Iwa Moto's father approves of her boyfriend

"Oo naman. Ayaw langng papa ko do'n sa boyfriend nung kapatid ko. Ayaw niya raw, Korean, e. Sabiniya, ‘Huwag ‘yan. Huwag ‘yan, kaaway ng Hapon [ang] Korea!' Okay daw siya samga Pilipino," realtes Iwa Moto about her father's approval of her boyfriend.



Nagulat ang youngsexy actress na si Iwa Moto sa balitang nagpa-breast reduction daw siya.Nagtataka nga raw siya kung saan nanggaling ang balitang ‘yon.

"Mukha ba akongnagpabawas?" tanong ni Iwa nang makausap siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa dressing room ng Metro Bar noong Biyernes, November 14. Isa si Iwa sainvited guests ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa project ng grupona Celebrity Night: All Star Cast.

"Tingnan n'yo nga,lumiit ba? Wala akong pinabawas. Gano'n pa rin naman siya, di ba?" natatawangdagdag ni Iwa.

Ano ba angpakiramdam ni Iwa na sa mga survey ay isa siya lagi sa sexiest local femalecelebrities at paborito rin siya ng mga men's magazine?

"Nakaka-pressure!"sagot niya. "Yun bang parang bawal kumain. E, malaking bulas ako. Kahit hindiako kumain, ganito na talaga ako."

IWA'S DAD APPROVES OF HER BF. Kasama ni Iwa thatnight ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael Ablan, kaya kinumusta narin namin ito.

"Okay kami. So far,wala namang problema. Smooth sailing kami. Sa personal life ko,masayang-masaya rin ako," aniya.

Kamakailan aynagtungo ng Japan si Iwa para bisitahin ang kanyang may sakit na ama. Hindi rawnakasama ang kanyang boyfriend dahil may trabaho ito. Pero nagkausap naman dawang dalawa sa telepono. Tanggap ba ng ama niya ang kanyang boyfriend?

"Oo naman. Ayaw langng papa ko do'n sa boyfriend nung kapatid ko. Ayaw niya raw, Korean, e. Sabiniya, ‘Huwag ‘yan. Huwag ‘yan, kaaway ng Hapon [ang] Korea!' Okay daw siya samga Pilipino," natatawangkuwento ni Iwa.

Tanggap din namandaw si Iwa ng pamilya ng kanyang boyfriend. "Actually, close nga ang family kosa family niya," banggit niya.

Hindi rin daw nakikialamsa pagpapaseksi niya ang kanyang boyfriend. "Dedma naman siya, e," sambit niIwa. "Bakit niya ako pagbabawalan? Alam ko ang limitasyon ko, alam niya nahindi ako gagawa ng isang bagay na ikasisira ko."

Napag-uusapan na banila ang pagpapakasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, hindi pa,"sagot ni Iwa. "Wala pa sa plano namin ‘yan. Siguro, after ten years!"

Pero hindi naman dawsiya pabor sa live-in. Aniya, "Ba't pa kayo magli-live-in kung magpapakasalnaman kayo, di ba?"

WORKING WITH VIC & JOEY. Kasama si Iwa sadalawang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival this December, Shake, Rattle & Roll X at Iskul Bukol...The Reunion. Enjoy raw angKapuso talent na katrabaho sina Tito, Vic & Joey sa Iskul Bukol.

"Masaya! Para kanghindi nagtatrabaho," sabi ni Iwa.

Sino sa tatlo angpinakamasarap na katrabaho?

"Si Tito Vic[Sotto]. Sobrang bait. Kakaiba. Parang lahat kami, alam mo ‘yon, anak niya.Maalaga siya. Ang sasarap ng pagkain dun!"

Gaganap na isa samga prinsesang sasagipin nina Tito, Vic, & Joey ang role ni Iwa sapelikula.

"Maliit lang yungrole ko, pero enjoy ako," aniya.

Pinaka-close namandaw ang sexy actress kay Joey de Leon.

"Di ba, three yearsna kami sa Nuts Entertainment na magkasama?Nami-miss ko na nga sila, e."

CHRISTMAS WISH. Malapit na angKapaskuhan, may special wish ba siya this Christmas?

"No work!" mabilisniyang sagot. "Ayoko munang magtrabaho pag dumating na yung [December] 22hanggang New Year."

Wala naman dawespesyal na selebrasyon ang pamilya nina Iwa tuwing Pasko.

"Hindi kamimabongga, e. Ang gusto lang namin, yung kumpleto [kami]."

Three years na sashowbiz si Iwa, pero wala naman daw nagbago sa kanya.

"Mahirap langmag-mall!" aniya na sinabayan ng malalakas na tawa. "Para kasing lagi kangnagmu-mall show. Saka pressure yung...alam mo yung mga tao, simple lang ang suotmo, titingnan ka pa rin. May mga side comment pa rin."

Laging natotoka sakanya ay mga kontrabida roles, meron ba siyang dream role?

"Gusto kong magingmulto! Sa Shake kasi engkantada naman ako, e," Iwa says inclosing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN