(Updated) John "Sweet" Lapus irritated by invented "rumor" about him and friend Kris Aquino

"Naiintindihan ko ang concept, chismis o hindi, siguro hindialam ni Obette na kaibigan ko si Kris. Matagal na ang friendship namin. Mahalna mahal ko ang mga anak niya. Mahal ko si Kris kaya yung friendship namin,iniingatan ko ‘yan. Pagkatapos,mag-iimbento ka lang ng chismis para may mailagay ka sa segment mo?Nakakabuwiset, di ba?" laments John "Sweet" Lapus about a report on Umagang Kay Ganda.



Kahapon, November 13, ay nakatanggap ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) ng text message mula sa isang unregistered cellphone number. Ang nilalaman ng text message ay: "Inaway ni Sweet [John Lapus] ang UmagangKay Ganda dahil nag-report about him and Kris [Aquino].Magba-backout siya sa spoof show."

AngUmagang Kay Ganda ay ang daily morning show ng ABS-CBN at ang tinutukoy namangspoof show ay Da Spooftacular Showdown. Gaganapin ito simula mamayang gabi, November 14, atsa mga susunod na weekends sa Music Museum. Kasama rin sa Spooftacular sina JonSantos at Candy Pangilinan.

Ipinadala ng PEP kay Sweet ang natanggap naming text message upang kumpirmahin ang nakasaad dito. Tumawag kaagad si Sweet saamin para tanungin kung sino ang nagpadala ng message.

Sinabi namin kay Sweet na hindi na nag-reply ang nagpadalang text message nang tanungin namin kung sino ito.

Ayon kay Sweet, Wednesday night, November 12, pa lang ay mayideya na siya na may ganoon ngang tsismis na kumakalat. Ang impressiontalaga ng mga nakakaalam ay galit daw sa kanya ang matalik na kaibigan na siKris Aquino.

Nang makausap ng PEP si Sweet, ito na mismo ang nagkuwentokung ano ang totoong nangyari at pinagmulan ng naturang isyu.

"Ang Umagang Kayganda, may bago raw silang segment, ang‘Chismis o Hindi,'" simula ni Sweet. "Tinanong si Kris sa segment na yun, ‘Kungtotoong galit ka ba kay Sweet?' Ang sabi ni Kris, ‘Hindi! Hindi totoo dahil, infact, ako pa nga ang nagbibigay kay Sweet ng mga damit ko talaga sapag-i-impersonate niya sa akin.'

"Naiintindihan ko yung concept ng bago nilang segment. Peroang problema, walang ganoong chismis, ‘te! Nag-imbento ng chismis para lang maymailagay sa segment. Doon akonabubuwiset! Kung talk show pa siguro ‘yan, puwede pa. Pero, ‘te, News and Current Affairs, tapos may ganoon? May imbentong chismis, hindi maganda!" paghihimutokni Sweet.

Hindi raw napanood ni Sweet nang iere ang naturang interviewni Kris sa Umagang Kay Ganda. Pero naging aware daw siya na may isyu na paladahil nang magpunta siya sa isang bar noong Miyerkules, mismong mgawaiter pa raw ang nagtatanong sa kanya at nagsasabing magkagalit daw pala silani Kris. Bukod pa raw rito ang ibang mga taong nagtatanong sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap daw ni Sweet si Rica Peralejo, ang pumalit kay Ogie Diaz sa pagde-deliver ng showbiz news sa Umagang Kay Ganda.Maging si Rica raw ay tinanong si Sweet tungkol dito.

Kay Rica nalaman ni Sweet na segment ni Obette Serrano ang"Chismis O Hindi." Nag-request kasi si Sweet kung puwede niyang makausap angsinuman sa production na in-charge sa isyung yun.

Nakausap din daw ni Sweet si Obette. Inamin nito na siya ngaang nag-interview kay Kris dahil sa bago nilang segment. Ayon kay Obette,maganda naman daw ang sagot ni Kris, kung saan itinanggi nito na may isyu sapagitan nila ni Sweet.

Pero ayon kay Sweet, "Maganda ang point nila sa bagongsegment, pero ang hindi maganda, yung imbento ang tsismis! Si Obette Serrano nasegment producer or reporter nila, nag-iimbento ng chismis, yun ang hindimaganda. Sa buwiset ko, binagsakan ko siya ng phone!"

Katuwiran niya, "'Te, two years na ako sa GMA-7... Sina NelsonCanlas, Lhar Santiago, at kahit yung baguhang si Aubrey Carampel, hindinag-iimbento ng chismis. So, doon ako nabubuwiset talaga na nag-iimbento ngchismis.

"Naiintindihan ko ang concept, chismis o hindi, siguro hindialam ni Obette na kaibigan ko si Kris. Matagal na ang friendship namin. Mahalna mahal ko ang mga anak niya. Mahal ko si Kris kaya yung friendship namin,iniingatan ko ‘yan. Pagkatapos,mag-iimbento ka lang ng chismis para may mailagay ka sa segment mo?Nakakabuwiset, di ba?

"Ten years ko nang ginagaya si Kris Aquino," diin ni Sweet."Yung eight years doon, nasa ABS-CBN pa ako, harap-harapan ginagaya ko siya saThe Buzz. Yung mga accessories ko, minsan galing pa kay Kris para masgayang-gaya ko siya. Natutuwa siya kapag ini-impersonate ko siya, at never konamang gagayahin siya na magiging masama si Kris.

"Kung showbizoriented pa siguro yun, pagtatawanan ko lang. Pero, ‘te, News and CurrentAffairs! Tinanggal nila si Ogie Diaz diyan na, in fairness, hindi nag-iimbentong chismis. Ang hirap kasi, nang ipalabas nila, yung mga nagtatanong sa akin,hindi naman nila na-get yung sagot ni Kris. Basta ang tinitingnan lang nila,yung chismis na nagagalit si Kris dahil ginagaya ko siya," halatang imbiyernana sabi ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap na rin daw ni Sweet ang mismong executive producerng Umagang Kay Ganda. Ipinaliwanag na raw sa kanya na bago nga lang itong segment sa programa.

Tinanong din daw si Sweet kung ano ang puwede nilang gawin. Pero sagot niya, "Hindi ko pa rin alam. Today ko lang nalaman, hindi ko paalam ang magnitude ng imbentong chismis na yun."

THE SHOW MUST GO ON. Dahil kasama sa text message na magba-backout din daw siya saDa Spooftacular Showdown, pinalinaw ng PEP kay Sweet kung totoo nga ba na hindina siya kasamang mapapanood dito.

Ayon kay Sweet, "Actually, ang totoo diyan, sumagi talaga sa isip ko naumalis na lang, huwag nang sumama. Nabuwiset ako, ABS-CBN ang producer ng showna Spooftacular Showdown, ABS ang Umagang Kay Ganda, at taga-ABS si Obette. So, bakit hindinila natse-check? Hindi ba dapat kapag may ganyang lalabas, inaalam din?

"Tinanong ko ang ASAP Live, ang producer [ng show]. Ang sabinila, hindi nila alam. True enough, wala silang alam na ganoong isyu," lahad niSweet.

Sa huli, nakapagdesisyon si Sweet na huwag nang mag-backoutsa Da Spooftacular Showdown.

"Gusto ko yung show, masaya ako sa show, sa mga kasama ko.Naisip ko, pinaghirapan ko rin ang rehearsal niyan. At saka bakit akomagre-resign, e, wala naman akong ginagawang masama, di ba? Talagang inis langako sa imbentong chismis," ani Sweet.

THE OTHER SIDE. Pagkatapos makausap ng PEP si Sweet, hiningan din namin ngpahayag ang mismong reporter na sinasabi ni Sweet na diumano'y nag-imbento ngchismis lang sa kanya at kay Kris—si Obette.

"I still have to talk about this to my producer. I thinknasa Corporate na naman ang tungkol dito, so I still have to wait for them,"mahinahong sabi ni Obette.

Ipinarating namin kay Obette ang naging pahayag at saloobinni Sweet sa pangyayari. Isa na rito ay ang naging impression kay Sweet nainimbento lang daw niya ang balita. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was actually a reaction, doon nga sa pang-i-spoof niyangmuli kay Kris. So, I asked Kris kung affected ba siya sa pang-i-spoof muli niJohn sa kanya. Maganda naman ang sagot ni Kris at sabi nga niya, ‘Affected? No,chismis lang yun, blah, blah,'" saad ni Obette.

Hanggang doon lang muna raw ang maibibigay na pahayag niObette dahil nasa Corporate Communications na raw ang insidente. Kailangan dindaw muna niya munang makausap ang producer niya.

LATEST UPDATE. Bandang alas singko y media ng hapon, nakatanggap ang PEP ng text message mula kay Sweet.

Aniya, "The EP [executive producer] of UKG [Umagang Kay Ganda], Ms. Cheryl Favila,just called me and apologized to me. She said Obet will be reprimanded. I wholeheartedly accepted her apology. She also promised that no incident will happen again. I hope that this will serve as a lesson to all showbiz reporters. Thank you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN