Alex Gonzaga laughs about herself: "NBSB" (No Boyfriend Since Birth)

"Sa showbiz, wala. Sa non-showbiz, hindi ko alam kungnag-iilusyon lang ba ako. Baka mamaya, kapag nalaman niya, sasabihin sa akinna, ‘Naku, hindi ko naman nililigawan ‘yan!'" says Alex Gonzaga when asked if she has a boyfriend.



Kung si Alex Gonzaga ang nag-iintriga sa daily talk show ngTV5 na Juicy, na nasa second season na ngayon, hindi naman nakaligtas si Alexsa pang-iintriga ng entertainment press sa kanya, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa presslaunch cum Christmas party ng network sa A Venue Hall kagabi, October 12.

Nag-umpisa kasi ang Juicy na si Alex lang ang solongnagho-host nito. In fairness, marami naman ang naaliw sa nakababatang kapatidni Toni Gonzaga sa pag-host niya at ilang buwan na rin niya itong ginagawa na mag-isa.

Pero marami ang nagtaka sa pagpasok ni IC Mendoza sa Juicy. Ano ang masasabi ni Alex tungkol dito?

"Hindi naman," sabi ni Alex. "Siyempre, kailangan na idagdagsiya para mas masaya. Siyempre, mas bakla siya. Mas ganoon siya at saka masmarami siyang alam.

"Okey lang... Masaya naman, e. At saka, sa totoo lang, okeylang talaga. Mas gusto ko yung may kabatuhan. Kasi ang corny rin naman kung akolang mag-isa. At least, may inaapi ako! O, di ba? Mang-api ba?" tawa niya.

Nang una niyang malaman na makakasama na niya si IC sa show,hindi ba niya naisip na, 'Hindi ba ako effective at kinailangan pa ng kasamako'?

"Hindi naman! Ano ba? Kayo talaga! E, bakit ang The Buzz nga, apat sila, hindi nagrereklamo si Ms. Kris Aquino!O!"

ALEX & TONI. Marami naman ang naaliw nang mag-guest sa show niya for thefirst time ang kanyang Ate Toni. Wala kasi silang pakialam na magbatuhan ng mgapanlalait sa isa't isa. Pero totoo ba yung mga pinagsasabi nila?

"Malaki naman talaga ang panga niya, a!" tawa ni Alex. "Yunang sinabi ko, kasi sabi niya, payat daw ako, wala raw akong balakang. Siyanaman, puro panga! Joke!"

Ang maganda kay Alex, marunong siyang makipagbatuhan ng birosa entertainment press. Kaya kahit maintriga ng tanong, nagagawa pa rin niyangsagutin nang pabiro at hindi ito seryosohin. Tulad ng paano kung ipasok din siToni bilang co-host niya sa Juicy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, di maganda! Para makita kung sino talaga ang magaling!Chos!" tawa ni Alex.

So, nai-insecure na sa kanya ang kapatid?

"Hindi naman. Hindi naman, parang wala naman siyangpakialam. Parang malaki pa naman ang agwat namin!" tawa niya ulit.

Bakit nasabi ni Toni na siya ang naghihirap magtrabaho, perosi Alex daw ang nagwawaldas ng pera?

"Ay naku, di ba, sinabi ko nga, sa business, kailanganumiikot ang pera? Kailangang meron gumagastos. Hindi nagtatagumpay ang taokapag ipon lang nang ipon, kailangan nagwawaldas din ng salapi.

"O ‘eto, winawaldas ko ang salapi ko, wala siyang magagawa!"tawa niya. "Actually, okey lang naman. Hindi naman ako nagwawaldas. Tamangwaldas lang. Pero hindi, mabait naman kasi ang Ate ko. Kahit ganyan ‘yan, huwagka, mabait talaga ‘yan."

ALL ABOUT BOYS. May boyfriend na ba siya?

"Sa showbiz, wala. Sa non-showbiz, hindi ko alam kungnag-iilusyon lang ba ako. Baka mamaya, kapag nalaman niya, sasabihin sa akinna, ‘Naku, hindi ko naman nililigawan ‘yan!'" bungisngis ni Alex.

Parang gusto na niyang magka-boyfriend talaga?

"Hindi naman. Gusto ko lang ano, gusto ko lang maginginspired."

Talaga bang may rule na hindi pa siya puwedengmag-boyfriend?

"Hindi ko nga rin alam sa kanila [her parents]. Nahihiya akong magtanongsa kanila. Yung Ate ko, okay lang. Nagsasalita siya, like, ‘Ate, cute ito, o!'Yung ganoon."

Pero may umaakyat na ba ng ligaw sa kanya?

"Wala rin, pa-text-text lang. Hindi ko nga alam kung puwedena magpaakyat ng ligaw. Tanong n'yo nga sa kanila kung puwede?" halakhak niya.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga tinatanong sa parents ko.Kasi nahihiya ako. Alam ko na ang sagot nila kapag tinanong ko, kaya minsanbinibigla ko na lang sila."

Sa January ang 21st birthday ni Alex. Pero aniya, member pa rindaw siya ng "NBSB" (No Boyfriend Since Birth).

"Sabi nila [her parents], pagkatapos mag-aral, e, dyusko, ayaw nila kongpag-enrolin! Ano ba, 29 years old na! Sobra sila!" tili ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, naka-enroll ako," bawi niya. "So, sana pumayag nasila. Kasi, nag-boyfriend naman ang mommy ko, 21, ‘no! Pero alam n'yo, gusto kotalagang mag-boyfriend, kahit patago, yung pa-MU-MU lang, pero wala... Nagkakaroonako ng MU, tapos bigla silang nawawala."

Bakit naman?

"Ewan ko, madaldal daw ako! Hindi ako nagbibiro,promise! At saka siguro masyadong strict ang parents ko, kaya yun, ayaw nila." Wala pa ring tigil sa pagtawa si Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN