Ogie Alcasid having fun playing a woman in "Desperadas 2"

"Enjoy ako sa role dahil pati ang makeup at porma korito as a woman, talagang na-design nang tama at binusisi. First time kongnakatrabaho si Direk Joel [Lamangan] and I am learning a lot from him," says Ogie Alcasid about his role in Desperadas 2.



Walang pagsidlan ng tuwa si Ogie Alcasid nang makausap ngPEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos siyang itanghal na Entertainerof the Year sa Aliw Awards noong Martes, November 13. Tatlong beses na siyangnagwagi ng nabanggit na award, ang unang dalawa ay noong 2003 at 2006. Dahildito, Ogie will automatically be elevated to the Hall of Fame para sa nabanggitna kategorya.

May rason para mag-rejoice si Ogie dahil isang bonggangmilestone sa career niya ang maiangat sa Hall of Fame ng Aliw Awards para saEntertainer of the Year category. Ito ang highest category, and the most hotlycontested, every year sa Aliw Awards.

Si Ogie ay pangatlo pa lamang sa mailulukloksa Hall of Fame sa kategoryang ito; nauna sina Martin Nievera and GaryValenciano.

"Proud talaga ako, kaya lang mabigat sa loob ko yunghindi ako nakarating dahil sa tindi ng commitments ko. Sagad-sagaran angshooting namin sa Desperadas 2 na inihahabol sa Metro Manila Film Festival kayahindi na ako nakasipot," sabi ni Ogie sa PEP.

Para bang sinasabi ng nabanggit na recognition na kaliga nani Ogie sina Gary V at Martin, sa punto ng achievements sa music industry.

"I'm so elated because I look up to both of them,"sabi niya. "Dalawa sila sa naging inspirasyon ko rin para paghusayan paang music ko at patuloy na makapagpasaya ng mga tao. Martin and Gary are myidols, and I'm very thankful sa Aliw because after Martin and Gary, ako angsumunod na naiangat sa Hall of Fame."

Dahil hindi nakarating sa awards night ng Aliw, na ginanapsa Palacio de Maynila sa Roxas Boulevard, ang kasintahan ni Ogie na si RegineVelasquez ang naatasan niyang tumanggap ng dalawang awards niya, sakali mang matatawagang pangalan niya. At ganoon nga ang nangyari.

"Nanghihinayang din ako dahil bukod sa Entertainer ofthe Year, ako rin ang nag-win bilang Concert Artist of the Year. Dalawangawards yun na tinanggap ni Regine para sa akin," sabi ng singer-comedian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OGIE AS A WOMAN. Habang excited ang lahat sa Aliw Awards, nasa set ng Desperadas 2 si Ogie. Kinunan pa ang bonggang wedding scene nila ng BeBench winner na si Carlo Guevara, with matching nakakakilig na lips-to-lipskissing scene.

"Wacky talaga ang role, kasi hindi naman ako badingdiyan. As in dapat ay babaeng-babae ang projection ko. I play the role of LugaLuda, isang prinsesa from a fictitious remote island called Kwelali, somewherenear Africa and South America. Basta ganoon ang pinanggagalingan ng character. Okeylang namang lumabas kasi ang cute-cute ng partner ko, di ba? Kantiyawan nga angnangyayari sa set!" natatawang pagkuwento ni Ogie.

Paano na-take ni Carlo ang makipaghalikan sa kanya?

"Hindi ko nga alam, pero bago mag-shoot, nag-usap kami.Sabi ko sa kanya, 'Pare, walang personalan ito. Hahalikan kita sa lips. Okeylang ba sa 'yo?' Ngumiti lang siya at sinabi niyang okey naman sa kanya. Assimple as that. Alangang ako pa ang mag-inarte, di ba?" Tawa nang tawa siOgie.

Hindi naman daw na-shock si Ogie. Pero ang sigurado niya, siRegine ang masa-shock sa ginawa niya sa pelikula pag ipinalabas na ito.

"Sa set nga lang, I heard screams from Marian [Rivera]and P-chi [Rufa Mae Quinto] na kasama sa eksena at that time. I expect naganoon din ang magiging reaction kapag napanood na ang eksena sa big screen.

"Enjoy ako sa role dahil pati ang makeup at porma korito as a woman, talagang na-design nang tama at binusisi. First time kongnakatrabaho si Direk Joel [Lamangan] and I am learning a lot from him," lahadni Ogie.

Ogie plays a full-blooded female, half-sister to Rufa Mae,Marian, Iza Calzado, and Ruffa Gutierrez in this hilarious comedy, which is anentry to the 2008 Metro Manila Film Festival.

"Para lang kaming naglalaro sa set, kasi, mga kaibiganko na talaga ang co-stars ko rito. Pati nga mismo driver ko, dahil siguro savery convincing na hitsura ko, ina-address na ako as 'Ma'am.' Almost everybodytreats me like a lady sa set, kaya, weird ang feeling!" natatawang kuwentoni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN