Court dismisses Sunshine Cruz's libel case against "Abante" columnist Jojo Gabinete

Limang buwan matapos masampahan ng kasong libelo, pinawalangbisa ng San Juan City Prosecutor ang kasong isinampa ng aktres na si Sunshine Cruz laban saentertainment columnist na si Jojo Gabinete dahil sa "insufficiency ofevidence."


Idinismis ng San Juan Prosecutor's Office ang libel case na isinampa ng aktres na si Sunshine Cruz laban sa entertainment columnist na siJojo Gabinete limang buwan na ang nakararaan. Kasama rin sa mga inakusahan ni Sunshine ang sister-in-law niya na si Ma. Mercedes"Ched" Manhilot-Cantu, kapatid ng asawa niyang si Cesar Montano. (Click here to read relatedarticle.)

Ang kaso ay dulot ng alitan sa pagitan nina Sunshine at Ched,kung saan ang una ay naakusahan ng pagpapalayas sa ina ni Cesar mula sakanilang tirahan.

Sa ulat ng PEP noong Hunyo23, ipinaliwanag ng abogado ni Sunshine, si Atty. Bonifacio Alentajan, kungbakit sinampahan din ng kasong libelo si Jojo Gabinete. Ayon kay Atty. Alentajan, inulit daw kasi ni Jojo sa column niya sa Abante ang mga sinabi ni Ched sainterview nito kay Ricky Lo sa programa nitong Ricky Lo Exclusives saQTV 11. Nakasaad sa batas napuwede ring idemanda ang isang manunulat dahil sa pag-uulit ng mga kasiraan ngbinitawan ng ibang tao laban sa kapwa niya.

Samantala, sa counter-affidavit naman na isinumite ni Jojo, idinipensa niya na ang nasabing pag-uulit sa Abante ay paglalahad lamang ng nasabing interview at walang halongkomento.

Sa resolusyong inilabas ng San Juan Prosecutor's Office, napagdesisyonan ng city prosecutor na i-dismiss ang kaso labankay Jojo dahil sa "insufficiency of evidence amounting to lack of probablecause."

Sa kabilang banda, patuloy pa rin naman ang kaso laban sahipag ni Sunshine. Nakasaad saresolusyon na "defamatory" ang binitiwang salita ni Ched sa interviewniya. Dito, sinabi niya nanakatira sa tahanan nina Cesar at Sunshine sa Quezon City angkanilang ina na si Mrs. Emma Manhilot, pero pinalayas ito ng aktres.

Bukod sa kasong libelo, nagrekomenda din ng P10,000 piyansaang San Juan Prosecutor's Office para sa panandaliang paglaya ng akusado. Sa kasalukuyan ay nakabase na sa Italy si Ched.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN