StarStruck graduate Prince Stefan patiently awaits big break

"Matiyaga akong maghintay. Marami kasing ibang artistariyan, hindi sila makapaghintay. Yung iba, nagsipag-uwian na lang sa mgaprobinsiya nila. Maraming naiinip. Bumabalik yung iba sa pag-aaral. Okey rinnaman yun, pero nasa akin na yun kung magtitiyaga ako. Pumapasok lang angpagkainip kapag may time na wala akong ginagawa," says Prince Stefan.



Isa sa maituturing na underrated stars ng GMA-7 angStarStruck 4 runner-up na si Prince Stefan. At least, binigyan uli siya ngpagkakataong mag-shine. This time, he forms a love triangle with Aljur Abrenicaand Kris Bernal in the newest telefantasya of GMA-7, Luna Mystika.

"Pasosyal na mayaman kasi ang role ko sa bagong showas Henry," sabi ni Prince sa PEP (Philippine Entertainment Portal)."Mai-in love ako kay Kris sa kuwento, pero wala siyang love sa akin. SiAljur ang gusto niya."

Hahabul-habol daw siya kay Kris sa anggulo ng istorya nilasa Luna Mystika, pero hindi niya alam na may feelings pala si Kris kay Aljur.

"Hindi pa talaga ako nabibigyan ng break," sabi ngbinata. "Sina Aljur at Kris, nabigyan na sila ng break. Pero okey lang saakin, kasi mga kaibigan ko naman sila. Dapat lang na magtiwala kami sa GMA-7 sakung paano nila papatakbuhin ang career namin.

"Pana-panahon lang din 'yan. Sabay-sabay naman kamingpumasok, pero kung ano ang mayroon sina Aljur at Kris ngayon, okey rin lang saakin. Masaya ako sa kanila."

Hindi ba naiinip si Prince sa tila mabagal na takbo ngcareer niya?

"Ayokong magpakaplastik," sabi niya. "May mga araw nadumarating yung thought na yun, na nakakainip din. Pag nag-aartista ka kasi,hindi naman palaging nagiging overnight sensation ka, na sikat ka kaagad.Marami ka ring pagdaraanan.

"Matiyaga akong maghintay. Marami kasing ibang artistariyan, hindi sila makapaghintay. Yung iba, nagsipag-uwian na lang sa mgaprobinsiya nila. Maraming naiinip. Bumabalik yung iba sa pag-aaral. Okey rinnaman yun, pero nasa akin na yun kung magtitiyaga ako. Pumapasok lang angpagkainip kapag may time na wala akong ginagawa."

SHAKE, RATTLE & ROLL X. Still, Prince feels that he's blessed. Bukod sa Luna Mystika,kasama rin siya sa Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle & RollX ng Regal Entertainment.

"May mga guesting pa rin ako. So far, okey na yun saakin. Ayokong nagrereklamo," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki-laking break ang napunta sa kanya bilang kaibigannina Kim Chiu at Gerald Anderson sa "Class Picture" episode ng Shake, Rattle& Roll X.

"Mamamatay isa-isa yung mga kaklase namin, tapos kamina lang tatlo nina Gerald at Kim ang matitira," kuwento ni Prince."Smart ang character ko riyan, leader ng class. Sina Kim at Gerald talagaang magka-partner diyan, kaya lang sa huli, kaming tatlo na lang ang matitira.

"From GMA, sa episode namin, bale ako lang ang lalaki. Purotaga-Dos na. Sa girls, kasama sina Diana Zubiri, Iwa Moto, Chariz Solomon, atStef Prescott, na mga taga-Siete," banggit din ng binatang aktor.

May hawig daw sa Feng Shui ang takbo ng kuwento ng "ClassPicture," na kung sinuman ang tumingin sa class picture ay magsa-suffer.

"Excited ako sa kalalabasan ng pelikula, kasi veryinteresting," sabi ni Prince. "May curse ang class picture, na kungtumingin ka doon, papasok ka doon. Pumasok si Kim doon, kaya kami ni Gerald anggumawa ng paraan to save her at makalabas siya from the picture."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN