang iba ko pang nakakasama. Natatawa ako, kasi yung sa amin niRich, binibigyan nila ng malice," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN