Yasmien Kurdi says she is still willing to work with JC de Vera

"Wala naman kaming tension o away ni JC, okey lang kami. Pinalaki lang siya ng ibang tao. Hindi pa kaminagkakausap pero tatawanan na lang namin ito. Natatawa na nga lang ako sa mganangyayari, kasi parang nagiging masyadong malaki na hindi naman dapat," says Yasmien Kurdi.



Marami ang nagulat nang sabihin ni JC de Vera na wala na silang communication ng dating kapareha na si Yasmien Kurdi. Sa interviews namanng young actress ay naging kapansin-pansin din ang pag-iwas nito na sumagot omagbigay ng mas konkretong pahayag tungkol sa balitang ito. Dahil dito, masnabuo sa isip ng marami na mukhang may malalim na pinag-awayan at hindi nagingmaganda ang paghihiwalay ng dating magka-love team.

Dahill iisang TV network lang naman ang kanilangpinaglilingkuran, bagamat may kanya-kanya silang kapareha ngayon sakani-kanilang proyekto, hindi imposibleng magkasama uli sa isang proyekto sinaYasmien at JC.

Nagkasama sina JC at Yasmien sa mga Sine Novela na P.S. ILove You at Pasan Ko ang Daigdig, at sa primetime soap na Babangon Ako'tDudurugin Kita.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Yasmiensa fundraising concert ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong November 14sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City. Agad namin siyang tinanong kung payagba siyang makatrabahong muli si JC sa kabila ng mga intrigang ikinakabit sakanila ngayon.

"Okey lang sa akin yun, walang problema sa akin," sagot niYasmien. "Ako naman, kahit sino ang i-partner sa akin, hindi issue sa akinyun."

Tinanong din namin si Yasmin kung magkaaway o nagkatampuhanba talaga sila ng JC, lalo't sa isang interview ay hindi niya mabanggit ang pangalan ng aktor attinawag niya lang ito bilang "that person."

"Wala namang kaming tension o away ni JC, okey lang kami,"paglilinaw ng batang aktres. "Pinalaki lang siya ng ibang tao. Hindi pa kaminagkakausap pero tatawanan na lang namin ito. Natatawa na nga lang ako sa mganangyayari, kasi parang nagiging masyadong malaki na hindi naman dapat."

Dagdag niya, "Regarding that, ‘that person' issue,na-misunderstood lang nila yung pagsasalita ko. Nagkataon lang na dahil mablisakong magsalita nun, dahil ang dami kong gustong i-explain about our show [SaanDarating ang Umaga?], ginawan na lang ng issue ‘yan. I don't mean it talaga, soplease lang, huwag nilang masamain yun. Nung sinabi ko yun, wala akong ibangibig sabihin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TEAM-UP WITH DION. Ang kapareha ngayon ni Yasmien sa Saan Darating ang Umaga?ay ang ka-batch niya sa StarStruck na si Dion Ignacio. May chance bang mauwi samalalim na relasyon ang team-up nila ni Dion?

"Okey kami ni Dion, puro kami gitara, music... Dati ko nanaman siyang friend, so okay kami. Masyado naman yatang mabilis para pag-usapan kung magkaka-developan ba omaaari bang ma-fall ako sa kanya. After so many years since Joy Ride,ngayon lang uli kami nagka-partner. Ine-enjoy lang namin yung friendship naminsa ngayon," pahayag ni Yasmien.

SHOWBIZ IS NOT A LIFETIME CAREER. Sinabi noon ni Yasmien sa past interview niya na magla-lielow muna siya sa showbiz at tatapusin ang kanyang pag-aaral. Masayang ibinalitang aktres na natapos na niya ang high school. Ngayong medyo maluwag na angkanyang schedule, balik showbiz na siya.

"Okey na, natapos na," sambit niya. "Tinapos ko yung high schoolko. I have to lie low for four months, dapat kong gawin yun kasi papagalitanako ng dad ko. Ngayon, college na ako sa New Era University. I'm taking upForeign Service International Relations, and mas okay ang sked ko, mas hawakko. Puwede na akong mag-work uli kung gusto kong mag-work."

Pero tiyak na ikalulungkot ng fans ni Yasmien angsinabi niya na hindi niya nakikita ang sarili na mag-stay nang matagal sa pag-aartista.

"Para kasi sa akin, hindi forever ang showbiz, namag-stay ako dito hanggang pagtanda ko. Pag natapos ko yung job ko, at maynakita akong job, baka umalis na ako dito. Pero magma-masteral pa namana ko, somatagal-tagal pa naman yun," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN