VJ Steph Henares also gets affected by controversies about cousin Rhian Ramos

"I know Rhian and she's a very strong person. Hanggangkaya niyang hindi umiyak, hindi siya iiyak. That one time na umiyak siya on TV,that was the time na she has to let go na. Sobra na raw kasing naipon yung samang loob niya. Pero after she cried, okey na siya," says Steph Henares (in photo) about cousin Rhian Ramos.



Affected kahit papaano ang resident video jock ng QTV 11 nasi Steph Henares kapag naiipit sa kontrobersiya ang kanyang pinsan na siRhian Ramos. Steph is the daughter of GMA Artist Center head Ida Henares, nakapatid naman ng ina ni Rhian na si Clara Ramos.

Ayon kay Steph, very close daw kasi silang magpinsan and shecannot help but feel bad kapag sobra nang below the belt ang mga tsismistungkol kay Rhian. Ang puwede lang daw gawin ni Steph ay ang ipagdasal anganumang sitwasyon na pinagdaraanan ni Rhian.

"But of course, I feel bad as well kasi pinsan ko si Rhian,"sabi ni Steph sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "And be it good or bad,we've always been there for each another. Maybe other people just don't knowwho Rhian is. May iba naman, they simply judge her.

"Being her cousin, kilala ko si Rhian and she's not this bador mean girl na inaakala nila. If you get to know her, Rhian is a very sweetand caring person. She doesn't speak ill about anybody.

"But I know Rhian and she's a very strong person. Hanggangkaya niyang hindi umiyak, hindi siya iiyak. That one time na umiyak siya on TV,that was the time na she has to let go na. Sobra na raw kasing naipon yung samang loob niya. Pero after she cried, okey na siya."

Kuwento ni Steph, before daw maging superbusy si Rhian, nanapapanood ngayon sa La Lola, halos everyday raw ay nagkasama sila. Madalasdaw silang kumain sa labas at mag-shopping. Ngayon dahil sa hectic schedules niRhian, paminsan-minsan na lang daw silang mag-bonding.

"But we keep in touch naman by texting or calling oneanother," sabi ni Steph. "I know how busy Rhian is and I am happy for what ishappening to her career. Mataas ang rating ng La Lola and she's very thankfulthat the show is a huge success."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As for Steph, hanggang sa pagbi-video jock muna sa QTV 11ang kaya niyang gawin. Graduating student na kasi siya sa De La SalleUniversity, where she is taking up Organizational Communication. Mas nakatutokdaw siya sa pag-aaral niya.

"I'm graduating next year kaya mas focused ako sa school.Siguro after I finish college, I can try other things naman like acting. GMAArtist Center has been trying to get me into acting, pero ako na ang umaayawbecause I have a full schedule sa school. Yung pagbi-video jock ko naman, itonly takes a few minutes and it's done. After graduation, I might give acting atry," saad ni Steph.

Kung may gustong makatrabaho si Steph sa first acting stintniya in showbiz, ito ay walang iba kundi ang StarStruck Ultimate Hunk na siAljur Abrenica.

"Not for anything else, I find Aljur a nice person and heacts good naman," paliwanag niya. "Napapanood ko naman siya sa mga shows kungsaan siya kasama. For a newcomer, he's okay at gusto kong makatrabaho yungmarunong na and would make me feel relaxed."

Bukod sa school at sa pagiging VJ ni Steph sa QTV 11 ayactive siya sa dalawang Christian communities: The New Testament Ministry andThe Bread From Heaven Christian Fellowship and Youth Ministry. Matagal na rawsiyang member ng dalawang communities na ito dahil sa kahiligan niyangmag-serve sa Panginoon.

"It's something that I feel na dapat kong gawin habang batapa ako. I grew up knowing so much about religion and to serve the Lord issomething that really satisfies me. Would you believe that I once dreamtna maging pastora ako? I've talked with a lot of young people in our communityand I love sharing with them the good things that my spiritual life has givento me," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN