Judy Ann Santos to be featured in month-long Christmas special of "Maalaala Mo Kaya"

"Sa desisyon namin ni Tito Alfie [Lorenzo, hermanager], ang pinagbasehan namin ay yung respeto na rin lang sa pakikipag-usapng mga taga-ABS-CBN sa amin. Anuman ang inilalaban ng manager ko para sakapakanan ko, gumagawa pa rin sila ng paraan to, at least, meet halfway. Perodito sa bagong kasunduan, favorable for both parties, at hindi naman kamiagrabyado," says Judy Ann Santos about her new two-year contract with ABS-CBN.


Kapamilya pa rin si Judy Ann Santos pagkatapos niyangpumirma muli ng two-year contract sa ABS-CBN. Para sa marami, isa itong wisedecision. Kahit pa sinasabing sa 2009 na maipalalabas ang Humingi Ka Lang saLangit dahil kailangang busisiin ito, bago matapos ang taong 2008 aynakatakdang itampok si Juday sa Maalaala Mo Kaya (MMK). Magsisilbi itongmonth-long special Christmas presentation ng MMK.

"Alam kasi ng ABS-CBN na matagal akong natengga saTV," sabi ni Juday sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Thistime, ang sabi nila, gusto nilang bumawi. Sa MMK daw muna, bago ipalabas yungbago kong teleserye sa early part of next year.

"Hindi naman ako nainip. Gusto ko rin lang namakasigurado kaya matagal kong pinag-aralan yung bagong contract na in-offernila. They gave me enough time na pag-aralan yun, and another two weeks nanaka-hang ang final decision namin. Pero nagpaunlak pa rin sila," lahadni Juday.

Naniniwala si Judy Ann na espesyal pa rin siya sa ABS-CBN.And this time, kahit nga nasabi ni Juday noon na wala na siyang masyado pangpersonal expectations, masaya siya sa mga nakapaloob sa bagong kontrata.

Definitely, ayon sa napag-alaman ng PEP, bonggang-bongga ang2009 ni Juday sa ABS-CBN kung masusunod ang mga nakasaad sa kontrata. Hindi nanga lang nagdetalye pa si Juday, pero kasama na rito ang malalaking proyekto,hindi lang sa TV kundi pati na ang mga pelikulang gagawin niya sa Star Cinema.

"Sa desisyon namin ni Tito Alfie [Lorenzo, hermanager], ang pinagbasehan namin ay yung respeto na rin lang sa pakikipag-usapng mga taga-ABS-CBN sa amin. Anuman ang inilalaban ng manager ko para sakapakanan ko, gumagawa pa rin sila ng paraan to, at least, meet halfway. Perodito sa bagong kasunduan, favorable for both parties, at hindi naman kamiagrabyado," saad ni Juday.

LOBBYING FOR PLONING. Ratsada ang career ni Juday kahit nga medyo nanahimik ang TVcareer niya at wala siyang Metro Manila Film Festival entry this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas binigyan ko ng panahon ang paghahanda sa kampanyang Ploning sa Oscars. Palagay ko, pagkatapos ng dalawang taong magkasunod saMetro Manila Film Festival, it's about time na pumasok na ako sa ibang level,which is the Oscars," nakagugulat na sabi pa ni Juday.

"Nag-launch kami ng kampanya, with some industryfriends na tumutulong para sa fund-raising. Kakailanganin namin ng pera para sapagpapadala ng delegasyon sa Oscars, para sa gagamitin sa kampanya ng pelikulasa Hollywood.

"Maraming nagpahayag ng kanilang taos-pusong pagtulong,at naroroon talaga sila nang mag-meeting kami sa bahay ni Regine [Velasquez] saAyala Heights, Quezon City. Regine expressed her willingness to help us, kasamapa ang ibang artista na naniniwala sa gustong mapatunayan ng Ploning sa Oscars,na in return, para rin naman sa buong industriya," pahayag ni Juday.

Maganda ang track record ni Juday sa pelikula dahil kumitaang halos lahat ng pelikula niya, at ang Ploning ay inaasahang magbibigay ngprestihiyo sa kanyang career.

"At least, yung masabi ko rin lang na ginawa ko na anglahat para maiparating sa buong mundo ang kahalagahan ng pelikulang ito fromour country. Kesa naman magsisi ako sa bandang huli [that] I didn't eventry," pagwawakas ng young superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN