Mark Herras lied only once in 'Don't Lie To Me'

Young actor Mark Herras took the hot seat in Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment yesterday, November 16.



Si Mark Herras ang matapang na naupo sa "Don't Lie To Me"segment ng Showbiz Central kahapon, November 16. Habang nakasalang si Mark salie detector, nakaharap naman sa kanya ang best friend niyang siRainier Castillo at ang dating na-link sa kanya na si Ryza Cenon.

Sa Easy Level, ang unang tanong ni John "Sweet" Lapus ay tungkol sa napabalitang panliligaw niya kay Ynna Asistio noon. Next year aymagde-debut na ang dalagang anak ni Nadia Montenegro. May plano pa rin ba siMark na ituloy ang panliligaw rito?

"No" ang isinagot ni Mark at sumang-ayon naman sa kanya anglie-detector machine.

Bakit wala na siyang balak ligawan si Ynna?

Paliwanag ni Mark, "Kasi po, ako, ang relationship ko withYnna at yung family niya, mula po kay Tita Nadia hanggang sa pinaka-baby,sobrang close ko po sa family. Na itinuturing po nila ako na as family memberrin po nila. Kunwari, manonood kami ng sine, kakain kami sa labas or pupunta akosa bahay, sobrang close ko po sila, kaya ayoko pong sirain sa akin ang tiwala saakin ni Tita Nadia. Siguro po, if ever, someday.

Sinegundahan naman ni Rainier ang sagot ni Mark at sinabing totoong magkaibigan lang dawtalaga sina Mark at Ynna.

Sa Moderate Level naman, tinanong si Mark kung totoo bangmadalas silang mag-girl hunting sa nightclubs noon ni Rainier.

Mabilis na sumagot si Mark ng "Yes" at Truth ang lumabas naresulta.

Naunang nagbigay ng paliwanag si Rainier. Aniya, naghahanaplang daw sila ng saya. As in, kasiyahan lang daw talaga ang pakay nila sapagpunta sa nightclubs.

Sabi naman ni Mark, "Ako naman, sabi nga rin ni NanayLolit [Solis, his manager] noon, 'Mas mabuti nang mabalitaan kong si Mark at siRainier, nagpupunta ng night club kesa sa gay bar.' At saka, yung nightclubissue naman po, noon pa, way back. Ngayon po, hindi na. Mas sa computer n'yo papo kami makikita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Difficult Level naman, nagkaroon nga ba sila ng relasyonni Ryza Cenon noon? "Yes" ang sagot ni Mark at muling sumang-ayon sa kanya anglie-detector machine.

Idinaan na lang ni Ryza ang naging sagot ni Mark, perohalatang nabigla rin siya at hindi makuhang makapagpaliwanag nang tanungin siyani Sweet. Kaya naman si Mark ang nakiusap kay Sweet kung puwedeng siya na langmuna ang sasagot.

Paliwanag ni Mark, "Yes, kasi yung salitang on, hindi yunang word na naging kami. Parang nagkaroon kami ng mutual understanding.Pero hindi naging kami as boyfriend and girlfriend na naging kami na tumagal.Kasi yung panahon na yun, sobrang higpit pa sa loveteam namin ni Jen [JennylynMercado]. So, utos din sa akin na hindi ako puwedengmagbanggit na meron akong ka-relationship na iba bukod kay Jen."

Tinanong ni Sweet siRyza kung gaano katagal silang naging mag-MU ni Mark.

"Hindi ko alam," nakangiting sagot ni Ryza. "Sabi nga niMark, hindi naging kami talaga na siya ang boyfriend ko. Nagkakaintindihan langkami."

Ayon kay Mark, nagsimula raw ang maganda nilangpagtitinginan ni Ryza sa mga workshop.

Sa Now or Never Level, pinaalalahanan daw ni Mark si JennylynMercado noong taping nila ng Dear Friend na araw yun ng monthsary nila noongsila pa.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, balak pa ba niyang ligawan ang dati niyangka-loveteam at girlfriend na si Jennylyn?

"No" ang sagot ni Mark, pero sa kauna-unahang pagkakataon ay"Lie" ang lumabas na resulta.

"Kasi ganito ‘yan, gusto kong mag-explain, sabi ni Markpagkatapos. "Yung pagbabalik ni Jen, after lahat ng nangyari sa kanya, issue. Ayokongsabayan na bigla na lang akong papasok sa buhay niya na manliligaw.

"Ako, kay Jen, ang mahalaga sa akin, yung pagkakaibigan naminna nandito lang ako sa likod niya. Ako kasi with Jen, kapag nagko-commentako about her and the baby, palaging napapasama ang dating sa akin ng mga tao.Na parang bakit ba ako nakikialam, bakit ba ko umeepal with the baby?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now, ang gusto ko lang gawin, mapasaya ulit yung mga fansng Mark and Jen na sinimulan namin sa Dear Friends at sa Sine Novela na gagawinnamin. Na matutuwa po kayo na kahit nawala yung relationship, pero yungfriendship sa amin ni Jen, nandoon po habang buhay," pahayag ng kauna-unahangStarStruck Ultimate Male Survivor.


Posible bang ma-in love si Mark sa isang babaeng meron nang anak sa pagkadalaga?

"Wala pong kaso sa akin," ang mabilis na sagot niMark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN