Ruffa gives update on health of parents Eddie Gutierrez and Annabelle Rama

"In life, dumaraan talaga tayo sa pagsubok, walangperfect sa buhay... Kung during happy times ay magkakasama kami, masnaging close kami nang dumating ang trials na ito. What's importantngayon, okey na si Daddy at si Mommy naman, gagawin na rin ang procedures sakanya," says Ruffa Gutierrez.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibapang entertainment press si Ruffa Gutierrez kahapon, November 13, sa shootingng Desperadas 2 sa Bonifacio High Street, Taguig City. Ang Desperadas 2,directed by Joel Lamangan, ang isa sa entries ng Regal Entertainment sa 2008Metro Manila Film Festival. Kasama pa rin ni Ruffa rito sina Rufa Mae Quinto,Iza Calzado at Marian Rivera. Ogie Alcasid joins in thecast for the first time.

Kapansin-pansin ang pagiging slim ngayon ni Ruffa.

"Yes, I'm slimmer now," nakangiting sabi niRuffa. "Sa first Desperadas, medyo mataba ako. Kasi that time, mayproblema ako. Ang depression ko noon, dinadaan ko sa pagkain. Pero ngayon,mas okey na ako.

"Mas maganda rin ang bonding namin ngayon nina Rufa Mae,Marian, at Iza. Plus, kasama pa namin si Kuya Ogie. Mas relaxed kami ngayon. SiMarian, very shy siya noon, kasi bago pa nga lang siya. Ngayon, she's moreconfident. Ka-chika na namin siya lagi. Yun nga lang, kapag nagkasama-samakaming apat, laging off the record ang pinag-uusapan namin," kuwento ngactress-TV host.

Siyempre, dahil Part 2 na ang Desperadas, may mga changes nasa story. Sila pa rin ba ni Jay-R ang magkatambal dito?

"Yes, siya pa rin. Gusto nga sana niya may kissingscene, pero ayaw ko!" natatawang sabi ni Ruffa.

Dagdag niya, "Nanonood ang mga anak ko ng movie ko, atayaw nilang may humahalik sa akin maliban sa daddy nila. Basta, mas magandangayon ang Desperadas 2."

HEALTH OF RUFFA'S PARENTS. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa kanilang pamilya,hindi mapapansin kay Ruffa na may dinadala silang problema. Ang kanyangama na si Eddie Gutierrez ay sumailalim kamakailan sa angioplasty upang paluwagin ang baradong heart vessel. Si Annabelle Rama naman ay may myoma or bukol sakanyang tiyan.

Kumusta na ang amani Ruffa?

"He's much better now after his angioplasty," sabi ngactress-TV host. "We're thankful na naagapan siya. Matagal na palang maynararamdaman si Daddy, pero hindi niya pinapansin. Si Mommy ang nakapansinna nag-i-snore siya sa pagtulog niya, minsan hindi siya makahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya after my mom's birthday last October 25, nag-decidesilang magpunta ng Bangkok at doon magpa-check-up. Kasi kahit si Mommy, may mganararamdaman na rin. Si Daddy pala, ang huli niyang check-up was in 1978 pa.Medyo natakot pa nga sila doon sa doctor sa Thailand kasi kung anu-ano angsinasabi sa kanila, pero nag-decide si Daddy na dito na lang [sa Pilipinas] siyamagpagamot.

"Si Mommy naman," patuloy ni Ruffa, "nag-schedule na rinsiya na sa Texas siya magpapaopera. Doon sa brother niya, doon siya maytiwala. Kailangan na raw maoperahan ‘yong myoma niya at alisin ‘yong mgafibroid pre-cancer cells na kung hindi maaalis, puwedeng mag-develop intocancer.

"Actually, noong nagpunta sila sa Istanbul noon para dalawinkami, ipina-check-up na ni Yilmaz [Bektas, Ruffa's estranged husband] si Mommyat may myoma na nga siya. Pero takot si Mommy na magpaopera. Kaya lang,kailangan na talaga ngayon. Kaya nagpunta na sa States, nauna na kay Mommy sinaRichard, Raymond and Elvis [Ruffa's brothers], para may mag-alaga sa kanya roon.

"Pero hindi na rin siya [Annabelle] natuloy dahilnag-collapse nga si Daddy. Dinala namin siya sa St. Luke's Medical Center,hindi na siya pinalabas. Pinapili si Mommy kung angioplasty o heart bypassang gagawin kay daddy. Nag-decide siyang angioplasty na lang at iingatanna lang ang food niya—no fatty food, puro healthy food na ang kakaininniya.

"I'm glad na pareho na silang kumakain ni Mommy ng oatmealtuwing breakfast. Si Mommy, nag-decide na lamang dito magpa-opera kaya pinauwina namin sina Richard."

Kailan naman ooperahan ang mommy niya?

Ani Ruffa, "Tomorrow [November 14], ipapasok ko na siya sa AsianMedical Center in Alabang dahil sa Saturday [November 15] gagawin ang proceduresa kanya.

"Magkakaroon kami ng Holy Mass sa room niya with Fr. Joey Fallerofficiating. Sa Saturday, habang ginagawa ang procedure sa kanya, magkakaroonkami ng prayer meeting sa room ni Mommy, dadalhin naman ng boss ko, si OlaEspiritu, ang pastor namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-touched nga ako noong nasa hospital pa si Daddy.Nag-prayer meeting din kami sa room niya, nakita ko si Mommy na nagdasal dinsiya. Dati kasi, lagi niyang sinasabi na as a Catholic, sa Catholic langsiya. But in times talaga na ganoon, sa Kanya tayo kakapit," saad ni Ruffa.

FAMILY TRIALS. Aware si Ruffa na dumaraan sila ngayon sa trials nadinaranas din ng ibang mga pamilya.

"In life, dumaraan talaga tayo sa pagsubok, walangperfect sa buhay," aniya. "Kaya noong nasa hospital si Daddy, I'm thankful nanandoon sina Kuya Tonton [Gutierrez] at Kuya Monching [Ramon Christopher] dahilnasa States nga sina Richard. Ako naman ang taga-update sa kanila kung ano angnangyayari kay Daddy. Kung during happy times ay magkakasama kami, masnaging close kami nang dumating ang trials na ito. What's importantngayon, okey na si Daddy at si Mommy naman, gagawin na rin ang procedures sakanya."

Si Tonton ay anak ni Eddie sa aktres na si Liza Lorena,samantalang si Ramon Christopher ay anak ng beteranong aktor kay PilitaCorrales.

Medyo nagpatawa pa si Ruffa sa kalagayan ng kanyang ina.

"Sabi ko nga kay Mommy, malulugi na ang binibilhan niyang lechon Cebu dahil hindi na siya mag-o-order!" biro niya. "Pero si Daddy,kahit laging may lechon Cebu si Mommy, hindi naman siya kumakain dahil nganapaka-conscious niya sa kanyang health. Ini-enroll na rin namin siya sa healthregimen sa St. Luke's para tuluy-tuloy ang kanyang paggaling."

Ikinuwento rin ni Ruffa na ipinatanggal na ng mommy niya angdaddy niya sa Luna Mystika, ang bagong fantaserye ng GMA-7 na pinagbibidahannina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez. Si Dante Rivero ang pumalitkay Eddie.

"Napakag-taping na siya ng 17 sequences," sabi niRuffa. "Pero mabuti na rin na tanggalin na siya dahil ang role pala niya, verytaxing, may mga patakbo-takbo, bumabaril. At may eksena pala siyang saSubic dapat kunan, nakakatakot kung habang nagte-taping, doon siya inatake athindi natin alam kung ano ang mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FINANCIAL SUPPORT. May financial support na ba si Yilmaz sa mga anak nilangsina Lorin at Venice?

"Wala pa rin, for one and a half years na," sagot niya."Mabuti na lang may trabaho ako, may The Buzz at Betty La Fea ako [sa ABS-CBN].Thankful din ako sa GMA Films dahil binigyan nila ako ng movie, ang MyMonster Mom. At kay Mother Lily, sa Regal Films dahil may Desperadas 2 ako.

"Marami ring salamat sa inyo dahil mataas ang rating ngBetty La Fea at hanggang sa March 2009 pa kami. Nang pumunta kami sa Cebunoong November 1, hindi ako nagpatalo kay Richard. Kung pinagkaguluhan siya attinatawag siyang ‘Asero, ako rin maraming tumatawag sa akin ng ‘Daniela'[pangalan ng character niya sa I Love Betty La Fea].

"At gusto ko ring ipaabot sa lahat ng mga friends naminna nagdasal para sa paggaling ng Daddy ko at para na rin sa Mommy ko sagagawing procedure sa kanya sa Saturday," pahabol niya.

CATFIGHT WITH CLAUDINE. Nilinaw rin ni Ruffa ang nasulat na nag-away raw sila nangmatindi ni Claudine Trillo dahil kay Zoren Legaspi, ayon sa kuwento ni Tim Yap.

"Akala kasi ng mga friends ko na hindi alam ang story,kailan lang ‘yon nangyari!" natatawang wika ni Ruffa. "Sabi kosa kanila, fourteen years ago nang nangyari ‘yon, sa Araneta Coliseum. Immaturepa kami pareho noon.

"Hindi naman ako ang nag-umpisa. Kaya lang, dahil mataas akosa kanya [Claudine], nakaya ko siyang maitulak. Natatawa na lang ako kapag naiisip kona pagdating talaga sa pag-ibig, nagiging palengkera ang mga girls na tuladnamin.

"Hindi ko siya [Claudine] problema, siya ang may problema saakin. Hindi naman kami nagwagi, si Carmina [Villarroel] ang nagwagi sakanya [Zoren]! Pero friends na kami ni Claudine ngayon, okey na kami," medyo natatawang sabi niRuffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN