TV5 host Alex Gonzaga accepts viewers' criticisms in stride

Alex Gonzaga, younger sister of TV host Toni Gonzaga, responds to criticism that she's just a copycat: "Siguro po ay hindi naman talaga mawawala‘yon, kasi talaga namang because of my sister kaya ako pumasok sa showbiz, e.Tapos, pareho pa kaming into hosting, comedy... So, I think nasanay na ako sa mgaganyan at parang wala nang effect sa akin, e. Isa pa, when I'm with my sister,hindi ko naman napi-feel na naiinis siya or something.".



Sobrang kikay, laging hyper, napakadaldal, ngunit lively atenergetic na TV host. Ilan lang ito sadescription sa TV host-actress na si Alex Gonzaga. Sa kabilang banda, mayroondin namang mga kritisismong ibinabato sa younger sister na ito ni Toni Gonzaga.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Alex sa napakaagang Christmas party na ibinigay ng TV5 sa entertainmentpress noong Wednesday night, November 12, sa A.Venue sa Makati City. Game naman niyang sinagot ang mga punangkinukulapol sa kanya.

Ayon sa 20-year-old na si Alex, hindi niya pinipersonal angmga batikos na natatanggap dahil itinuturing niyang bahagi lang ito ng kanyangtrabaho.

"Okay lang po kung may criticism man, kasi alam ko naman namay point talaga sila. Although minsan, medyo exaggerated ‘yong iba. Pero at least, it can help me to be a betterhost. And sa criticism nila, it meansna napapansin nila ako, they noticed me, kaya okay lang po 'yon," nakangitingsabi ni Alex.

Nagbigay rin ng komento si Alex sa dalawang madalas na punasa kanya: ang pagiging copycat daw niya ng kanyang Ate at ang pagiging OA naversion nito.

Paliwanag niya, "Siguro po ay hindi naman talaga mawawala‘yon, kasi talaga namang because of my sister kaya ako pumasok sa showbiz, e.Tapos, pareho pa kaming into hosting, comedy... So, I think nasanay na ako sa mgaganyan at parang wala nang effect sa akin, e. Isa pa, when I'm with my sister,hindi ko naman napi-feel na naiinis siya or something.

"Tungkol sa pagigingOA naman," patuloy ni Alex, "hindi naman siguro. Pero kung tingin ng iba ay OAna version ako... Kasi para sa akin, dahil siyempre mas bata ako, so siguroparang mas perky-perky. Kung OA man ako, siguro at least may pagkakaiba sa Ateko. Hindi na nila sasabihing copycat. So, wala lang, okay lang.

"Actually, kung tutuusin po ay OA talaga ako. Kasi, eversince na bata pa ako, ako ang laging class clown, center of attraction kapag saaming magpipinsan. So, I exaggerate things talaga at natural na sa akin itomula ng bata pa ako. Kaya yung mga taong close sa akin, yung mga kilala talagaako, hindi OA ang tingin sa akin. Tingin nila, that's me e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, siguro kapag the people get to know me more, na kapaglagi na talaga nila akong nakikita sa TV, maa-accept na nila na, ‘Talagangganoon ang personality niya at wala na tayong magagawa.' Yun po," paliwanag niAlex.

SILENT COMPETITION? May silent competition ba between her and Toni?

"Napakalakipo ng competition sa amin," seryosong saad niya. Tapos ay nangingiting biglang bawi with matching dialoguena: "Hindi po, joke lang!"

Ani Alex, "Hindi po, wala, wala talagang competition sa amin.Para na kaming best friends dahil magkasama na kami ever since bata pa, kayawala talagang competition. Support, yun, we give each other ng support and weconsider each other as a team."

Ayon pa kay Toni, idol niya si Toni, at ang lahat ngachievements ng kanyang Ate ay pangarap niya ring maabot.

"Idol ko po si Ate, and to think na wala naman siyangmasyadong backer... She has the talent, e," sabi ni Alex.

Dagdag niya, "Siyempe naman, I want to improve myself and Iwant to be more successful kung papalarin po. Siyempre, gusto ko ring magawalahat ng nagagawa niya. Hindi po ninyonaitatanong, marunong din naman akong kumanta. Kaya sana ay mai-share korin naman sa public yung aking konting talent sa iba't ibang aspect ngshowbiz."

Bago nagtapos, sinabi ni Alex na natutuwa siya sa mga breakna ibinibigay sa kanya sa TV, both ng ABS-CBN at ng TV5.

"Sobrang happy po ako more than ever, I'm so happy andthankful. Second season na po itong Juicy na hindi nagsasawa ang mga tao kahitevery day kami napapanood. Ito ring Loko Mo Ko. Plus, may bago po kaming show,itong Everbody Hapi with John Estrada, Roxanne Guinoo, Matt Evans, EugeneDomingo, Long Mejia, at iba pa," pagtatapos ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN