Eugene Domingo to spend white Christmas in New York

"Pangarapko talaga yun. Puwede naman, di ba? Puwede namang tuparin. At sakamakapanood ng Broadway plays, musical... Pangarap ko talaga yun, e," says comedienne Eugene Domingo about spending Christmas in New York.



Dalawa ang shows ni Eugene Domingo sa TV5,ang sitcom na Everybody Hapi at ang animal gag show na Ha-Ha Hayop! Ayon sacomedienne, enjoy na enjoy raw siyang gawin ang dalawang shows niya saTV5.

Bago ang dalawang shows na ito ng TV5, huling napanoodsi Eugene sa Ako Si Kim Samsoon ng GMA-7. May bagong soap na raw na in-offer sakanya ang Kapuso network, pero inaayos pa raw. Sigurado raw next year aymapapanood siyang muli ng Kapuso viewers.

"Ako naman kasi, puwede naman ako kahit saan. Puwede ako saChannel 2, sa Channel 7, at sa Channel 5," banggit ni Eugene.

Ano ba ang Ha-Ha Hayop at Everybody Hapi?

"Itong Ha-Ha Hayop, thirty minutes siyang nag-i-spiel ako ngplanet's funniest animal videos. Yung Everybody Hapi naman is a sitcom, na riotna riot na sitcom, kasi si John Estrada at saka si Long Mejia, sila yungparang sidekick diyan. Ako naman at si Roxanne Guinoo, magkapatid kami rito.Pero siguro, magkaiba kami ng magulang!" tawa niya.

Pagdating naman sa movies, tapos na raw nilang i-shoot niAi-Ai delas Alas ang sequel ng Ang Tanging Ina. By next year, umaasa sila niDirek Wenn Deramas na makakahanap na sila ng schedule at maisisingit na rinnilang i-shoot ang pelikula naman na pagbibidahan ni Eugene, Demetria, saViva Films.

Hindi raw ugaling manghinayang ni Eugene kaya wala siyangregrets na hindi siya natuloy sa dalawang pelikula niya sa RegalEntertainment, Shake, Rattle & Roll X at Desperadas 2.

"Hindi kasi ako mahilig magsisi, e," sabi ni Eugene."Siyempre, lahat naman ng nangyari, nangyari na. So, bakit ka pa magdu-dwelldo'n? Ang isipin na lang natin, yung mga susunod pang mas maramingprojects. Parang there will always be another chance for everyone, masbrighter, more positive days, chances para mas makagawa ng mas magandangpelikula."

Kung magkita man daw sila ni Mother Lily Monteverde, angmay-ari ng Regal, definitely ay babatiin daw niya ito at magma-mano pa siyadahil, aniya, Pasko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Mother naman kasi, lambingin mo lang naman ‘yan. Kayanga Mother, di ba?"

WHITE CHRISTMAS. Masaya naman si Eugene dahil matutuloy na rin ang isa sa mgapangarap niya. Ito ay ang makapag-spend ng Christmas sa New York and havea white Christmas, literally.

"December 22, matutupad na ang pangarap ko!" masayaniyang sabi. "December 22 pa ko aalis para makapag-promote naman ako ng AngTanging Ina at mga shows ko sa Channel 5. Tapos, ‘ayun, tutuparin ko lang angpangarap ko."

Almost two weeks siya sa New York kung kaya't doon niyaraw talaga ise-celebrate ang Pasko at Bagong Taon.

"Titiisin ko, ang lamig-lamig daw!" bulalas niya. "Pangarapko talaga yun. Puwede naman, di ba? Puwede namang tuparin. At sakamakapanood ng Broadway plays, musical... Pangarap ko talaga yun, e."

Dagdag niya, "Aayusin ko na makabili ng ticket earlier.Kaya nga kapag nagkakapuyatan or kaya nagkakalagarian, isipin mo lang, bastapagdating ng December, mag-e-enjoy ako!"

First time pa lang ba niyang makakakita ng snow?

"First time...mga snow na nae-experience ko, styrofoam lang!" tawa niya."At least ngayon, totoo na naman siguro ‘to. At talagang yung New York angpupuntiryahin ko kasi yung mga kaibigan kong nagpupupunta ng Amerika, sinasabinilang, ‘Mag-e-enjoy ka run. Mag-e-enjoy ka.' So, yun ang palaging tinatandaanko. Kaya sabi ko, darating ang panahon..."

After New York, ano naman kaya ang susunod niyangpapangarapin?

"Ay, babalik ako sa Europe! Actually, this coming November15 [today], pupunta, kami ng Marrakesh! O, di ba, border siya ng Africa atEurope. Kaya sana, kami ni Mylene Dizon, makapag-segue kami na makapunta ngFrance para naman matupad ang pangarap naming makapagpa-picture sa Eiffel Tower."

Pupunta sina Eugene at Mylene sa Marrakesh para sa screeningng kanilang indie film na 100. Na-imagine ba ni Eugene na magiging ganitokainit at kaganda ang pagtanggap ng kanilang pelikula?

"Hindi! Hindi! Nakakaloka! Hindi talaga! Grabe! Grabe!"bulalas ni Eugene. "Tapos ngayon, unanimously, Graded A pa kami. So,ngayon, ang inaasahan naman namin, sana, sana maraming manood sa regularshowing. Kaya blessing na rin na Star Cinema ang nag-release sa kanya. At leastdun, malaking-malaking tulong talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas lalo ba siyang na-inspire to do more indie films?

"Palagi naman akong inspired to do indie films. In fact,waiting na nga ako sa Cinemalaya. Kasi lumabas na yata yung mga semifinals fornext year," banggit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN