Mark Anthony Fernandez copes but will miss Daboy on forthcoming holidays and 29th birthday

"But I amslowly coping with the loss. Natanggap ko naman na wala na siya dito sa mundo.He's in a better place at alam kong masayang-masaya na siya. Kami namangnandito pa, we will live with his memories," says Mark Anthony Fernandez regarding his late father Rudy Fernandez.



Actor Mark Anthony Fernandez will turn 29 years old on January16, 2009. Pero baka hindi raw muna siya mag-celebrate ng kanyang kaarawan dahilhanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang lungkot sa pagpanaw ng kanyang amangsi Rudy Fernandez.

Pumanaw si Rudy noong June 7, 2008 dahil sa cancer.

Ayon kay Mark, mahirap para sa kanya ang magsaya sakanyang birthday dahil tuwing sasapit ang kaarawan niya ay parating presentang kanyang Papa. Ngayon ay first time ngang mag-birthday siya na wala ang ama.

"Hindi lang naman ngayong birthday ko, pati na this comingChristmas at New Year, wala na si Papa," malungkot na sabi ni Mark. "But I amslowly coping with the loss. Natanggap ko naman na wala na siya dito sa mundo.He's in a better place at alam kong masayang-masaya na siya. Kami namangnandito pa, we will live with his memories.

"Marami kasing nagawang maganda si Papa kaya hindi siya agadmalilimutan ng marami. Unang-una, yung mga movies niya, pinapalabas sa TV [ABS-CBN]. Mahirap man panoorin dahil naiiyak ako when I see him alive andstrong. Pero like what I said, tanggap ko na ang nangyari. Kami na lang angkailangang mag-move on talaga nang husto. We all miss him very much kasi."

Kaya dine-dedicate daw ni Mark ang bago niyang show sa GMA-7na Luna Mystika sa kanyang ama.

"Kung buhay pa si Papa, alam ko na he will be happy," sambitni Mark. "Bago nga siya nawala, ginagawa ko na noon yung Ako Si Kim Samsoon.Masaya siya because nakabawi na raw ulit ako. Husayan ko pa raw paratuluy-tuloy.

"Kaya dito sa bagong show namin ni Heart [Evangelista],wala akong hindi gagawin para matuwa lahat ng mga manonood namin, lalo na angmga bata dahil pambata talaga ang istorya nito. Matutuwa sila sa mga charactersdito sa show."

ANOTHER CHILD. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark kung kailan ba nila susundan ngmisis niyang si Melissa ang anak nilang si Cameron. Matagal na raw nilangpinaplano na sundan ang kanilang panganay. Gusto nga raw ni Mark noon ay isangbaby girl naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-iipon pa tayo. Madali lang gumawa ng bata, pero angpanggastos mahirap ipunin!" malakas na tawa ni Mark. "Kami naman ni Melissa, wewant the best for our child. Kung madadagdagan pa ng isa, doble kayod dapattayo for that. Kaya kailangan tuluy-tuloy lang ang trabaho para makaipon agad and,who knows, baka next year may mabuo na kami para maging bagong baby ko.

"Nakaka-miss na rin kasi na may karga kang baby, di ba?Matagal ko na ring hindi nagagawa ‘yon. Kaya I pray to God na sana magingmaganda ang turnout ulit ng career natin next year para maplano na namingmagkaroon ng bagong baby."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN