Rufa Mae Quinto reportedly not happy with her exposure on "SOP"

Actress-TV host Rufa Mae Quinto, according to a source, is not satisfied anymore with her exposure in the Sunday musical-variety show SOP. This is why she reportedly broke down in tears yesterday.



Bumisita ang reporter na ito sa live telecast ng Sundaymusical-variety show na SOP kahapon, November 16, sa bagong Studio 7 ng GMANetwork. Pagkatapos nito ay dumiretso kami sa live telecast ng ShowbizCentral sa Studio 6. Kabilang sa dalawang programa angcomedienne-TV host na si Rufa Mae Quinto.

May nakarating na impormasyon sa amin na may tampo diumano si Rufa Mae sa SOP. Pero nang makita namin siya kahapon ay wala naman kaming napansing kakaiba sa kanya.

Pero ayon sa aming source, may nangyaring eksena kahapon sa SOP. Hindi lang daw basta naiyak si RufaMa kundi napahagulgol pa raw siya. Marami raw ang nakakita nangmag-breakdown si Rufa Mae kaya naniniwala ang source namin na hindimakakapag-deny ang comedienne sa pangyayaring ito.

Ayon sa kuwento, dumating na raw sa point si Rufa Mae na hindina napigilan ang kinikimkim na sama ng loob sa SOP. Isang malapit kay Rufa Maeang nagsabi sa amin na hindi lang daw nagsasalita ang comedienne, pero matagal na rawitong hindi masaya sa exposure na ibinibigay sa kanya ng show.

Isa raw sa pinakamatagal na hosts ng SOP si Rufa Mae, perokung mapapansin ay tila wala na itong masyadong ginagawa sa show. Madalas ay hosting na lang ang ginagawa niya. Pero hindi na lang daw ito pinapansin ni RufaMae at patuloy pa rin siya sa paghu-host ng SOP.

Pero last Sunday, ayon sa mga nakasaksi ng paghagulgol niRufa Mae, hindi na raw niya nakayanan na pagdating niya studio, nalaman niyangang nakalagay sa record niya ay "absent" siya.

Galing daw kasi sa isang out-of-town show si Rufa Mae noongBiyernes, November 14, pero pinilit niyang makabalik in time for SOP. Kayanagulat na lang daw siya na "absent" ang nakamarka sa kanya, lalo pa nga'tmaaga pa lang daw ng Linggo ay nandoon na siya sa GMA.

Bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa side ni RufaMae upang linawin ang balitang hindi na siya masaya sa SOP, at kung totoo rinbang nagtatampo siya dahil mas napapaboran pa raw ng programa ang ilang mgabaguhan kumpara sa kanya pagdating sa production numbers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Open din ang PEP para sa side naman ng SOP, at kung ano ang masasabinila sa diumano'y hinanakit ni Rufa Mae na nauwi nga sa paghagulgol nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN