Heart Evangelista threw away bratty attitude when she turned Kapuso

"This is my new home kaya I have toleave behind whatever not-so-good image I had. I want people to like me and, sofar, nangyayari na ‘yon. Kaya I'm happy that people are getting to know who Iam now. Hindi na ako yung bratty na Heart noon. Wala na ‘yon and I hope na theywill like me even more," says Heart Evangelista.



Aminado si HeartEvangelista na dati ay mahirap siyang katrabaho. Masyado raw siyang demandingnoon at kung hindi nasusunod ang gusto niya ay nawawalan siya ng ganang magtrabaho.

Pero ayon kay Heart,yun ang dating Heart Evangelista na ayaw na niyang balikan pa. Aminado naman siyang marami siyang nakasamaan ng loob dahil sa kanyang attitude problemnoon. Ngayon ay nabawasan na raw ‘yon and she hopes na maging maayos na angpakikipagtrabaho niya sa ibang tao.

"Hindi ko namanitinatago na I had that kind of bratty attitude before," sabi ni Heart sa PEP(Philippine Entertainment Portal). "Nasa kabilang network [ABS-CBN] pa ako noonand I was very young kasi, kaya I always had my way. Kaya kapag hindinasusunod, nagiging difficult talaga akong katrabaho.

"Kaya nga I don'twant to be that person again. I realized na marami palang ayaw na akongkatrabaho because of what I was before. Siguro nga dala ng pagiging bata konoon. I didn't know any better kasi. I thought na I can always get away witheverything. Yun pala, importante ang pakikisama sa kahit kanino."

Dagdag niya, "Now,I've learned that when I became a Kapuso. This is my new home kaya I have toleave behind whatever not so good image I had. I want people to like me and, sofar, nangyayari na ‘yon. Kaya I'm happy that people are getting to know who Iam now. Hindi na ako yung bratty na Heart noon. Wala na ‘yon and I hope na theywill like me even more."

GLUE ALLERGY. May balitangnagsagutan si Heart at ang mga gumagawa ng prosthetics ng pinagbibidahan niyangfantaserye sa GMA-7, Luna Mystika.

"It was just amisunderstanding between me and the prosthetics people," paglilinaw ni Heart. "Hindinaman ako magrereklamo if I didn't feel anything wrong. Kasi nga, nagpantal akosa glue na ginamit nila sa prosthetics. I wasn't making reklamo sa mismongprosthetics na nilalagay nila sa mukha ko. Yung glue lang na gamit nila angnaging problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ipinakita ko namansa kanila na nagpantal ako doon sa glue at naintindihan nila ang gusto kongiparating sa kanila. When they found the right glue na hindi ako nagpantal,okey na kami. I was very apologetic nga sa kanila because parang na-blown outof proportion yung ni-request ko na palitan yung glue. Now, okay na kaming lahat and I'm no longerallergic sa nilalagay nila. Everything's smooth sailing na sa taping namin ng LunaMystika," lahad ng aktres.

SURVIVOR HUNK. Flattered naman siHeart nang malaman niyang may crush sa kanya ang Survivor Philippines castoffna si Jace Flores, na kasama rin sa cast ng Luna Mystika. Una silang nagkakilanang mag-acting workshop sila para sa kanilang fantaserye.

Ayon kay Heart,typical na Amboy (American boy) si Jace na may confidence sa sarili. Ito pa rawang unang nagpakilala sa kanya na ikinatuwa naman ni Heart.

"I only met himnoong mag-workshop kami under Miss Gina Alajar. Jace is a nice guy naman. Hindisiya mahiyain and during the workshop, I can see na he's focused on what he isdoing. That's a good sign na he's really interested in this business."

"Next to perfection"ang description ni Jace kay Heart. Ano ang masasabi ni Heart dito?

"I'm very flatteredthat he said that about me. I hope to work with him more sa show and to get toknow him better," saad ni Heart..


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN