Snooky Serna defends mom Mila Ocampo against malicious rumors

Nov 15, 2008
"Napapa-look na lang ako sa sky sa tsismis sa mommy ko. Walang katotohanan talaga at all. I can tell everyone straight in the eyes, wala pong katotohanan na nagpa-rehab po ang aking mommy. Kung meron mang isang tao na against na against sa illegal drugs, it's my mom," says Snooky Serna.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Snooky Serna kagabi, November 14, nang mag-guest siya sa Celebrity Night: All Star Cast, fundraising project ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Ginanap ang fundraising project ng grupo ng entertainment press sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City.

Kinumusta namin kay Snooky ang kanyang inang si Mila Ocampo, na na-confine sa Makati Medical Center.

"Si Mommy, thank God she's okay now after three weeks of observation sa hospital. Gusto ko nga palang magpasalamat sa lahat ng staff, sa lahat ng mga doctors na tumingin sa mommy ko. Talagang they really did a great job for taking good care of my mom.

"So far so good, I'm so thankful that she's on the peak of health now. Talagang okey na okey na ngayon si Mommy, wala nang problema sa kanya," lahad ni Snooky.

Ano ba ang naging sakit ng kanyang ina?

Continue reading below ↓

"Actually, nag-umpisa ‘yan nang madulas siya sa banyo," kuwento ng dating child star. "What happened was, nung sumakit masyado ang likod niya, kasi ang tumama yung lower back niya, nahirapan siyang huminga tuloy. Kumbaga, parang nagkasunud-sunod na yung reaction, nag-chain reaction.

"Nung sumakit yung muscles niya, nahirapan siyang huminga, sinumpong siya ng COPD [Chronic Obstructive Pulmonary Disease] niya, or otherwise known as yung emphysema. Tapos nung nag-emphysema siya, nagkaroon siya ng konting problema sa heart. But now, everything's okay, thank God!"

Pero may mga nagsasabi na sa isang rehabilitation center diumano dinala ang mommy ni Snooky, at hindi sa hospital. Na-hook daw kasi ito sa ipinagbabawal na gamot. Ano ang masasabi ni Snooky rito?

"No, hindi totoo yun! Walang ganoon!" mariing tanggi ni Snooky.

"Alam ninyo," sabi niya, "natatawa na lang ako. Napapa-look na lang ako sa sky sa tsismis sa mommy ko. Walang katotohanan talaga at all. I can tell everyone straight in the eyes, wala pong katotohanan na nagpa-rehab po ang aking mommy. Kung meron mang isang tao na against na against sa illegal drugs, it's my mom."

Continue reading below ↓

Sa balitang na-rehab si Mila, may mga nagsasabing "sugarol" na nga ang ina ni Snooky ay "addict" pa. Hindi pa rin kasi matapos-tapos ang tsismis na laman pa rin ng casino si Mila at inuubos daw nito ang pera ni Snooky.

"Dyusko naman, maawa naman po kayo sa mommy ko. Dun sa ibang mga nagre-react...hindi ko naman nilalahat. She's already 68. Kumbaga, golden years niya na ngayon, marami na rin siyang napagdaanan na intriga, sakit ng ulo sa pagma-manage sa akin nung araw. Sana ibigay na natin, huwag na nating dagdagan yung mga dilemma na nararamdaman niya sa katawan ngayon.

"Before, aminado naman ang mom ko na nagsusugal siya. But now, I'm really so thankful and proud of my mom that she has strong will to be able to stop it noong na-realize niya na naapektuhan ang buhay namin," pahayag ni Snooky.

HER EX-HUSBAND IS A GOOD CATCH. Balita rin na hanggang ngayon ay mahal pa rin daw ni Snooky ang dati niyang mister na si Ricardo Cepeda kaya naghahabol ang aktres dito. Gumagawa rin daw ng paraan si Snooky para magkabalikan sila ni Ricardo.

Continue reading below ↓

"Hindi na kasi, as a matter of fact, he's very, very happy now with Annie," sabi ni Snooky. "He has someone already. Though we haven't met in person, but I heard a lot of good things about her from Richard. And I know that sometimes my children, si Annie [Richard's girlfriend] and Richard they bond together, okey lang sa akin.

"You know, kasi dumating na ako sa point na parang everything is cool na, parang nagkaroon na rin ako ng acceptance of things. That there are things talaga that are not meant to be, like our marriage. And we're better off as friends. I'm sure Richard would not mind if I say that mas naging close pa nga kami bilang magkaibigan ngayon kesa nung mag-asawa pa kami. And I like it better this way.

"And our children," patuloy niya, "happy naman sila dun sa relationship ng dad nila. Happy in the sense that mabait naman si Annie sa kanila. So I don't see any problems. Richard deserves to be happy too. I also looked for happiness before. Unfortunately, it was not the right marriage.

Continue reading below ↓

"Ganoon naman talaga, that's life, you know. I just learn to accept things as they come, tutal wala rin naman akong puwedeng sisihin kundi ang sarili ko. Because ultimately, you make your own choice," ani Snooky.

Wala ba siyang any regrets kay Ricardo?

"Ako, I have no regets having been married to Ricardo Cepeda. Kasi Richard naman basically is a good person. I have to be honest in saying that he's a good catch, kahit pa sabihin nating hindi kami nagkatuluyan. It just so happened that hindi lang kami ang para sa isa't isa. But it doesn't mean to say that he is a bad person. Somebody like Annie, honestly I would say she's very fortunate to have Richard as part of her life."

Kung may special someone na si Ricardo, ganundin naman si Snooky. Buong pagmamalaki niyang sinabi sa PEP na in love ulit siya ngayon.

"I really have a special person in my life," pag-amin niya. "And I'm really so thankful that I've finally found the man of my dreams. He's such a wonderful person kasi inside and out."

Continue reading below ↓

Pero ayaw banggitin ni Snooky ang pangalan ng lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.

"Sana kung puwede, if you don't mind, huwag na lang. Kasi parang this time, I want to try to make my private life private. No offense meant," pagtatapos niya.

Read Next
Read More Stories About
Snooky Serna, Ricardo Cepeda
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Napapa-look na lang ako sa sky sa tsismis sa mommy ko. Walang katotohanan talaga at all. I can tell everyone straight in the eyes, wala pong katotohanan na nagpa-rehab po ang aking mommy. Kung meron mang isang tao na against na against sa illegal drugs, it's my mom," says Snooky Serna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results