"Survivor" castoffs Kiko Rustia and Vern Domingo face Central Jury on "Showbiz Central"

Survivor Philippines castoffs Vern Domingo (left) and Kiko Rustia (right) guested on Showbiz Central yesterday, November 16, and faced Central Jury members Rufa Mae Quinto and Mo Twister.



Last week ay dalawang castaways ang na-vote out sa SurvivorPhilippines. Una ay ang young businessman na si Kiko Rustia at sumunod naman sakanya ang taekwondo instructor na si Vern Domingo. Bahagi na sila ngayon ng Jury,kasama si Jace Flores, na magdedesisyon kung sino ang karapat-dapat natanghaling Pinoy Sole Survivor at manalo ng three-million cash prize.

Sabay na humarap sina Kiko at Vern sa Central Jury ngShowbiz Central na sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister kahapon, November 16.

Bago magsimula ang interview ay sinabi ni Rufa Mae angkanyang obserbasyon na parang mangiyak-ngiyak si Kiko habang pinapanood angvideo nang ma-vote out siya sa Survivor.

Pero ayon kay Kiko, "Hindi naman, medyo ina-absorb ko lang.It wasn't really a welcome thing for me. But then again, sa akin, I accept kungano yung dumarating."

Ano ang feeling ni Kiko nang banggitin ang pangalan niyaat natanggal?

"Actually, mas kinakabahan pa nga ako noong nagkakabilangan,"sabi ni Kiko. "Pero noong mabanggit na ang name ko, at malaman ko na ako,parang nagkaroon na ng sense of calm na. Kasi yun nga, I gave everything that Iexpected. The way I played the game, malamang naman na matatanggal ako nangmaaga. And I didn't care because I don't wanna compromise."

Tinanong din ni Rufa Mae si Vern kung ano ang naramdaman niyanang matawag na ang pangalan niya bilang castoff.

"Ako kasi, gusto ko pa ring ipagpatuloy yung laban," saad niVern. "Siyempre, pumunta ako doon para talaga maglaro at ipakita sa buongPilipinas talaga kung ano ang kakayahan ko. So, noong time na na-vote out ako,siyempre, sobrang masama yung loob. Parang yun nga, medyo nahe-hurt ako dahilsobrang aga pa para ma-vote ako.

"Pero siyempre ngayon, wala na sa akin yun. Kailangangi-accept mo na hanggang doon na lang talaga," pahabol niya.

Tinanong naman ni Mo si Kiko kung bakit kay Rob niyaibinigay ang black pearl na magsisilbing curse sa kung sino mang may hawaknito. May galit ba siya kay Rob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, that's a good question," umpisa niya. "I'm sure,there's a lot of questions nga. First and foremost nga, marami ang nagsasabi nahindi naman si Rob ang nagtraydor sa ‘yo or something like that. Ako naman,nagduda ako, yes! I'm guilty at that, but I didn't point a finger na ikaw angbumoto sa akin..."

Hindi naman mabanggit-banggit ni Rufa Mae ang salitang "mabaho" nagusto niya sanang itanong kay Vern. Sina Vern at Marlon kasi ang sinasabing "pinakamabaho"sa isang survey na isinagawa among the castaways.

Paliwanag naman ni Vern, "Kasi magwa-one month na kami saisland [that time]. Ang tendency, one month na walang shower, walangtoothbrush, walang sabon... So, siyempre, nandoon ka pa sa island, siyempre, angtendency, medyo...yun [mangamoy]."

Pero para kay Vern, sino ang pinakamabaho sa castaways?

"Tapos na ang botohan," sabi muna ni Vern. "Well...kasi angpinili ko noon si Marlon."

Sino naman ang sa tingin ni Kiko ang pinakamabaho sa mgakasamahan niya sa isla?

"Actually, marami akong masyadong pinoproblema para amuyinyung mga castaway, e. So, yun," sabi ni Kiko.

KILLER QUESTIONS. Pagkatapos nito ay pinapili na nina Rufa Mae at Mo sinaKiko at Vern between "Killer Question" or "Killer Task." Parehong "KillerQuestion" ang pinili ng dalawang Survivor Philippines castoffs.

For Vern, ito ang "Killer Question" niya: Marami ang kinilig sa pagkaka-link n'yo ngdating kasamahan mo sa isla na si Jace Flores. Nilinaw ni Jace sa pastinterview niya na friends lang kayo. Pero meron kaming natuklasan na isang castawayraw na kasama mo sa Survivor ang idine-date mo ngayon. Totoo ba ito or si Jaceba yung tinutukoy ng source na dine-date mo ngayon?

"Okay, iki-clear ko muna kung ano ba yung sa amin ni Jacetalaga," sabi ni Jace. "Kasi si Jace, di ba, may mga moments nga na sinasabin'yo sa island na parang ang sweet namin? Actually, yung scene na yun, sasobrang ano lang talaga...magkaibigan lang talaga kami. Brother and sister langtalaga kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, nagdi-date na ba sila?

"Ni Jace? Ay,hindi...hindi!" tanggi ng taekwondo expert.

May dine-date ba siya ngayon na castaway rin?

"Meron akong dine-date na isang castaway," pag-amin ni Vern."Basta hindi si Jace. Pero siguro, hindi pa ito ang panahon para sabihin ko[kung sino]."

Ito naman ang "Killer Question" para kay Kiko: Isa ka sa mgatinitilian at hinahangaan ng girls among the male castaways ng SurvivorPhilippines. Pero isang heartbreaking info ang nalaman namin na lingid sakaalaman ng marami, meron ka na raw anak. Gaano ito katotoo?

"Actually, you know what, I'm proud to say that I do have ason and I love him very much," pagkumpirma ni Kiko. "He's the coolest kid inthe whole world at siya lang ang kakampi ko. Na kapag tinatanong ko, ‘Anak,pinapagupit na ng lolo at lola mo ang buhok ko.' Siya lang yung, ‘No! Your hairis spunky!"

Magkatulad din ba sila ng kanyang anak na dreadlock angbuhok?

"No, clean cut siya. Nag-aaral na siya. Paolo [his son'sname] is nine. And I'm really proud of him and he's such a bright kid. Kaya‘eto nga, kung totoong hinahangaan ako, the girls should love my kid first,"saad ni Kiko.

So, ibig sabihin single siya?

"Yes!" nakangiti sabi ni Kiko.

Sa kasalukuyan ay pitong castaways na lang angnatitira sa Survivor Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN