Eliminated "Pinoy Fear Factor" participante Gail Nicolas relates experience in cold Argentina

"Sobrang lamig. Actually, kapag mayganung water stunt na, lahat kami talagang ayaw namin. Sobrang hirap talaga.Para kang napapaso sa sobrang lamig," Gail Nicolas told The Buzz yesterday,November 16, about her experience in Pinoy Fear Factor, which was taped in cold Argentina.


Ang Mossimo Bikini Summit 2007winner na si Gail Nicolas ang unang participantes na natanggal sa Pinoy Fear Factor sa ipinalabas naepisode last Friday, November 14. At kahapon, November 16 ay live na nag-guestsa The Buzz si Gail kung saanna-interview siya ng isa sa mga hosts na si Kris Aquino.

Unang tinanong ni Kris kay Gail,noong natanggal ba siya sa PinoyFear Factor ay pinauwi agad siya o pinag-stay pa siya?

"Kailangan na pong umuwi agad."

"How sad naman," sabi ni Kris.Nakailang araw lang ba siya sa Argentina?

"Siguro one week din," sagot niGail.

Sunod na tinanong naman ni Kris angtubig sa Argentina. Noong makausap niya kasi si Ryan Agoncillo na host ng Pinoy Fear Factor, ikinumpara nito angtubig sa Argentina sa isang basong tubig na puno ng yelo. How cold wasit talaga?

"Sobrang lamig. Actually, kapag mayganung water stunt na, lahat kami talagang ayaw namin. Sobrang hirap talaga.Para kang napapaso sa sobrang lamig."

"Napapaso sa sobrang lamig, it makessense, kasi parang dry ice effect," sabi ni Kris. At tinanong na ni Kris kungbakit natanggal si Gail.

"Losing is inevitable. Wala natalagang magagawa, e."

Na-feel niya ba na wala siyangchance dahil feeling niya mas may magaling pa kesa sa kanya?

"Oo."

E, bakit pa siya sumali?

"Actually, yun nga, hindi ko poine-expect na ganun ang mangyayari. Hindi talaga planado yun. Nakakalungkot talaga.All I have to do is accept my fate."

May natanggap ba siyang pera nungmatanggal siya?

"Wala po."

Meron ba siyang naging boyfriend saArgentina in that one week?

"Wala nga, e. Pero ang guguwapo po ngmga Argentinians."

Dito sa Pilipinas may boyfriend basiya?

"Wala po."

Pero hindi ba siya ang MossimoBikini Summit 2007 winner and cover girl pa siya ng FHM this month? Hindi ba dapat marami siyang manliligaw?

"Actually, I came from a long-termrelationship last year."

Matagal na yun, hindi pa ba siyanakaka-move on?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa."

Sino ang crush niyang artista?

"Si John Lloyd."

Why?

"Naka-work ko na siya, e. Sobrangcute and ang galing."

Saan niya naka-work si John Lloyd?

"Sa A Very Special Love."

Sino siya doon?

"Ako yung secretary ni John Lloyd."

Sinabi ni Kris na napanood niya angnasabing movie pero parang hindi niya matandaan si Gail. Sinabi pa ni Kris naparang iba raw ang hitsura ni Gail doon, kaya hindi niya ito matandaan. Biniropa ni Kris si Gail na pati raw yung mga tao sa studio ay iniisip kung sino siGail sa movie.

"Iba-iba po kasi lagi yung hitsurako."

Ano ang natutuhan niya sa kanyang Pinoy Fear Factor experience?

"Well, siyempre, for everycompetition, there will always be a better person. And the sad part is,I'm not the better person. Nakakalungkot po talaga."

Pero hindi naman malulungkot totallysi Gail, dahil may mga opportunities na nagbukas para sa kanya. Gaya na lang ngpagkakasama niya sa Dyosa, kung saangaganap siya bilang isang sirena.

"Kaya po kung hindi talaga para saakin yung Fear Factor, there will be better things that will come my way,"huling sabi pa ni Gail kay Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN