Jericho Rosales makes freudian slip while describing 'heavy' role in "Baler"

"Sobrang excited ako and every scene, gusto konandun ako. Metikuloso ang pagkakagawa ni Direk Mark.Na-miss ko ang ginawa ko sa Bagong Buwan na war movie rin naipinag-enjoy ko rin. De numero ang gumawa ng giyera, para kang nakikipaglaro samga bata," says Jericho Rosales about his new movie, Baler.



Binati ni JerichoRosales ang press na dumating sa presscon ng Baler kahapon, November 13,in Spanish. Throughout the presscon, paminsan-minsan din siyang siyang nag-i-Español.

Nabanggit kasi ngaktor noon sa isang panayam na mag-aaral siya ng Spanish bago simulan angshooting ng Baler para maging makatotohanan ang portrayal niya sa role ni CelsoResurrecion, ang half-Spaniard, half-Filipino na mas piniling kumampi sa mgakaaway at talikuran ang kapwa Filipino.

Ang Baler, na idinirek ni Mark Meily, ang entry ng VivaFilms sa 2008 Metro Manila Film Festival. Katambal dito ni Jericho si AnneCurtis.

"This is animportant movie," sabi ni Jericho. "It touches Filipino history dahil based itosa Siege of Baler noong 1898. Hindi lang history ang mapapanood, may romancedin."

"Heavy" angdescription ni Jericho sa kanyang role. Para raw mas ma-feel niya ang kanyangcharacter, siya mismo ang nag-research. Dumaan din siya sa matindingpreparasyon, pati kung paano kumilos at magsalita ng Tagalog noong unangpanahon.

"Na-trap for oneyear sa loob ng simbahan si Celso at mga kasamang sundalo. Ipapakita ang hirapna dinanas ng mga sundalo that whole time na nasa simbahan sila. Makikita rinkung paano nila ipinaglaban ni Feliza [Anne] ang kanilang pagmamahalan,"pagpapakilala ni Jericho sa kanyang role.

Paano naka-relate siJericho kanyang role?

"Mahirap angpinagdaanan namin sa loob ng simbahan at ang character ni Celso ay ibang-iba.Mapagmahal siya at romantiko, at kaya kong magmahal hanggang kamatayan," saadng aktor.

Ano ang feeling niyahabang ginagawa nila ang Baler?

"Sobrang excited ako and every scene, gusto konandun ako," saad ni Jericho. "Metikuloso ang pagkakagawa ni Direk Mark.Na-miss ko ang ginawa ko sa Bagong Buwan na war movie rin naipinag-enjoy ko rin. De numero ang gumawa ng giyera, para kang nakikipaglaro samga bata."

LOVE IS WORTH FIGHTING FOR. Ang tagline ng Baleray "Love is worth fighting for," at sang-ayon dito si Jericho. Sabi niya,"Love is living, love is sharing. Love is what makes people laugh more, andwe're all here because of love. Ang character namin dito ni Feliza, [we] would liketo survive because of love. Yun ang greatest gift na matatanggap nila. Lovebrings peace."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakitawa ang presskay Jericho sa sagot nito sa tanong kung ano ang feeling niya sa "forbiddenlove" nila ni Anne sa pelikula?

"Hindi akoipinanganak noong 1898, pero alam ko yun. Meron akong 2004, 2006, at 2008version at kilala ninyo kung sino sila!" sabi ng aktor.

Panahon ng Kastilaang setting ng Baler, kung saan iba ang values at maraming bawal. Perobakit may kissing scene sila ni Anne?

"Mahigpit ngangipinagbabawal ang ganung relasyon," pagsang-ayon ni Jericho. "Pero sa sitwasyon namin ni Feliza, talagangnag-aalab ang pananabik namin sa isa't isa at bihira pa kaming magkita. Sapagkakaintindi ko, pinag-aralan ni Direk Mark Meily ang execution ng eksena para walang maipintas sa pelikula."

Dahil marami ngasilang kissing scenes, kinumusta sa kanya ng entertainment press ang labi niAnne. Ano ang lasa ng lips ng kanyang leading lady?

"For Anne'sendorsement, maganda ang labi niya at kailangan yun para ma-establish angrelasyon namin," sagot niya. Sabay sabing, "Ang hirap sagutin niyan!"

Patuloy niya, "Yungfirst kissing scene namin, medyo nahihiya ako at medyo nilalagnat-lagnat paako. Walang workshop yun at different angles kinunan. Speechless ako atspeechless din siya. Nagtawanan na lang kami. But we had fun and we respecteach other pagdating dun."

Napansin ng press nahindi pa rin niya sinagot kung ano ang lasa ng labi ni Anne, kaya tinanongsiyang muli tungkol dito.

"Passionate," sagotni Jericho na halatang pinag-isipang mabuti. Samantalang mabilis na "very softand tender" naman sagot ni Anne kung ano ang masasabi niya sa labi ni Jericho.

SLIP OF THE TONGUE. Itinuturing na isasa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon si Jericho. Paano niya ire-rate ang acting ng kapareha niyangsi Anne?

"I don't wanna soundauthoritative sa acting," pauna niya. "Share ko na lang ang experience kokasama si Heart [Evangelista, Jericho's ex-girlfriend]..."

Nagtawanan ang pressat saka na-realize ni Jericho na nagkamali siya ng banggit ng pangalan.Hinawakan nito ang kanyang noo, saka tumayo para halikan sa noo si Anne bilangpaghingi ng paumanhin sa maling tawag ng pangalan ng kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sus, camote!" wikani Jericho.

Nang maka-recover nasiya ay saka niya ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi. Ani Jericho, "Noong kasama kosi Anne, ibinigay ko ang buong puso ko sa character ko at sinunod niya lahat angdapat gawin. She's a very sensitive actress and for me, she's the best.Maraming mabilis umiyak na artista, pero di ibig sabihin ‘pag umiyak ka,magaling ka nang artista. Hindi yun greatest performance, but she did well.Naintindihan niya ang ibig kong sabihin and vice versa. As an actress, withthat quality, you can be trusted. She's also professional, never na late. Andwhen direk Mark asks to deliver, she delivers."

Tinawanan na lang niJericho nang tawagin naman siyang "Luis" ni Anne bilang sagot sa "Heart" na tawagsa kanya at nagtawanan na lang ang dalawa. Si Luis ay malapit nakaibigan ni Anne.

ON HEART & KRISTINE. May bago nangboyfriend si Heart, ang 34-year-old businessman na si Francisco Delgado. Anycomment?

"Okey lang,nakapag-move on na rin naman ako. Hindi pa nga kami nagkikita. Ako naman, walapang balak manligaw at ayaw kong pumasok sa babaeng katatapos langmakipag-break," pahayag niya.

Sa isyung posiblesilang magkabalikan ni Kristine Hermosa, na makakapareha niyang muli, sinabi niJericho na mas okey sila ngayon bilang magkaibigan at co-workers.Nag-taping sila para sa Maalaala Mo Kaya at magkatambal din sa primetimesoap ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.

Aalis si Jericho saNovember 26 for a show in Toronto, Canada. Pagkatapos ay tutuloy siya saCalgary para dalawin naman ang kapatid, at saka pa lang babalik ng Pilipinas.

Sa kanyangpagbabalik, trabaho pa rin ang haharapin niya at mukhang trabaho ang drivingforce niya ngayon after his breakup with Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN